Chapter 30

817 33 2
                                    

"Uy! Ano ulam niyo?" Biglang lumapit sa amin si Niño habang dala-dala niya ang kaniyang baonan na may lamang kanin at ulam.

"Niño, kumakain ka tapos maglalakad-lakad ka para mangisyoso kung ano ulam namin? Umupo ka nga," inis na sabi ni Nancy.

"Gusto ko lang naman tumingin kong ano ulam niyo," ani Niño sabay subo ng kanin na kinakamay niya lang pagkatapos ay hinigop niya sabaw ng ulam niya.

Rinig na rinig namin ang paghigop niya. Napahinto na lang sa pagkain kami nila Nancy, Pauline, Maria, at ang iba pang mga kaklase ko na dito nagla-lunch sa classroom.

"Kadiri ka, Niño!" Sigaw ni Claire.

Huminto sa paghigop si Niño at napalingon kay Claire.

"Arte mo. Akala mo naman nung bata ka pa hindi mo na nakain ang uhog mo," ani Niño.

"Yuck!" Naibulalas ni Claire at kita ko sa kaniyang mukha na nandidiri siya sa sinabi ni Niño.

"Umalis ka na nga diyan, Niño. Nawawalan pa kami ng gana sa pagkain sa ginagawa mo," ani Pauline.

Walang nagawa si Niño at naglakad siya patungo sa iba kong kaklase na kumakain din.

"Haay naku! Itong mga kaklase talaga natin ang papasaway," komento ni Nancy.

Bumalik na lang kami sa pagkain.

"Happy lunch break, Okras!"

Susubo na sana ako ng isang kutsarang kanin ng marinig ko iyon na boses babae. Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Sa may pintuan malapit sa special section. Nakita ko ang isang babae na nakatayo doon at nakangiti pa sa amin.

Pinakulot ng kaunti ang buhok niya medyo mahaba. Matangkad siya at maputi. Maganda siya. At nakikita ko siya minsan sa Special Section. Hindi ko nga lang alam pangalan niya.

"Psh. Nawalan ako bigla ng gana na kumain," biglang sabi ni Rose Ann at pabagsak na inilapag ang kutsara't tinidor niya sa arm chair niya.

"Oh? Nawalan ka ng gana na kumain? Naku naman. Huwag ganoon. Baka magtampo ang pagkain sa 'yo," ani nung babae taga-Special Section habang nakangiti kay Rose Ann.

Napairap lang si Rose Ann doon sa babae.

Medyo nag-lean ako tungo kay Maria. "Sino siya?" Pabulong kong tanong kay Maria at ang tinutukoy ko ay yung babaeng taga-Special section.

"Siya si Ashley. Yung nagpalista para sa Grade 11 ng Ms. Granpaul NHS," pabulong din na sagot ni Maria sa akin.

Napatango ako. Siya pala 'yun. Bagay sa kaniya sumali sa Ms. Granpaul NHS. Para din kasi siyang isang model. Kagaya kay Carolyn. Pero mas maganda ko si Ashley.

"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ni Niño kay Ashley habang medyo puno pa ng pagkain ang bibig niya.

"Well, pumunta ako rito para maghatid ng good news sa inyo," ani Ashley.

"Psh," napairap si Rose Ann kay Ashley.

Ngunit parang wala lang kay Ashley ang pagirap sa kaniya ni Rose Ann. Ngumiti lang si Ashley kay Rose Ann.

"Nandito ako para sabihin sa inyo na ako ang official candidate ng Grade 11 para sa Ms. Granpaul NHS."

"Alam na namin 'yun," walang kagana-ganang sabi ni Rose Ann.

"Talaga?"

"Oo. Ikaw lang naman ang nagpalista para sa Ms. Granpaul NHS. Kaya no choice kundi ikaw na lang ang maging official candidate ng Grade 11," ani Rose Ann.

"So, I am expecting na susuportahan niyo ko dahil no choice naman kayo dahil ako ang kakatawan para sa Grade 11," nakangiting sabi ni Ashley.

"Ano ka? Seneswerte? Mas gugustohin pa namin na supurtahan ang Grade 7 kesa sa 'yo. Hmmp," pataray na sabi ni Rose Ann.

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now