Chapter 85

544 19 0
                                    

Mukhang hindi pa alam ng mga kaklase ko ang tungkol sa nangyari sa may canteen. Hindi pa ata nila alam ang tungkol kay Enrico. Wala naman kasi akong naririnig na pinag-uusapan nila iyon. Hindi naman kasi namin sasabihin ni Maria ang tungkol dun sa kanila. Bahala sila kung malaman nila o hindi.

Lunch break.

Payapa kaming kumakain. Walang sagabal.

"Hey, hey, hey!"

Bigla kaming napahinto sa pagkain at napalingon sa may pintuan. Si Megan.

"Oh. Ano na naman ang ipinunta mo ritong special child ka?" Tanong ni Rose Ann habang ngumunguya.

"Lunokin mo muna 'yang kinakain mo, pandak," pataray na sabi ni Megan at napunta sa akin ang kaniyang mga tingin. Ngumiti siya sa akin. "Hi, Trisha."

Agad siyang lumapit sa akin. Nakita ko si Rose Ann na magsasalita na sana kaso nabulonan siya kaya mas naunang mag-hanap ng tubig kesa sigawan si Megan.

"Uy! Pritong itlog pala ulam mo, Trisha? Penge," ani Megan at kinuha sa akin ang tinidor ko at ginamit niya upang makahiwa ng kaunti sa ulam ko saka kinain niya. Titig na titig sa kaniya si Maria.

"Hoy! *Ubo* Megan! Layuan mo si *ubo ubo* Trisha!" Nauubong sigaw ni Rose Ann.

Nilunok muna ni Megan ang kinakain niya. "What?! Ayuson mo nga sinasabi mo."

"Bwe---*ubo ubo* TUBIG!"

Agad naman na binigyan siya ng tubig nila Steven.

"Hoy, Sardinas!" Biglang sigaw ni Julie Ann na mukhang ngayon lang naubos ang pagkain sa bibig niya. Napunta naman sa kaniya tingin ni Megan.

"Anong sardinas?!"

"Kasi diba Megan ang pangalan mo? Megan minus 'N' is equals to Mega. At ang Mega ay isang brand ng sardinas," paliwanag ni Julie Ann.

Napa-roll eyes na lang si Megan. "Whatever."

"Bakit ka ba kasi nandito?! Kumakain kami ng matiwasay rito eh!" Sigaw ni Rose Ann matapos makainom.

"Tss. Gusto ko lang ipaalala sa inyo na lumubog na ang ship ninyo na 'Enrico at Trisha'. May girlfriend na si Enrico," ani Megan.

Napatingin sa akin si Rose Ann at ibinalik din niya agad ang kaniyang tingin kay Megan. "Alam namin," tila naging maamo si Rose Ann.

Alam pala nila? Hindi ko na halata. Hindi naman kasi sila nag-uusap tungkol dun.

"Good." Napalingon sa akin si Megan. "Don't worry, Trisha. Ikaw lang ang gusto ni Dominic. Hindi ka maha-heartbroken sa kaniya," nakangiti niyang sabi.

Napangiwi na lang ako. Ano pinagsasasabi niya.

"Oh siya. Bye, Okras. Happy lunch time sa inyo. Kami ang nanalo. Team Dominic," pataray na sabi ni Megan at saka naglakad palabas.

Ngunit napahinto siya nang nasa pintuan na siya nang biglang nagsalita si Rose Ann, "Hindi!"

Napalingon sa kaniya si Megan habang nakataas ang kanang kilay nito.

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now