Chapter 182

257 15 4
                                    

Hapon na at wala na naman kaming magawa. Ang ilan nga sa mga kaklase ko ay naglatag ng mga ginamit na naming visual aids para higaan at matulog. Ang ibang natutulog ay para-paraan sa pagtatabi-tabi ng mga upuan para higaan din.

Ang iba naman ay kinukunan ng litrato ang mga natutulog at pagtatawanan nila. Minsan izo-zoom pa nila kaya mas lalo silang humahalakhak. Paniguradong maraming asar mamaya kapag magising sila.

Ako naman, tinatapos kong basahin ang isang story sa Wattpad. Nahawa na nga ako ng tuluyan kay Maria.

"Guys? Mag-open forum tayo," biglang sabi ni Claire.

"Ay oo nga! Ilang araw na lang kasi," ani Rose Ann.

"Bet. Sige. Ngayon na," pag-sang-ayon ni Nancy.

Sumang-ayon din ang iba ko pang kaklase.

"Oh sige. Gisingin na ninyo iyang mga tulog. Ako na uuna," ani Rose Ann.

Agad nga naman na ginising nila ang mga natutulog naming kaklase at pagkatapos ay agad na sinimulan ang open forum. Agad ko namang ibinulsa ang phone ko.

"Ganito, isa-isa tayong pupunta rito sa unahan tapos sabihin niyo na lahat ng inyong hinanakit ngayon. Ngayon tayo magkakaalaman," sabi ni Rose Ann. "Naalala niyo pa ba yung first day of school?"

Tumango kaming lahat.

"Parang ang hihinhin nating lahat no?"

Natawa kami. Naalala ko pa na sobrang tahimik lang kami sa unang araw pero makalipas lang ng ilang araw, ang iingay na.

"Ang tahimik nating lahat tapos ilang araw lang, parang palengke na tayo rito. Nagkakahiyaan pero ang kakapal naman pala ng mukha," pagpapatuloy ni Rose Ann.

Marami siyang sinabi na puro pagkumpara sa unang araw ng klase at ngayon. Natatawa kami dahil puro totoo at minsan at ide-deny ng ilan kong kaklase.

*

"Alam niyo, mayroon talaga akong hindi nagugustuhang maging kaklase ulit," pagsisimula ni Niño.

"Sino? Sino?" Tanong ng mga kaklase ko.

"Si Claire. Ang arte-arte kasi," sagot ni Niño.

Agad naman na nag-react ang mga kaklase ko

"Woah! Pranka!"

"Grabe!"

"And so?" Pagtataray ni Claire.

"Oh kita niyo na! Boses maarte," iritang sabi ni Niño.

"Uy Niño baka crush mo lang si Claire? The more you hate, the more you love---mga ganun," ani Julie Ann.

"Yiee~" Sabay-sabay na react ng mga kaklase ko.

"Hindi! Pagkain lang love ko," tanggi ni Niño.

Napairap na lang si Claire.

Mas lalong tinukso sila ng mga kaklase ko.

Nakangiti lang ako rito habang nakikinig lang sa kanila.

*

"Gagamitin ko ang pagkakataong ito upang manawagan sa mga may utang sa akin, please lang. Magbayad na kayo. Matatapos na itong school year," sabi naman ni Angelica nang siya na ang nasa harapan.

"Next year na lang daw!" Sigaw ng karamihan at nagtawanan.

*

"Naiirita ako kay Regine. Kanta ng kanta eh basag naman ang boses," reklamo ni Mark.

*

"Basta ang paalala ko: walang forever. Maghihiwalay din iyang magjojowa diyan," sabi naman ni Jane sa harapan.

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now