Chapter 43

767 26 8
                                    

"Uy! 6:15pm na! Tara na sa quadrangle! Magsisimula na ang Mr. & Ms. Granpaul!" Sigaw ni Rose Ann sa amin.

Agad naman na nagsilabas ang mga kaklase ko. Sumabay na rin ako. Iniwan lang muna namin ang mga gamit namin sa classroom at isinara ang mga pintuan. Iniwan ko na rin ang cellphone ko sa bag dahil naka-off iyon at low battery na kasi iyon.

Habang naglalakad kami patungo sa quadrangle, maingay na ang mga kaklase ko. Mukhang ako nga lang ang hindi nagsasalita sa amin eh. Naguusap-usap sila tungkol mamaya sa pageant. Pinaguusapan nila kung sino ang iche-cheer nila mamaya na contestants. Syempre, lahat ng contestants ay iche-cheer daw nila maliban kay Ashley. Haays. Kahit kailan talaga.

Pagkarating namin sa may quadrangle, marami na ang mga estudyante na narito at makikita rin ang stage na maganda ngayon dahil sa mga lights na ginamit. Sa gilid ng stage naman ay ang mga tarpauline ng bawat mga contestants. Bawat tarpauline at may light na nakatutok. Kaya kitang-kita ang mga ito.

"Basta, guys! Kapag rumampa na si Enrico, sigaw tayo ng 'Trisha!'" Biglang sabi ni Julie Ann sa iba pa naming kaklase.

"Sige! Sige! Bet ko yan! Yieee," kilig na sang-ayon ni John Rey at nagsabay-sabay na nag-'ayiee' ang mga kaklase ko at napatingin pa sa akin.

Nabigla ako sa kanila. Feeling ko ang boses ng mga kaklase ko lang ang maririnig sa buong quadrangle kahit pa may musika sa mga malalaking speakers. Kaya nagpalinga-linga ako agad. Pansin ko agad ang ilang mga estudyante na nasa paligid namin na napatingin sa grupo namin.

"Ayiee~ Trisha. Yiee~ i-cheer mo si Enrico your labs ha?" Ani Pauline.

My gosh! Nakakahiya kayo!!

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Potek! Nakakainis ng nga kaklase ko!

Nagpalinga-linga ako ulit sa paligid namin at mas lalo pang dumami ang mga nakatingin sa amin. Aish! Kakahiya na! Grabe!

Pero medyo napahinto ako ng may mahagip ang mga mata ko. Si Dominic. Nakatayo siya hindi kalayuan sa amin. Naka-suot siya ng black T-shirt at denim pants at converse na sapatos. Nakatingin siya sa akin. Seryuso.

Napaiwas ako agad ng tingin.

Napapikit ako ng mariin habang ang mga kaklase ko ay kilig na kilig pa samantala ako heto at hiyang-hiya na. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Gusto ko na mag-invisible ako bigla rito.

"Oh s'ya! Mamaya na tayo kiligin kapag nagsimula na. Kailangan nating magipon ng maraming boses para mamaya," saway ni Joel.

"Tama. Tama. Sumasakit na kasi ang lalamonan ko," ani Nancy.

Pagkatapos ay nagkaroon muna ng katahimikan ang mga kaklase ko at naghihintay na sa pagsisimula ng pageant.

Haay. Mabuti naman at naisipan nilang tumahimik. Akala ko wala na silang balak.

Ilang sandali pa at nagsimula na ang program. Halos mapuno ang quadrangle sa dami ng mga estudyante na narito ngayon nang magsimula ang program.

Marami munang mga nagperform at message para sa pagsisimula ng program. Hanggang sa nagsimula ng rumampa ang mga contestants. Mga babae muna ang nauna suot ang jeans at plain white sando at heels.

Anim lahat ang contestants na mga babae na mula Grade 7 hanggang Grade 12. At nagpapakilala sila kapag natatapat na sila sa microphone na nakahanda sa may stage. Simula nang lumabas na mula sa backstage ang mga babaeng contestants, todo-todo na naman sa kakasigaw ang mga kaklase ko na parang wala ng bukas. Ngunit nang si Ashley na ang lumabas mula backstage, biglang nanahimik ang mga kaklase ko. Kagaya ng ginawa nila kagabi.

"Ashley Roxas, 16. Representing Grade 11!" Maikling pakilala ni Ashley.

Naghiyawan naman ang mga estudyante. Pero nananatiling tahimik ang mga kaklase ko.

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now