Chapter 38

783 23 6
                                    

Pagkarating ko malapit sa quadrangle, nadadtnan ko na marami ng mga estudyante ang narito na nag-aabang sa pagsisimula ng kompitesyon. Kaso hanggang sa gilid ng quadrangle lang kami dahil ang quadrangle ang gagamitin ng mga mananayaw mamaya. Kaya ang mga lights ay nakatutok sa gitna ng quadrangle.

Ibinulsa ko muna ang cellphone ko. Baka kung saan ko na naman ito mailagay at baka makalimutan ko pa.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Nagbabaka sakaling may makita akong kaklase ko. Mga ilang sandali pa, nakita ko ang mga kaklase ko. At talagang magkakasama silang lahat. Mukhang ako lang ang nalayo sa kanila kanina.

Agad akong lumapit sa kanila.

"Oh Trisha! Saan ka ba napunta? Ba't bigla kang nawala?" Tanong sa akin ni Pauline ng makalapit na ako sa kanila.

"Binalikan ko lang yung cellphone ko sa classroom. Naiwan ko kasi," sagot ko.

"Ah. Okay," napatango na lang si Pauline. "Siya nga pala. Huwag kang mag-cheer sa mga taga-Special section huh."

Napangiti ako ng pilit. "S-sige."

Actually, wala talaga akong balak mag-cheer sa kahit sinong performers ngayon. Manonood lang ako.

"Guys, picture tayo!" Aya ni Nancy na hindi naman tinaggihan ng mga kaklase ko. At mukhang ako lang talaga ang hindi naki-join sa kanila sa picture-picture na 'yan.

Kung nandito lang sana si Maria, baka may kasama pa ako rito at hindi ako sana nag-iisa ngayon.

Mga ilang minuto pa ata kaming nakatayo rito at naghihintay na magsimula ang kompitesyon. Siguro ay 20 to 30 minutes na kaming nakatayo rito. Nakakangawit na nga sa kakatayo eh.

Pero may mga nakikita na kaming mga performers na nakasuot sa kani-kanilang mga costumes ang nagsidatingan. Hanggang sa dumating na ang Special Section.

Naghiyawan ang mga estudyante sa pagdating ng mga taga-Special section. Ngunit ang mga kaklase ko, parang wala lang. Ang tahimik.

"Whooo! Go Grade 11 Special Section!! Galingan niyo!" Isa lang 'yan sa mga sinisigaw ng mga estudyante.

"Grabe! Ang gaganda at ang se-sexy ng mga taga Grade 11 Special Section!" Sigaw ng isang babae na katabi namin. Sa tantsa ko, Grade 11 din ata to.

Nakita ko sa aking peripheral vision ang pag-irap ni Rose Ann. "Share niyo lang?" Rinig kong pataray na sabi ni Rose Ann.

Nanatiling tahimik ang mga kaklase ko hanggang sa makarating na malapit sa stage ang mga taga-Special Section. Habang ang ibang studyante ay ichene-cheer ang Special Section.

Maya-maya pa, may isang lalaking teacher ang umakyat sa stage at kinuha ang microphone.

"Magandang gabi, Granpaul National High School!" Bati niya.

Naghiyawan naman ang mga estudyante.

"Hindi maganda ang gabi namin! Nangangawit na kami sa kakatayo!" Biglang sigaw naman ni Niño. "Baka mawala rito fats ko. Pinaghirapan ko pa naman 'tong iponin!"

Napatawa naman ang mga kaklase ko. Paniguradong narinig din iyon ng ibang estudyante.

May mga sinabi pa yung teacher na lalaki bilang opening. Nagtagal ata iyon ng ilang minuto. Kaya puro na reklamo ang mga kaklase ko.

"Oh siya! Nagrereklamo na ang isang grupo diyan. Kaya hindi na natin papatagalin 'to," sabi nung teacher sa stage.

"Whooo! Very good, sir! Very good!" Halos sabay-sabay na sabi ng mga kaklase ko. At tila rinig na rinig iyon sa lahat.

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now