Chapter 169

195 12 0
                                    

"Tapos ganito lang 'yan. Add to library mo na lang yung mga nagugustuhan mo," turo sa akin ni Maria.

"Paano mag-add-to-library?" Tanong ko naman.

Tinuruan naman niya ako ngayon ng kung paano i-add daw sa library ang story.

Nag-download na kasi ako ng Wattpad. Ilang araw na rin kasi akong kinukulit ni Maria na magbasa rito. Since may load pa naman ako, nag-download na lang ako para ma-try ko nga ang app at nang malaman ko kung bakit ba nahuhumaling siya sa rito.

Kung dumating man ang araw na maging kagaya na ako ni Maria---na halos sa Wattpad na lang iikot ang mga araw ko, ang ibig sabihin lang nun ay na-impluwesiyahan na niya ako.

"Guys, guys! Mag-sweep na tayo!" Sigaw ni Rose Ann sa amin.

"Basta yun na iyon. Tanong mo na lang sa akin kung ano pa ang hindi mo alam," sabi sa akin ni Maria.

Tumango ako at saka tumayo na para kumuha ng walis-tambo. Pumunta ako sa lobby kung saan nagsisimula nang magbunot ng sahig ang mga kagrupo ko. Tumayo lang muna ako sa labas ng pintuan upang hintayin sila na matapos.

Habang naghihintay ako rito, nagpatuloy ako sa pag-scroll-scroll sa Wattpad. Marami akong gustong i-try i-add sa library at basahin kaso limited lang ang pwede kong mailagay sa library ko. Sayang.

Titig na titig ako sa cellphone ko nang biglang may bumunggo sa akin at nabitawan ko pa ang phone ko.

"Hala, OMG! Sorry!" Rinig kong sambit nang boses babae.

Pero hindi ko siya pinansin agad dahil inuna ko na pulutin ang phone ko sa sahig. Agad kong in-open ang phone ko at gumana pa naman na parang walang nangyari.

'Hay salamat. Buhay pa,' sabi ko sa isip ko.

"Hoy! Ano yun? Nakita ko yun!" Biglang sigaw ni Rose Ann habang naglalakad patungo sa gawi ko.

Sa pagkakataong ito lang ako napalingon sa kung sino man ang nakabunggo sa akin. Si Megan pala.

"Sorry talaga, Trisha," aniya sa akin.

"O---" naputol ang sasabihin ko nang bigla pang sumigaw ulit si Rose Ann. Ngunit nakalapit na siya sa amin sa oras na ito.

"Hoy!"

Napabuntonghinga muna sa Megan bago niya tuluyang bigyang pansin si Rose Ann. "What? It's just an accident."

"Accident-accident. Paano kung nasira cellphone ni Trisha? Ha?" Sigaw pa ni Rose Ann.

Nakatingin na rin sa amin ang iba ko pang kaklase.

Napatingin sa akin si Megan. "Nasira ba?" Tanong niya.

Agad akong umiling. "Hindi naman. Ayos lang. Wala namang nasira."

"Hay mabuti na lang. I am sorry talaga."

Magsasalita sana ako nang maunahan naman ako ni Rose Ann. "Sus. Siguro sinadya mo yun no?"

"What? Hell no! Aksidente nga lang yun. Nagmamadali kasi ako para rito," paliwanag ni Megan sabay ipinakita sa amin isang folder na may lamang papers.

"Ah. So, tatanga-tanga ka pala," komento ni Martina.

Napangiti si Megan. Ngiting naaasar. Pero bago pa man siya magsalita, ako naman ang umuna ngayon.

"Alam niyo, okay naman ang phone ko e. Wala na kayong dapat na ipag-alala," sabi ko upang sana maiwasan pa ang bangayan nila.

Bigla naman akong hinawi sa tabi ni Megan at tila hindi lang ako narinig. "Heto na naman kayong mga Okra. Sinisimulan niyo na naman ako. Gusto niyo talaga ng gulo."

"Concern lang kami sa cellphone ni Trisha. Paano kung nasira ang cellphone niya?" Napakapamewang na ngayon si Rose Ann.

"Edi papalitan ko na lang," sagot ni Megan.

"Ay ang yabang. Tanga naman. Hindi marunong tumingin sa dinadaanan," singit naman ni John Rey.

Bigla namang lumabas mula sa kabilang room si Caroline. "Hey, Megan. Ba't andiyan ka pa? Diba kailangan na----" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil biglang inabot ni Megan ang folder na may lamang papers.

"Ikaw na magdala niyan kay ma'am. May tratrabahuin lang ako rito," seryosong sabi ni Megan kay Caroline na hindi man lang niya nililingon ito.

Napatingin si Caroline sa amin at tila nakuha na niya kung ano ba talaga ang nangyayari. "O-kay," sambit niya at kinuha ang folder na inaabot ni Megan. At saka umalis agad.

"You know what, namiss ko 'to," sabi ni Megan.

Nakatingin lang sa kaniya ang mga kaklase ko at tila hindi pa nila nakukuha ang ibig sabihin ni Megan.

"Namiss ko kayong laitin. Mga bobo kayo." Ani Megan.

Bigla namang nabuhayan sila Rose Ann. "Ha! Tanga ka naman! Special child! Mayabang!" Sigaw nila.

Nagpalitan pa sila ng panglalait sa isa't isa. Hanggang sa pumukaw iyon ng atensiyon sa iba pang kaklase ni Megan sa loob ng classroom nila lalo na't nagsisigawan sila.

"Oh! Anong nangyayari rito?"

"Aba! Mukhang nakikipagtalasan na naman ng dila ang mga Okra."

"Ay teka. Pinagkakaisahan nila si Megan. Backup nga tayo."

Napaatras na lang ako papasok sa room namin nang marinig ko ang mga taga-Special Section. Ayoko sa gitna nila. Baka biglang magkasampalan.

Nang malaman ng iba ko pang kaklase na sumali ang ilan pang kaklase ni Megan, walang atubiling lumabas sila at sumali rin sa bangayan. Awtomatikong iniwan ang mga gawain nila. Kaya heto na sila ngayon, palitan na naman sila ng mga salita na halos hindi ko na maintindihan dahil sa nagkakasabay-sabay na sila sa pagsasalita.

Heto na naman sila.

*****

Okras and SpecialsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu