Chapter 50

691 24 0
                                    

Mag-hapon akong wala sa mood. Simula kaninang umaga ng pamarito si Enrico. As in. Walang-wala ako sa mood. Halos wala akong kausapin sa mga kaklase ko. Nakakausap ko lang sila kung may itatanong sila. Hindi ko alam kung nase-sense na nila na bad trip ako sa ginawa nila. Pero wala na akong pakialam don. Basta wala ako sa mood!

"Okay. Good bye, class," paalam ni Ma'am Joy.

"Good bye, ma'am."

Tahimik kong iniligpit ang notebook ko subject ng 21st Century sa bag ko. At kinuha ko naman ang notebook ko sa susunod na subject---which is Earth and Life Science. Saktong nailapag ko na ang notebook ko sa aking armchair nang biglang may ini-abot si Maria sa akin na isang papel.

Napatingin lang ako sa kaniya nagbabaka sakaling sabihin niya kung para saan ang papel na ito dahil wala talaga ako sa mood maski magsalita. Ngunit nginitian lang ako ni Maria. Wala akong choice. Kinuha ko na lang ang papel na iniaabot niya sa akin.

May nakasulat sa papel kaya binasa ko ito.

"Napansin ko na kanina ka pa walang imik. Ayos ka lang?"

Napatingin ako kay Maria na nakatingin lang din sa akin. Napaisip tuloy ako kung anong isasagot ko sa tanong na 'to. Pero siguro ay na sense niya ang masyado kong pananahimik dito.

Kumuha ako ng ballpen ko mula sa bag ko at isinulat ko ang sagot ko sa papel katabi ng isinulat niyang tanong.

"Nawala lang ang mood ko simula kaninang umaga."

Ibinalik ko kay Maria ang papel at binasa niya iyon. Umayos lang ako ng upo at binasa ko ang mga notes ko sa Earth and Life Science naming subject. Hindi na muling nag-abot ng papel sa akin si Maria. Mukhang alam na niya na hindi talaga ako makakausap ng matino ngayon.

Mayamaya lang, dumating na si Ma'am Jenn.

"Good afternoon, class."

"Good afternoon, ma'am."

"Trisha," tawag sa akin ni ma'am kaya nag-hands up na lang ako at lumapit sa kaniya. "Pwedeng pakikuha ng libro sa Special Section? Nakalimutan kong dalhin eh."

Ngumiti lang ako at tumango kay ma'am. Pagkatapos ay deritso na ako sa classroom ng Special Section.

Huminto ako sa tapat ng saradong pinto ng classroom ng Special Section---as usual. Kumatok. At naghintay na pagbuksan.

Ang nagbukas ng pinto ngayon ay si Ashley. Medyo nanibago nga ako eh. Medyo nasanay na rin kasi ako na si Dominic ang nagbubukas ng pinto.

"Hi, Trisha!" Magiliw na bati sa akin ni Ashley.

Ngumiti ako ng pilit. "Hi. Uhm... andiyan ba yung libro ni Ma'am Jenn sa Earth and Life Science?" Tanong ko.

"Oh. Siguro nasa table niya. Kunin mo na lang doon sa table niya sa likod. Nag-rereport kasi ako," halos pabulong na sabi sa akin ni Ashley.

"Ah. S-sige. Pasensiya na sa abala."

Ngunitian ako ni Ashley.

Pumasok na ako sa loob ng classroom ng Special Section at nagpatuloy sa pag-rereport si Ashley. Napansin ko na talagang nakikinig ang buong Special Section sa report ni Ashley. Hanggang sa nadako ang mga tingin ko kay Dominic na nasa pinakadulo naka-upo. Nagkatinginan kaming dalawa. Pero nag-iwas lang ako ng tingin. Wala naman akong naramdaman na pagka-awkward. Wala lang talaga ako sa mood.

Deritso ako sa table ni Ma'am Jenn sa likod at nakita ko naman agad ang libro ni ma'am at agad kong kinuha iyon. Nang babalik na ako palabas ng classroom, nadako ulit ang mga tingin ko kay Dominic.

At shemay! Nakatingin pa rin siya sa akin. Biglang naging awkward. Kaya napaiwas ako agad ng tingin sa kaniya. Nagmadali na lang ako palabas ng classroom nila at dahan-dahan kong isinara ang pinto para hindi ako maka-isturbo sa klase nila.

Bago ako bumalik sa classroom, napaisip ako kung ano ba problema ni Dominic sa akin. Psh.

Pagkabalik ko sa classroom namin, may ipinasulat muna sa akin si ma'am sa blackboard at nag-discuss na siya.

Hanggang sa natapos ang class hours ngayong araw, nag-sweep kami, at nagsi-uwian, wala talaga ako sa mood. Wala talaga.

Bago ako matulog sa gabi, nag-online muna ako. Binasa ko ang chat ng mga kaklase ko sa group chat. Marami silang nag-mention sa pangalan ko.

---------- C H A T -----------

Rose Ann Pablo
[@Trisha Gonzaga]

Angelica Almocera
[@Trisha ?]

Nancy Inacay
[Trisha]

Pauline Magsilong
[Hey Trisha]

John Rey Santos
[Sis Trisha??]

Anong mga problema nila at bakit puro pangalan ko ang nababasa ko? Psh. Kaya nag-reply ako ng question mark lang.

---------- C H A T -----------

Trisha Gonzaga
[ ? ]

Rose Ann Pablo
[Are you okay?]

Tinitigan ko lang ang chat ni Rose Ann. Wala talaga akong gana ngayon. Nasobrahan ata ako sa kahihiyan kanina. Kaya nag-seen lang ako.

---------- C H A T -----------

Steven Yu
[Hala kayo! Galit Trisha.]

Joel Cañete
[Lagot! Sineen lang tayo!]

Kevin Capranca
[Sabi na nga ba't galit siya!]

Mark Alticen
[Oo nga. Napansin ko kasi kaninang umaga na wala siyang imik halos! Na lagot tayo nito!]

Jane Padilla
['Yan kasi! Hindi muna kasi kayo naninigurado sa ibang tao kung nasasaktan na ninyo. Basta iniisip niyo lang ang kasiyahan niyo. Kaya maraming nagbre-break eh!]

Aish! Minsan talaga napapaisip ako kung ang iniisip ba ni Jane ay puro lovelife. Minsan biglang hugot. O di kaya naman ay biglang mention ng mga about break up, mag-jowa at kung ano-ano pa. Haays.

Ini-off ko na lang ang data connection ng phone ko kahit walang log-out. Inilapag ko na lang ang phone ko sa mesa at nahiga na.

Itutulog ko na lang ito. Siguro naman ay maayos na itong mood ko bukas.

¤¤¤¤¤

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now