Chapter 5

1.1K 42 0
                                    

"Good morning, 11-Okra", bati ni ma'am Herlinda pagkapasok niya sa aming classroom.

"Good morning, ma'am", bati naman namin.

"Its Friday, right?"

"Yes ma'am."

"Mamaya, may pupunta rito para kunan kayo ng litrato para sa ID niyo. Tapos ibigay sa inyo ang mga ID niyo next week. Kaya kailangan, suotin niyo. Next week din, magkakaroon na kayo ng arrangement sa inyong flag ceremony. Malalaman na ninyo kung saan kayo nakapwesto sa tuwing flag ceremony. At panghuli, mag-e-elect na tayo ng class officers dito sa 11-Okra", anunsyo ni ma'am.

Napuno bigla ng kasiyahan ang buong klase. May naririnig na akong nagpa-plano kung sino-sino ang ino-nominate nila.

"Ngayon ay mag-iisang linggo na kayo sa klaseng ito. Siguro naman ay kilala niyo na ang mga kaklase niyo no?", tanong ni ma'am sa amin.

"Medyo pa lang po", sagot ng ilan sa amin.

"Ah ganun ba? Pero kailangan na nating mag-elect ng magiging class officers niyo. Oh sige. Kung gusto niyong e-elect ang kaklase niyo at nakalimutan niyo pangalan nila, ituro niyo na lang. Okay?"

"Yes ma'am."

Sinimulan na ni ma'am ang election. Pero hindi ako nagpa-participate ng maayos. Hindi ko trip ang mga ganito. Baka yung ma-elect lang ay yung mga hindi naman dapat ma-elect.

"I nominate Trisha Gonzaga as a vice-president", bigla naman akong natauhan ng marinig ko na binanggit ang pangalan ko.

Napalingon ako sa kaliwa ko. Sa seatmate ko. Si Pauline Magsilong. Yung masasabi kong lipstick is life para sa kaniya. Palaging ang pulo ng nguso eh.

"Okay. Trisha Gonzaga", sambit ni ma'am at sabay sulat ng pangalan ko sa blackboard.

Saka lang umupo si Pauline. Nginitian niya ako.

Psh. Kainis naman. Bakit niya ako ini-nominate? Ayokong maging officer.

"So, sino ang gustong bomoto kay Trisha?", tanong ni ma'am.

Mga ilan lang ang nag-hands up. Pero di ako kasali sa mga nag-hands up.

"Oh Trisha? Hindi ka boto sa sarili mo?", tanong sakin ni ma'am.

"Hindi po", maikli kong sagot.

"Okay. 6 votes for Trisha. How about kay Martina Night?", tanong ni ma'am.

Doon na ako nag-hands up. Napatingin ang ilan kong classmates sakin. Psh. Wala akong pakialam kong anong isipin nila. Basta ayokong maging officer.

"Majority. The Vice-president for Grade 11 HUMSS 5 Okra is Martina Night", declare ni ma'am. "The table for the nomination for the position of secretary is now open."

Bigla namang may itinuro si ma'am sa may likod ko.

"I nominate Trisha Gonzaga as a secretary."

Napalingon naman ako sa likod ko. Si Kevin Capranca pala. Hindi ko pa siya makilala masyado.

Isinulat naman iyon ni ma'am. Tapos may ini-nominate pa na si Claire Alberto.

"Sino boto kay Trisha Gonzaga?", tanong ni ma'am.

Nabigla naman ako ng halos lahat ay nag-hands up. Tanging ako, si Claire at ang nag-nominate lang ang natirang hindi nag-hands up.

"Okay. The Secretary for Grade 11 HUMSS 5 Okra is Trisha Gonzaga."

Aish. Kasasabi ko lang na ayokong maging officer. Tsaka hindi ako fan sa pagsusulat. Tamad akong magsulat.

At dahil ako na ang naging secretary, ako na ang nagsulat sa blackboard. Hanggang sa matapos ang election.

Okras and Specialsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن