Chapter 81

518 22 0
                                    

Lumabas na si Ma'am Nicky ng backstage. Hanggang sa narinig na namin ang boses niya sa labas.

"Good afternoon, Granpual National High School!"

Narinig ko ang hiyawan ng maraming estudyante na alam naming kanina pa naghihintay sa pagsisimula.

"Teacher and students, you are about to witness our Grade 11 students modeling their chosen career in the future. This Grade 11 students will also modeling a different clothing using the recyclable materials..."

Hooo! Ang puso ko! Ang lakas ng tibok ng puso ko. Sana maging maayos ang pag-model ko.

Nagkaroon muna ng prayer bago tuluyang simulan ang program.

Lahat kami na HUMSS students ay nakapila na. Alphabetically arranged kami.

"We will start our Career Modeling! Let's start with the strand of HUMSS! And now, may I present to you, the Grade 11 HUMSS Special Section!"

Rinig na rinig namin dito sa backstage ang hiyawan ng nga estudyante sa labas kasabay nang pagtugtog ng musika. Hudyat na tuluyang nagsimula ang program.

Napatingin ako sa blankong bond paper na hawak ko. Kunwari kasi ito yung article na dala ko. Bahala na.

"Antonio, Ash. Lawyer!" Rinig namin na pakilala ng pinaka-unang lumabas mula sa Special Section.

Ilang sandali muna ang lumipas bago muling may nagsalita para magpakilala. Hanggang sa nagsunod-sunod.

"Michaels, Dominic. Architect."

Biglang lumingon sa akin ang mga kaklase ko. Masamang tingin ang natanggap ko sa kanila.

"A-Ano na naman?" Utal kong tanong sa kanila.

Hindi sila sumagot at muling tumalikod sa akin. Ano ba problema nila sa akin? Hindi naman ako si Dominic ah?

Napailing na lang ako.

Nang matapos ang Special Section, sumunod ang Grade 11 HUMSS 1 Kalabasa. Narinig na namin ang pagpakilala ng mga taga-Kalabasa. Hanggang sa sunod-sunod.

"Catillano, Enrico. Psychologist."

Muling napalingon sa akin ang mga kaklase ko. Ngunit nakangiti sila sa akin. Alam ko na ang tingin na 'yan lalo na't si Enrico. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanila. Bahala sila diyan.

Deri-deritso ang modeling. Hanggang sa matapos na ang ibang section.

"Next section is Grade 11 HUMSS 5 Okra!" Rinig kong anunsiyo ni ma'am.

Mayamya lang ay narinig ko ang boses ni Mark sa mga speakers sa labas.

"A-Alticen, Mark. Po-Policeman."

Alam kong kabado siya kaya utal-utal ang pagpapakilala niya at tila walang sigla.

Hinintay ko na ako na ang sumunod. Tila naging mabilis ang takbo ng oras. Hanggang na si Nancy na ang nagpakilala sa labas na siyang nauuna sa akin.

"Enacay, Nancy. Flight attendant!"

Nang makita ko na bumaba na siya sa stage, lumabas na ako sa backstage at tumayo sa gitna ng stage kung nasaan ang microphone. Hinintay ko na umalis na si Nancy sa harap ng mga judges.

Ano nga ulit yun? Journalist. Shemay!

"Gonzaga, Trisha. Journalist." Pakilala ko nang umalis na si Nancy.

Pagkatapos ay bumaba na ako ng stage at naglakad sa quadrangle tungo sa mga judges at dinama ang musika. Hindi ako makangiti. Siguro naman ay okay lang na hindi ngumiti since journalist naman.

Habang naglalakad, kita ko ang rami ng mga estudyante na nanonood sa amin sa paligid ng quadrangle at sa mga matataas na building. Syempre karamihan sa kanila ang junior high. Tapos ang Grade 12.

Huminto ako sa harap ng mga judges. Mga teachers nga ang judges. Kasama na sa kanila si Ma'am Herlinda. Nakangiti siya sa akin.

Susme! Ang puso ko!

Kunwari ay tumingin ako sa dala kong bond paper at seryusong tumingin sa judges kahit na hindi gusto.

Nag-thumbs up sa akin si Ma'am Herlinda. Sa pagkakataong iyon, umalis na ako sa harapan nila kasunod na narinig ko ang pagpapakilala ni Julie Ann.

"Lorzano, Julie Ann. Teacher."

Deri-deritso na akong naglakad tungo sa classroom namin. Pagkabalik ko, agad akong naupo sa upuan ko at huminga ng malalim. Yung kaba ko! Grabe!

Nagsisimula nang mag-palit ng suot ang mga kaklase kong nauna na rito. Nagkakanda ugaga na sila.

Nang mapakalma ko na ang sarili ko, nagsimula na rin akong magpalit ng suot. Sa CR ako nagpalit. Pagkalabas ko, muli akong nag-ayos ng buhok ko. Nilugay ko ito. Nag-lagay ng kunting lipstick dahil nae-erase na. Tapos muling nagpulbo.

Pinalitan ko rin ang footwear ko. Mas mataas na ngayon ang suot kong heels na skin tone.

"Wow, Trisha. Ang ganda ng recycled mo," komento ni Maria sa akin na nakapagpalit na rin ng suot.

"Salamat. Sa 'yo rin," sabi ko.

"Yiee. Salamat."

Gown type yung sa kaniya na gawa mula sa garbage plastic. Tapos may style na gawa naman sa puting plastic. Kung gawa sa tela lang 'yan, eleganteng-elegante 'yan for sure.

Yung akin naman, gown type din. Yung palda ni mama na hanggang sa paa ko ay nilagyan ni mama ng mga raffles na plastic na medyo may kalaparan. Alternate na kulay pula at asul. Tapos yung off shoulder ko naman na hindi ko na ginagamit ay nilagyan din niya ng maliliit na raffles----na kagaya ang kulay sa skirt---- sa part ng shoulder at sa dibdib. Tapos gamit ang newspaper, tinakpan nito ang malaking part ng off shoulder---sa harap at sa likod. Nilagyan na lang namin ni mama ng kunting design gamit ang mga natitirang plastic na ginamit bilang raffles. Kapag naisuot na ang palda at ang off shoulder, parang magkarugtong sila at nagmumukhang gown.

Medyo nahirapan at natagalan din akong suotin 'to dahil baka mapunit yung newspapers.

Nakita namin na dumaan na ang mga taga-Special Section sa lobby namin para bumalik sa stage. Pero marami pang mga kaklase ko ang hindi pa tapos mag-ayos.

Nang matapos na kaming lahat mag-ayos, sabay-sabay kaming bumalik sa stage kung saan naabutan namin ang pinakahuling batch nang TVL strand para sa pagmodel nv career. Pagkatapos nila, ipinakilala ulit ni Ma'am Nicky ang HUMSS Special Section at muling nagpakilala isa-isa para imodel ang recycled na mga clothing namin.

°°°°°

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now