Chapter 8

1K 39 2
                                    

Maaga akong pumasok ngayon. Tiningnan ko ang oras na naka-display sa lockscreen ng cellphone ko nang i-on ko ito habang naglalakad ako tungo classroom ko. 7:03am. Siguradong hindi pa nag-fla-flag ceremony. 7:10am kasi ang pagsisimula ng flag ceremony.

Muli kong ibinulsa ang cellphone ko. Ngayon ko lang dinala ang cellphone ko dahil kailangan ko ng calculator para sa General Mathematics namin. Saka iniingatan ko tong cellphone ko dahil regalo ito ni papa sa 'kin nitong pag-birthday ko months ago bago siya magtrabaho sa ibang bansa.

Deri-deritso lang ako patungo sa classroom. Kaso natigilan na lang ako nang nasa tapat na ako ng unang pinto ng classroom dahil sa narinig ko.

"Class naman. May sentimental value yung vase na 'yon sa 'kin", dama sa boses ng nagsalita ang pagka-disappoint. At ang may-ari ng boses na iyon ay ang aming adviser na si ma'am Herlinda.

Nakatayo si ma'am malapit sa teacher's table sa likod. Medyo marami-rami na ang nandito na kaklase ko. Tahimik lang ang mga kaklase ko habang nagsasalita pa si ma'am. Habang ako, napaatras na lang at hindi muna pumasok sa loob pero malapit lang ako sa pinto ng classroom namin. Awkward kasi.

"Sino ang nakabasag ng vase ko?", tanong pa ni ma'am.

Mga ilang segundo pa, narinig ko si Nancy. "Aksidente ko pong nabitawan, ma'am."

"Bakit?"

"Kasi po ma'am, aksidente ko ring nabunggo yung lalaki na taga Special Section. Sa labas ko po kasi lininis yung vase. Sorry po, ma'am."

Narinig ko na nagbuntonghinga na lang si ma'am. "Okay. Basta sa susunod, class, be careful. Ingatan niyo ang mga gamit na mga nandito sa loob ng classroom. Pati na rin sa mga gamit na hindi sa inyo, iingatan niyo. Maliwanag?"

"Yes, ma'am", mahinang sagot ng mga kaklase ko sa loob.

Bigla na lang nadako ang mga tingin ko sa may pinto ng Special Section. Lumabas ang mga taga-special at naglakad na nadaanan pa ang classroom namin. Kasama na ako. Napapatingin nga sila sa loob ng room namin dahil agaw pansin talaga ang pagsasalita ni ma'am. Rinig na rinig eh. Ang tahimik kasi ng mga kaklase ko. Pero dedma lang yung mga taga-special sa narinig nila at nakita nila. Nang makalagpas na ang mga taga-special, pansin ko na talagang kukunti lang sila kumpara sa amin.

Bigla na lang nag-ring. Hudyat na mag-fla-flag ceremomy na. Sasabay na lang ako sa mga kaklase ko sa pagpunta sa quadrangle.

Parang biglang tumigil ang oras ng makita ko na may lumabas pang isa na taga-special section na lalaki. At ang lalaki na ito ay si Dominic. May dala-dala pa siyang notebook habang naglalakad.

Psh. Naalala ko na naman yung nangyari sa enrollment. Yung document ko na inapakan niya! Sure talaga ako na siya iyon.

Napa-iwas na lang ako ng tingin sa kaniya ng napatingin na siya sakin. Nabadtrip tuloy ako ngayong araw. Nang malagpasan niya ako, naramdaman ko na ang lapit niya sakin na kulang nila ay mabunggo siya sakin. Psh.

Lumabas na rin ang mga kaklase ko kaya sumabay na ako sa kanila papuntang quadrangle kaya naka-backpack pa ako. Tahimik ang buong klase hanggang sa makarating na kami sa area namin. Nakapila na rin ang Special Section na nasa tabi namin.

"So. Bakit ganito? Bakit ang tahimik ng katabi natin?", biglang tanong ni Megan. Kaso walang may sumagot na kaklase niya pero ramdam namin ang mga tingin nila. "Ah. Siguro napagalitan sila kaya ang tahimik. Kawawa naman", pang-iinis pa niya.

"Kewewe nemen", rinig kong inis na panggagaya ni John Rey na kaklase ko na katabi ko lang sa kaliwa ko-sa linya ng mga lalaki. "Sarap sabunutan."

Napatingin naman ako sa kaniya bigla.

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now