Chapter 22

859 33 12
                                    

Panibagong araw na naman.

"So, that's all for today. Goodbye, class."

"Goodbye, ma'am."

Nang lumabas na si Ma'am Herlinda sa classroom, nagsimula na naman ang ingay.

"Susunod na naman ang General Mathimatics. I hate math talaga," ani Pauline.

"Kaya nga eh. Bakit ba kasi kailangan pang ituro 'yang mga algebra, ano pa yung tawag sa iba diyan, eh kung magtrabaho naman tayo, hindi na 'yun ginagamit. Simpleng addition, subtraction, multiplication, at division naman talaga ang pinakaginagamit kapag nagta-trabaho," pag-sang-ayon naman ni Nancy.

"Nasasabi niyo lang ngayon 'yan. Malay niyo, kailangan pala yan," mahinhin na sabi ni Maria.

"Hmmp! Basta I hate math," halos sabay pa na sabi nila Pauline at Nancy.

Nagkatinginan na lang kami ni Maria.

Actually, minsan hindi ko maintindihan ang math. Pero kung talagang focus ako sa pakikinig sa teacher, natutunan ko rin kung paano ang pag-solve. Kaso nga lang, kapag may sagot na ako, hindi ako nag-re-recite. Natatakot kasi ako na baka hindi pala tama yung sagot ko. Wala kasi akong tiwala sa sarili ko pagdating sa mga recitation. Kaya hindi na lang ako nagre-recite.

"Trisha!"

Napalingon naman ako sa may pintuan. Si Martina.

"May naghahanap sa 'yo," aniya.

Nagpaalam muna ako kina Nancy, Pauline, at Maria. Pagkatapos ay lumapit ako kay Martina.

"Sino?" Tanong ko sa kaniya.

Itinuro lang niya ang isang babae na kasing edad ko na nakatayo sa may lobby. Lumapit ako sa kaniya.

"Ikaw ba ang secretary ng section Okra?" Tanong niya sa akin ng nakalapit ako sa kaniya.

"Uhm. Oo."

"Pinapapunta ka ni Sir Patrick sa classroom namin. Sa section Kalabasa. Mukhang may ibibilin siyang activity sa inyo."

"Ah. Ganun ba? Oh sige. Salamat."

"Sige. Mauna na ako. Pumunta ka na lang sa room namin," aniya at umalis na.

Nanatili muna akong nakatayo. Paniguradong may ipapasulat na naman 'yon sa blackboard. Napabuntonghinga na lang ako. Pagkatapos ay pumunta na sa Section Kalabasa.

Pagkarating ko roon, sumilip ako sa loob mula rito sa pintuan. Kaso wala si Sir Patrick. Pero nasa may teacher's table ang gamit niya. Saan kaya nagpunta si sir?

Mga ilan lang ang mga estudyante na nandirito sa room ng section kalabasa. Siguro ay nasa canteen ang iba.

Napag-isipan ko na bumalik na sana sa room nang mahagip ng mga mata ko si Enrico na nakatingin sa akin. Nasa may bintana siya.

Shocks. Yung tibok ng puso ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Napaiwas na lang ako agad ng tingin sa kaniya. Aalis na lang total naman ay wala rito si sir. Babalik na lang ako mamaya.

Kaso nakakaisang hakbang pa lang ako ay narinig ko si Enrico.

"Hey! Teka lang!"

Hindi ako sigurado kung ako ba ang sinasabihan niya. Pero huminto ako at napalingon sa kaniya. At saktong pagkalingon ko sa kaniya, papunta na siya sa akin.

"Sino hinahanap mo, miss?" Tanong niya sa akin nang makalapit siya sa akin.

"Ah. Eh. S-Si Sir Patrick. Pinapatawag niya raw kasi a-ako," nauutal kong sabi.

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now