Chapter 124

292 21 4
                                    

"Lahat kayo sweepers kaya dapat lahat kayo ay maglilinis ng classroom. Maliwanag?"

"Yes, ma'am," sagot ng mga kaklase ko.

First period, napagsabihan kami ng adviser namin. E kasi, itong mga kaklase ko, hindi pala nag-sweep last week—nung Friday bago sila umuwi. Sa araw din na iyon, umuwi ako ng maaga dahil medyo masakit ulo ko. Hays.

Matapos kaming pagsabihan ni ma'am, agad siyang nagproceed sa pagreview sa amin dahil magmi-midterm na this week.

Ganun din ang sumunod na subject. Nagreview na rin kami.

Nang nag-recess time na, pumunta kami ni Maria sa canteen para syempre doon na kami mag-recess.

Habang nagre-recess kami sa canteen, magkaiba ang mundo namin. I mean, nagbabasa siya sa wattpad habang ako naman ay nagre-review.

"Nagre-review ka na, Trisha?" Biglang tanong ni Maria.

Napatingin ako sa kaniya. "Oo. Sa social sciences 'to. Ang dami pala kasing ire-review sa subject na ito."

Napatango siya habang nakatingin sa notebook na binabasa ko. Ako naman, bumalik sa pagre-review.

Mayamaya lamang ay nagtanong muli si Maria sa akin. "Parang kakaiba sulat mo diyan."

Napahinto ako sa pagbabasa. Hay. Napansin niya na parang hindi sa akin ang penmanship na nasa notebook.

Napalingon muna ako sa paligid para i-check kung may kaklase kaming malapit lang sa amin. May nakita akong kaklase namin pero mukhang busy sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niyang taga ibang section.

Tumingin ako kay Maria. "Hindi ito sa akin."

Nagpakurap-kurap lang siya at naghihintay sa susunod kong sasabihin.

"Kay Dominic 'tong notebook na 'to," halos pabulong kong sabi.

"Ha?"

"Kay Dominic 'to," pag-uulit ko.

Napangiti naman siya habang nakatingin sa akin sabay sabing, "kayo na?"

Agad akong napailing. Shemay naman. "Hindi ah!"

Napatawa siya ng mahinhin. "Kailan kaya magiging kayo ni Dominic?"

"Shh. Baka marinig ka pa ng mga kaklase natin na narito," saway ko sa kaniya.

Napatawa siya ulit. "Yiee. Kinikilig ka?"

"Malay ko sa 'yo," sabi ko at bumalik na lang sa pagre-review.

Narinig ko siyang tumawa lang. Bahala siya diyan.

***

Matapos ang recess time, bumalik na kami ni Maria sa classroom.

Habang hindi pa dumarating teacher namin nag-review lang muna ako habang ang mga kaklase ko ay nag-iingay.

Ngunit habang nagre-review ako, naramdaman ko na may tumayo sa side ko. Pasimple akong lumingon kung sino man siya. Si John Rey. Nakatingin siya sa notebook ko—sa notebook ni Dominic na pinahiram niya sa'kin.

O-oh.

"Ganda ng kasulat ah. Sa'yo 'yan?" Tanong niya sa akin.

Mga ilang segundo muna ang lumipas bago ako makasagot ng, "h-hindi."

"Oh. Kanino?" Curious niyang tanong sa'kin.

Luh. Anong sasabihin ko? Sasabihin ko ba na kay Dominic? Baka kasi makipag-away na naman sila sa Special Section. Pero parang nagbago na sila.

Okras and SpecialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon