Chapter 24

845 34 0
                                    

Nagdaan ang Sabado't Linggo. At ngayon, heto't Lunes na naman.

Kasalukuyan kaming patungo sa canteen kasama sina Maria, Nancy, at Pauline. Recess time na kasi. Katatapos pa lang ng General Mathematics namin na subject.

"Ayoko talaga sa Math. Nakakairita. Hindi ko alam kung saan nakukuha yung ibang numbers. Basta-basta na lang sumusulpot sa formula," inis na sabi ni Nancy habang naglalakad kami tungo sa canteen.

"Oo nga! Nakaka-stress nga," pagsang-ayon naman ni Pauline.

"Eh makikinig kasi kayo sa discussion," biglang sabi ni Maria.

"Eh kahit pa ako makinig ng todo-todo, hindi ko pa rin gets eh," ani Pauline.

"Depende kasi 'yan kong interesado kang makinig," sabi ko naman.

"Ah basta! I hate Mathematics," nasabi na lang ni Pauline.

Nakarating na kami sa canteen, agad kaming um-order ng makakain namin. Nauna kami ni Maria at Nancy kaya naghanap kami ng bakanteng table. Medyo nahuli kasi si Pauline dahil hindi siya agad nakasunod sa amin. May sumingit kasi. Marami kasing tao rito sa canteen. As usual.

"Ayun. Doon tayo," biglang sabi ni Nancy sabay nguso sa isang gawi. Hindi kasi niya maituro dahil may dala siyang tray kung saan nakasilid ang pagkain niya 

Napalingon naman kami ni Maria kung saan banda ngumunguso si Nancy. May isang table na medyo nasa kalagitnaan na vacant. At mukhang kakalinis pa lang doon. Pang-apatan ang table. Sakto sa amin.

Agad na kaming pumunta doon. Agad naming inilapag sa ibabaw ng mesa ang pagkain namin.

"Aish. Kailangan kong mag-CR," biglang sabi ni Nancy. "Samahan niyo naman ako oh."

"Bakit ka pa magpapasama?" Malumanay na tanong ni Maria.

"Eh gusto ko kasi na may bantay sa labas ng pinto. Sige na. Samahan niyo ko."

"Oh sige," lumingon sa akin si Maria. "Ako na lang sasama sa kaniya. Bantayan mo na lang pagkain natin dito," aniya.

Tumango ako. "Sige."

"Oh tara na." Umalis na silang dalawa at tumungo sa CR dito sa canteen.

Umupo na ako sa upuan ko. Napalingon ako sa gawi ni Pauline. Umo-order na siya. Hihintayin ko na lang sila. Hindi muna ako kakain hangga't wala pa silang tatlo.

Nagmasid-masid lang muna sa pailid ko. Maraming mga estudyante rito. Halos wala ng bakanteng upuan at table eh.

"Excuse me."

Napalingon ako agad sa nagsalita. At nabigla ako ng makita ko siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

'Enrico,' sambit ko sa sarili ko.

Ngumiti siya ng lumingon ako sa kaniya. "Ikaw pala, Trisha. Ikaw lang ba rito sa table na 'to? Kung ikaw lang, pwede maki-share? Wala na kasi akong makitang vacant eh," Tanong niya sa akin na may ngiti.

Ang gwapo niya. Ang cute niya.

May dala siyang isang tray na may lamang pagkain.

"A-Ano kasi..." ba't hindi ko masabi? Aish.

"Trisha! Asan na 'yung dalawa?" Biglang sulpot ni Pauline na may dala na ng kaniyang in-order na pagkain. Agad siyang umupo sa katapat kong upuan.

Napalingon ako kay Pauline. At napalingon ako kay Enrico.

"Ah eh. Pasensiya na, Enrico. May mga kasama kasi ako. Sakto apat din kasi kami. Pasensiya na," sabi ko kay Enrico.

Napatango siya. Tapos napangiti ulit. "Sige. Ite-take out ko na lang 'tong in-order kong pagkain kung wala akong makitang vacant," aniya.

Ngumiti lang ako kay Enrico. Nang umalis siya, sinundan ko lang siya ng tingin. Habang palinga-linga lang si Enrico para humanap ng table kung saan siya pe-pwesto.

"Sayang," pabulong kong sabi habang nakatingin kay Enrico.

"Ano, Trisha?" Biglang tanong ni Pauline.

Napalingon ako sa kaniya. "Huh?"

"Ano nga ulit yung sinabi mo?" Tanong niya.

Naningkit bigla ang mga mata ni Pauline habang nakatitig sa akin. "Anong 'sayang', Trisha?"

Napalunok ako bigla ng laway ko. "May s-sinabi ba ako?" Kinakabahan kong tanong.

"Oo. Rinig ko."

O-oh. Ano ba kasi itong bibig ko? Kung ano-anong lumalabas na words. Gosh.

"Hey guys!" Biglang dating nila Nancy at Maria.

Kaso hindi natanggal ang tingin ni Pauline sa akin.

"May problema ba?" Mahinhing tanong ni Maria na umupo sa katabi kong upuan.

Mga ilang segundo ata kaming nagkatitigan ni Pauline. Hanggang bigla siyang lumingon kay Nancy.

"You know what, Nancy, crush ni Trisha si Enrico," biglang sumbong ni Pauline kay Nancy.

Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Nancy nang mapatingin siya sa akin. Tapos napangiti pa. Parang nananakot tuloy.

"Woah! Really? Crush mo si Enrico?" Nakangiti tanong sa akin ni Nancy.

Umiling ako.

"Huwag ka ng mag-deny, Trisha," biglang sabi ni Pauline. "Nakita ko kung paano ka ngumiti kay Enrico kanina. Tapos yung sinabi mong----" pinutol ko ang sasabihin sana ni Pauline.

"Shhh. Pauline."

Napatingin sa akin sila Nancy at Pauline na may ngiti sa kanilang labi.

"Trisha ha," ani Nancy, "si Enrico pala crush mo."

"Hindi ah," deny ko.

"Pasimpleng deny ka lang, Trisha, ha," nakangiting sabi ni Pauline.

"Ayiee. Trisha," panunukso ni Nancy.

"Yieee. Trisha, si Enrico oh," sabi ni Pauline at napaturo pa sa bandang likod ko.

Napasimangot naman ako. Inuuto pa ako ng mga 'to.

"Bahala nga kayo diyan," nasabi ko na lang at kinuha ko na ang kutsara ko.

Kaso natigilan muna dahil narinig ko si Maria na parang tumatawa sa tabi ko. Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya. Palihim lang na tumatawa si Maria.

Aish. Pati ba naman si Maria?

Napabuga na lang ako ng hangin. Pagkatingin ko kina Pauline at Nancy, nakangiti sila sa akin. Ngiting nang-aasar.

Napailing na lang ako.

"Kakain na ako," sabi ko at kumain na lang. Bahala sila diyan.

¤¤¤¤¤

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now