Chapter 66

629 22 0
                                    

Kinabukasan...

Bumalik na ang sigla ng mga kaklase ko. Pumasok na rin ang iba ko pang kaklase na um-absent na dahil sa nangyari. Malaki ang pasasalamat nila sa akin kaya halos wala akong ibang marinig sa kanila kundi ang "salamat."

Nag-online na rin ako sa Facebook. May notification sa akin na itinag nga ako. Ngunit ng tingnan ko ito, "not availale" na. Ini-erase na nila. Natutuwa ako.

***

Araw ng bisperas ng pyesta sa bayan...

Ngayon ang araw ng kompitesyon ng festival dance ng iba't ibang paaralan. Pero bago ang kompitesyon, magkakaroon muna ng parada na gaganapin ng alas-otso sa umaga. Kasali sa parada ang mga lahat na mga sasayaw sa festival dance na naka-costume na. Dahil pagkatapos ng parada, deritso na agad sa plaza para agad na masimulan ang kompitesyon.

"Oh my gosh! Excited na ako!" Sigaw ni Pauline.

Kasalukuyang naririto ang buo naming section sa tabi ng kalsada kung saan dadaan ang parada. Sa totoo lang, lahat ng dadaanan ng parada ay may mga tao. Naghihintay sa parada.

"Picture-picture muna tayo!" Yaya ni Nancy sabay kuha ng kaniyang phone mula sa bulsa ng kaniyang jeans.

Natuwa naman ang mga kaklase ko at nakisabay kay Nancy. Ako lang ata ang hindi sumali sa picture-picture nila.

"Uy Trisha!" Tawag sa akin ni Rose Ann kaya napalingon ako sa kanila.

"Hmm?"

"Sali ka sa picture-picture namin," aniya.

Umiling ako. "Salamat na lang."

"Aish. Ang KJ mo naman," inis na komento ni Pauline. "Bahala ka."

Tapos ay bumalik sila sa pagkuha ng litrato. Napailing na lang ako. KJ na kung KJ. Hindi ko lang talaga trip ang ganiyan.

Mayamaya lang, naririnig na namin ang dagundong na likha ng drums na ginagamit sa parada. Pagkatapos ay sinundan na ito ng hiyawan.

"Wooooh!" Sigaw ng mga kaklase ko.

Halos mapatakip ako ng tenga dahil sa ang lakas makasigaw ng mga kaklase ko. Nagtuloy-tuloy pa ang sigawan sa paligid nang malapit na sa amin ang parada. Palakas ng palakas ang musika na nasa parada.

Nang dumadaan na sa aming harapan ang parada, hinintay naman namin ang grupo ng mga sasayaw sa kompitesyon mamaya para sa Granpaul NHS. Napapangiti ako sa mga iba't ibang desinyo at mamukulay na mga kasuotan na aking nakikita para sa mga sasayaw mamaya. Iba't ibang palamuti at iba't ibang pagkakalagay ng mga cosmestics. May ilan pang sumasayaw at sinasabayan ang musika ng parada habang sila ay pumaparada.

Hanggang sa tuluyan na ngang dumating ang grupo ng Granpaul NHS festival dancers. Mas lalo pang lumakas ang sigawan ng mga kaklase ko at ng ilang mga studyante na nag-aaral sa Granpaul NHS.

"Granpaul! Granpaul! Granpaul!" Ang paulit-ulit na binabanggit ng mga estudyante ng Granpaul NHS habang dumadaan sa aming harapan ang mga mananayaw.

Nakita ko si Enrico. Suot ang kaniyang costume at may ngiti sa labi habang sumasayaw. Ang cute-cute niya talaga.

"Wooooh! Enrico! Andito si Trisha! Support ka niya!" Biglang sigaw ng mga kaklase ko.

Napalingon ako agad sa kanila at sinamaan ko sila ng tingin.

"Granpaul! Granpaul! Granpaul!" Sigaw nila at dinedma lang ako rito.

Psh. Mabuti na lang at walang may nakarinig na iba.

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now