Chapter 12

950 47 2
                                    

Pagka-dismiss sa amin ng teacher namin, inaya kami ni Maria nila Nancy at Pauline sa canteen dahil recess na. Pero hinintay muna namin si Pauline dahil nag-aayos pa siya ng sarili niya.

"Haay naku. Bilisan mo nga diyan, Pauline," inip na sabi ni Nancy.

"Wait lang. Lip tint na lang," pahabol ni Pauline sabag lagay ng lip tint.

Napairap bigla si Nancy. "Ano ba yan? Kakain na nga lang, a-aura pa. Dami pang-ek-ek. Pupunta lang naman sa canteen."

Napangiti ako sa sinabi ni Nancy. May point naman siya. Pero baka aware lang talaga masyado si Pauline sa hitsura niya.

"Oh! Ayan! Tapos na! Re-reklamo ka pa."

"Haaay salamat at natapos ka na rin."

Sabay-sabay kaming pumunta sa canteen. Tapos nung makabili na kami ng mga pagkain namin, umupo kami sa isang table.

"So, may naiisip na ako sa magiging takbo ng istorya ng movie natin", biglang saad ni Nancy.

"Talaga? Ano? Yiee", excited na tanong ni Pauline.

"Napag-kasunduan namin ni Rose Ann ang tungkol rito. At ang story na gagawin natin ay love story. At syempre, ako ang bida~."

"Ay. Ang daya. Eh ako? Ano magiging role ko?" Tanong ni Pauline.

"Don't worry. Baka best friend kita doon."

"Yiee. Sige sige."

"Eh ako?" Biglang tanong ni Maria.

"Wala pa kasing mga gaganap ng mga role. Pero wag kayong mag-alala, sisiguradohin ko na malapit kayo sa 'kin sa gagawin nating movie," nakangiting sabi sa 'min ni Nancy.

"Ah. Kahit isa na lang ako sa props men. Hindi ko naman masyadong gusto ang mga ganiyan na mga acting-acting," sabi ko.

"Eh? 'No ka ba, Trisha! Kami nina Pauline at Maria may malaking role tapos ikaw props lang? Di pwede 'yan," tanggi niya.

Nagkibit balikat lang ako. "Bahala kayo."

"Ah basta! Mag-me-meeting mamaya ng 1:00 tungkol dito."

Tumango ako sabay subo ng tinapay na binili ko. Tapos biglang nahagip ng mga mata ko ang isang lalaki na kapapasok pa lang dito sa canteen. Siya yung lalaki na nabunggo ko rito sa canteen nung binalikan ko ang notebook ko rito. Pumunta siya sa counter para bumili.

"Ang cute niya talaga," biglang komento ni Pauline kaya napalingon ako sa kaniya.

"Oh? Sino?" Takang tanong ni Nancy habang kumakain.

Ngumuso si Pauline sa deriksyon nung lalaki. "Si Enrico."

"Enrico? Sino yun?" Sunod na tanong ni Nancy.

"Yung lalaking cute, mataas-basta yung lalaki na nasa counter na mataas saka cute."

Napatingin naman kami ni Nancy sa may counter. Isang lalaki lamang ang nandoon ngayon sa counter dahil karamihan ay babae. At yung lalaki na nakabunggo ko lang ang nandoon. So, Enrico pala pangalan niya.

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now