Chapter 108

517 22 2
                                    

Recess time.

Lutang akong nagpunta at pumila sa canteen. Iniisip ko kasi kung ano-ano ang pwedeng gawing questions na ilalagay sa survey questionnaire namin para sa research. Gusto kasi ni ma'am na bago mag-Christmas break ay makapag-survey na kami para at least deri-deritso na sa pagbalik namin after new year. Ang kaso wala akonh maayos na naiisip na pwedeng i-question. Argh. Kakainis.

"Hi." Natauhan na lang ako nang may mag-wave na kamay sa harap ko. At mas lalo pa akong natauhan nang si Dominic pala iyon. Siya pala ang nasa unahan ko.

Shemay! Nakakahiya! Lutang ako na pumunta rito. Ano kaya naging hitsura ko? Nagmukha ba akong tanga? Tae?

Nginitian niya ako. "Mukhang malalim ang iniisip mo," komento niya.

"Ahm..." nakamot na lang ako sa ulo ko. Nakakahiya.

"May problema ba?"

"Ano... Nag-iisip lang tungkol sa research."

"Ah. Research. Nagsisimula na pala kayo?"

Tumango ako.

"Mahirap ba? I mean, medyo nahihirapan ka ba?" Tanong niya.

Shemay! Napipiga na utak ko kahit sa pag-isip pa lang ng topic at paggawa ng title.

Marahan akong napatango. Bakit pa ba ako magde-deny? Nahihirapan ako. Pero hindi naman ganoon na sobrang hirap. Medyo lang lalo na't kakasimula pa lang.

"Gusto ko tulungan kita?"

Napakurap lang ako sa kaniya.

"Hindi naman sa pagmamayabang. Pero may kaunting kaalaman at experience na rin ako sa paggawa ng research. Nung junior high pa ako, isa ako sa napili ng Granpaul na maging isa sa mga researcher para sa school based research. Kaya medyo alam ko na."

"Ta-Talaga?" Sana all.

Tumango siya. "Gusto mo tulungan kita? Pero hindi ko masasabi na perfect na yun. Syempre, studyante pa lang din ako kaya may mga mali pa rin."

"Ahm... Salamat na lang. Pero may mga kagrupo naman akong pwedeng tumulong sa akin eh."

"Kagrupo? So, by group pala research niyo?"

"Oo. Bakit?"

"Individual kasi sa amin."

Ano?! Individual? Waaah. Kung sa bagay. Mga matatalino naman sila kaya ayos lang yan sa kanila lalo na rito kay Dominic na nasali na pala sa research noon.

"Pero kung gusto mo na tulungan kita, sabihan ko lang ako," aniya at siya na ang sumunod sa counter.

Hindi na niya kailangang tumulong sa akin. May mga kagrupo naman ako eh. Sila ang katulong ko.

Nang matapos siya, ako naman ang sumunod. Pero bago siya makaalis, medyo lumapit muna siya sa akin sabay sabing, "Mauna na ako. Nandiyan mga kaklase mo."

Ngumiti muna siya sa akin bago tuluyang lumabas ng canteen. Habang bumibili ako, pasimple akong lumilingon sa paligid ko para mahanap mga kaklase ko. Them nakita ko nga sila Rose Ann at Martina na nasa labas. Hindi ako sure pero mukhang nagbibilang sila ng pera. Mabuti na lang na nakita sila ni Dominic at agad na siyang umalis. Dahil kung makita kami ng dalawang kaklase ko na nag-uusap, sesermunan nila ako.

***

Three days after, deadline na para sa ginawa naming questions at sa ilang parts ng chapter 1 sa research. Ipapasa na namin kay ma'am para ma-check niya. Kaso ang problema rito ay hindi pa kami nakakagawa ng limang questions na maayos. Dapat kasi na mga questions ay yung tumpak talaga. Nagpapatulong na ako sa mga kagrupo ko kaso hindi raw nila alam ang pwedeng idagdag lalo na't nasulat ko naman daw ang gusto nilang tanong. Kaso parang hindi tama eh. Tapos parang parehas lalo at binaliktad ko lang yung pagkaka-arrange ng words.

Okras and SpecialsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum