Chapter 31

827 26 0
                                    

"Alam niyo naman siguro na halos dalawang linggo na lang para sa founding anniversary ng Granpaul NHS," ani Ma'am Lalaine na P.E. teacher namin.

"Yes, ma'am," sagot namin.

"May sasalihan na ba kayong activity? Kagaya ng pag-awit, essay writing o kung ano pa man?" Tanong ni ma'am sa amin.

"Hindi na lang po kami sasali ma'am," ani Rose Ann.

"Bakit naman?" Takang tanong ni ma'am.

"Eh wala naman kami binibigyan ng plus points kapag sumali kami. Tapos matatalo pa kami diyan."

Napangiti si ma'am. "Don't worry, Okras. Dahil ngayong parating na 50th Founding Anniversary ng Granpual NHS, nais ng principal na sumali lahat ng mga estudyante dito sa Granpaul sa mga activities naisasagawa sa founding anniversary. At sa kung sino man ang sumali sa kahit na anong activiy bibigyan ng plus points sa subject na P.E."

Napa-wow ang ilan at tila nabuhayan dahil sa plus points.

"Dahil nakakaisang beses lang tayo magkita-kita para sa P.E. subject at minsan hindi pa ako nakakapasok sa inyo dahil nabu-busy ako dahil isa rin akong cookery teacher. Kaya malalaki-laki ang points na makukuha ninyo sa pagsali sa mga aktibidad sa founding anniversary. At maaaring gawin ko na lang itong dagdag grade niyo sa performance, at quizzes," dagdag ni ma'am.

Nagkaroon muna ng bulong-bulongan ang mga kaklase ko. Nagkakasundo sila na sasali na lang sila dahil sa points na makukuha. Ako naman, mapipilitan na lang akong sumali kung may points nga.

"Eh, ma'am, ano-ano po ba ang mga activities ang mayroon para sa founding anniversary?" Tanong ni Erika.

"Oh sige. Basta, paalala ko sa inyo na lahat ng ito ay kompitesyon."

Kumuha ng chalk si ma'am mula sa isang maliit na kahon na dala ni ma'am. Pagkatapos ay may isinulat siya sa blackboard. Isinulat niya ang word na 'singing' at humarap sa amin.

"Pag-awit. Isa 'yan sa mga aktibidad para sa founding anniversary. Sino sa inyo rito ang marunong kumanta?" Tanong ni ma'am.

Nag-hands up agad si Regine. "Ako! Ako!"

"Weh? Sample nga," ani Mark.

Tumayo mula sa pagkakaupo si Regine. "Ehem," naghanda na si Regine upang kumanta at nakahanda na rin kami para mapakinggan namin si Regine na kumanta.

"AND YOU'RE HERE!~ THERE'S NOTHING I FEEL~ AND I KNOW THAT MY HEART WILL GO ON!~ ONCE MORE!~ YOU OPEN THE DOOR!~ AND YOU'RE HERE IN MY HEART----"

"Basag!" Naputol ang pagawit ni Regine dahil sa biglang sinabi ni Mark. "Grabe! Makabasag pinggan ka, Regine. Kung gaano kagaling si Regine Velasquez, kabaliktaran ka naman."

Nagtawanan ang mga kaklase ko. Hindi ko mapigilang mapangiti. Actually, unang bigkas pa lang niya sa pagkanta, hindi naman sa pang-aano, pero sintunado siya.

"Heh! Eh ikaw? Hindi ka nga marunong kumanta!" Inis na sabi ni Regine kay Mark.

"Alam ko. Kaya hindi ako magtatry kumanta dahil hindi ako marunong kumanta. Eh ikaw, taas ng confident para kumanta kahit basag," at humalakhak sa tawa si Mark.

"Che! Kapag ako naging singer, naku! Who you ka sa akin!"

Nagtawanan ang mga kaklase ko. Napapangiti na lang ako. Ayoko namang tumawa gaya ng mga kaklase ko. Hindi ako marunong kumanta at never pa akong kumanta kahit sa banyo. Maliban na lang sa National Anthem ng Pilipinas. At kung ibang kanta gaya ng mga ordinaryong kanta, sa isip ko lang kinakanta. At noong graduation song naman namin noong elementary ako, nag-lip sync lang ako sa mga kaklase ko noon. Hindi naman kasi masyadong halata yun eh.

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now