Chapter 67

609 24 0
                                    

Inubos ko na ang natitirang fishball sa cup na hawak ko. Hindi pa rin mawala ang kahihiyan na nararamdaman ko.

Aish!

"Trisha."

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Dominic. Kaya halos manlaki ang mga mata ko.

Ano na naman ba 'to?! Bakit siya nandito? Nakakahiya na!

"Galit ka ba?" Tanong niya sa akin.

Napailing ako agad. Ba't naman ako magagalit?

Umupo siya sa tabi ko at tiningnan niya ako ng deritso. At shocks! Ang puso ko! Ba't biglang bumilis na naman ang tibok?! Waaaah! Ayoko na nito!

"Hindi ka galit?" Tanong pa niya.

Aish! Puno pa ang bibig ko ng fishball kaya umiling ako ulit.

"Talaga? Eh ba't ka biglang umalis?"

Gosh!

Itinaas ko muna ang isa kong palad at nginuya at linunok ko muna ang pagkain sa bibig ko. Saka na ako nagsalita.

"Pasensiya ka na kung bigla akong umalis. Eh... Nahihiya lang talaga ako kapag may nakakaalam kung sino yung crush ko," paliwanag ko.

"Ah. Ganun ba?"

Tumango ako.

"Akala ko nagalit kita," aniya.

Napangiwi ako nang may napagtanto ako. "Pasensiya na. Mukhang mali ata ang naiasal ko kanina."

Umiling siya. "Ah. Ayos lang."

Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya at umayos ng upo.

Haaay. Ang rude ko na pala kanina. Hindi ko na nga sinagot ang tanong niya, bigla-bigla pa akong umalis. Hay naku!

Ilang sandali ang lumipas at tahimik lang kaming dalawa rito. Tanging ang musika ng festival dance at ang hiyaw ng mga tao ang naririnig ko. Nakikita ko rin ang nagtataas props ng festival dance na tila sumasayaw na rin at sinasabayan ang musika. Yung props na lang ang nakikita ko.

Medyo awkward na katabi ko ngayon si Dominic. Pero itinutuon ko na lang ang atensyon ko sa aming piligid para medyo malibang ang isip ko.

"Trisha," rinig kong banggit ni Dominic.

Napalingon ako bigla sa kaniya. "Huh?"

Nakatingin lang siya sa malayo. "Paano yung buhay estudyante sa regular class?" Tanong niya sa 'kin.

Napakurap ako sa tanong niya. Ano namang klaseng tanong 'yan?

"Uhm... Maayos naman... Masaya," nag-aalangan kong sagot.

Nilingon niya ako. "Hindi ka napre-pressure para makakuha ng mataas na marka?"

Napaisip ako. "Hmm... Napre-pressure din naman. Teka. Ba't mo natanong?"

"Nakita ko kasi sa achievment board niyo na mataas ang marka mo para sa midterm ng first semester. Curious lang ako kung may nagsasabi ba sa 'yo na dapat ganito-ganiyan ang marka mo."

Napakunot ako ng noo ko habang nakatingin sa kaniya. Fini-figure out ko kung ano bang ibig niyang sabihin.

"...gaya ng mga magulang. Sinasabihan ka ba nila na dapa----" naputol ko ang sasabihin niya dahil alam ko na ang pinupunto niya.

"Ah! Ibig mo bang sabihin ay kung pene-pressure ba ako ng mga parents ko about sa marka?"

Tumango siya.

"Hindi naman. Basta lang ay walang line of seven sa mga marka na makukuha ko."

Napangiti siya sa akin pagkatapos ay napatingin ulit sa mga nagkukumpulang tao.

"At ang susunod na magtatanghal ay ang Granpaul National High School!" Rinig kong anunsiyo matapos ang unang nagtanghal. Sumunod naman ang hiyawan ng mg tao.

Parang ang awkward na naman.

"Uhm.. eh ikaw? Prene-pressure ka ba ng parents mo tungkol sa mga marka mo?" Tanong ko kay Dominic. Ay teka! Parang hindi ata maganda ang tanong ko.

Babawiin ko sana amg tanong ko nang tumango siya bigla. Nilingon niya ako.

"Simula pa noong nasa elementarya pa lang ako," aniya.

Natahimik ako bigla habang nakatitig sa kaniya.

Napabuntonghinga siya at napatingin ng deritso sa mga magkukumpulang tao na nanonood sa kompetisyon. "Simula pa nung nasa elementary pa lang ako, nasa top na ako. Pinapagalitan ako nila mama at papa kung may nakikita silang answer sheet ko na mababa ang marka. Noong mag-Grade 7 na ako, ipinasok nila sa sa Granpual NHS at pinag-take ng entrance exam para sa Special Section at nakapasa ako. Napatanong pa nga ako kina mama kung bakit hindi na lang ako ini-enroll sa isang private school dahil parang nasa-private school kasi ang turing sa mga nasa Special Section. Sagot pa nila, mas maayos kung sa Granpaul ako dahil mas makikita ang kakayahan at para makasalamuha ko pa ang mas maraming estudyante. Kasi sa private school, mas kaunti minsan ang estudyante. Ibig sabihin, mas kaunti ang dapat kung lamangan. Iisa lang kasi ang rule nila mama at papa sa akin: ang lamangan ko ang buong ka-batch ko. Dapat ako ang top. Sobra-sobra ang galit nila sa tuwing may makikita silang mababa na marka sa card ko. Para rin naman daw ito sa future ko," pagsasalaysay niya. "Ewan. Ba't kasi kailangan ko pang maging top student," dugtong pa niya at napakibitbalikat pa.

So, lumalabas na kaya siya naging top student hanggang ngayon dahil mismong mga magulang niya ang magsasabi na dapat ganun siya? I mean, hindi talaga bukal sa kalooban niya na gusto lang niyang maging top or what? Hala! Nakaka-pressure nga 'yan! Parents pa man din ang nag-pu-push sa kaniya.

"Minsan ay nakakasakal na," aniya.

Hindi ko alam ang sasabihin kaya nanatili lang akong tahimik.

"Ganoon din sa mga kaklase ko. Lahat kami ay prene-pressure mismo ng mga magulang namin. Dapat walang may mababang grades. Dapat puro matataas lang."

Hala. Ganiyan pala ang pinagdadaanan nila tapos aaway-awayin lang ng mga kaklase ko ang Special Section? Gosh!

Sunod kong nalaman ay ang pagkaway ni Dominic sa harap ko. At shems! Tulala na pala ako rito!

"Ayos ka lang?" Tanong niya sa akin.

Tumango ako. "Ah. O-oo. Pasensiya na."

Ngumiti siya sa akin. "Kahit pala hindi strict ang mga magulang mo tungkol sa marka mo, hindi mo naman ito pinapabayaan," aniya.

Napangiti na lang ako. "Yun lang kasi ang maibibigay ko kina mama at papa sa ngayon."

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Mabuti na lang talaga at hindi ganoon sila mama at papa.

"Uy, Dominic! Ikaw pala!"

Napalingon ako sa gawi ni Dominic at nakita ko ang dalawang kaklase niya. Sila Eugene at Jonel. Biglang napatingin sa akin silang dalawa.

"Woah! Trisha! Hi," bati sa akin ni Eugene.

"Hi," bati ko naman.

"Teka," sambit ni Jonel at napaturo pa sa akin at kay Dominic. Nagpabalik-balik ang mga tingin niya sa amin ni Dominic. Mukhang nagtataka siya dahil nakaupo kami sa iisang bench. Pagkatapos ay nagkatingin naman sila ni Eugene na parang nag-uusap sa kanilang mga mata.

At napatingin silang dalawa sa amin ni Dominic. Ulit.

Uhm... Parang may iba na sa mga tingin nila.

At naalala ko ang mga kaklase ko. Naku po! Hindi kami pwedeng makita sa ganito dahil paniguradong magwawala na naman sa galit ang mga iyon.

"Ah. D-Dominic, mauna muna ako," paalam ko.

Napatango siya. "Sige."

Tumayo na ako at nagpaalam din sa dalawa pa niyang kaklase. Pagkatapos ay mabilis akong lumayo roon.

Hooo! Sana walang may nakakita na kaklase ko! Dahil kung ganun, paniguradong daldal ng daldal na naman ang mga iyon.

Pero in fairness. May natutunan ako ngayon tungkol sa mga taga-Special Section. Hindi ko expect na ganoon pala ang pinagdadaanan nila. Lalo na si Dominic.

°°°°°

Okras and SpecialsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora