Chapter 9

945 34 0
                                    

Kina-gabihan.

10:00pm. Di pa ako makatulog. Kanina pa ako nakahiga sa higaan ko. Napagpasyahan ko tuloy na kunin ang phone ko at mag-Facebook.

Pagkabukas ko sa account ko, nakita ko agad ang isang GC na ang pangalan ay G-11 HUMSS 5 Okra S.Y. 2017-18. Isinali na pala ako nila sa GC. Binasa ko ang convo nila. Kaso puro about kanina na napagalitan kami ni Ma'am Herlinda ang convo nilang lahat.

Pumunta na lang ako sa news feed ko. Scroll up and scroll down. Basa ng status. Like. React. Basa. Scroll.

Okay. Boring. Saka dinadalaw na rin ako ng antok. I-lo-log out ko na sana ang account ko ng mahagip ng mga mata ko ang isang post.

Nancy Inacay

Sooooo nakakainis talaga ang mga GRADE 11 HUMSS SPECIAL. Kami pa tuloy napagalitan eh sila naman talaga ang dahilan. -_- Mga pangit ugali!
Saka shout out kay Caroline Go! Famous DAW siya. Hmmp!

•5 hours ago •
529 react • 108 comments

Titingnan ko sana kung ano-ano ang mga comment ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Trisha! Anong oras na? Matulog ka na", galit na sabi ni mama na nasa pinto ngayon.

"Opo", wala akong nagawa. Agad kong ini-off ang data connection at agad na inilagay sa mesa.

Magbabasa pa sana ako. Si mama kasi.

***

Kinabukasan. Recess time.

Nandito kami ngayon nila Nancy, Pauline, at Maria sa canteen. Pinilit kasi ako nila na sumama sa kanila ngayong recess.

"Psh. Famous pala yung isang yun?", halos pabulong na tanong ni Nancy habang tutok na tutok sa cellphone niya tapos may pinipindot-pindot pa.

Nagkatinginan naman kami ni Maria na katabi ko lang.

"Sinong siya?", tanong ni Pauline na katabi naman ni Nancy.

"Eh di sino pa ba? Yung Caroline na taga special section", inip na sagot ni Nancy habang patuloy lang sa ginagawa niya. Halos hindi pa nga nagagalaw ang binili niyang pagkain samantala kami ni Maria, mauubos na.

"In-stalk mo siya?", tanong ni Pauline.

"Oo. Bwesit! Famous nga siya sa paaralang to."

"Yah. Sabi ko naman sayo kanina, siya talaga ang famous dito sa Granpual NHS", sabi ni Pauline sabay kagat dun sa tinapay na binili niya.

"Bakit? Di mo alam, Nancy? Transferee ka rin ba rito?", bigla kong tanong kay Nancy.

"Oo."

Ah. Transferee rin pala siya gaya ko. Kaya pala hindi siya aware sa Caroline Go na yun.

"Patingin nga", sabi ko at itinuro ang cellphone niya.

"Oh." Ini-harap niya sakin ang cellphone niya.

Nakita ko sa screen ng cellphone niya ang isang profile account sa instagram.

Caroline Go
500 posts • 49 following • 12.6K followers

Para siyang model sa profile picture niya sa instagram. Well, nung makita ko nga siya, ang ganda niya. Tapos taga-special section siya. Mayaman. Siguradong matalino.

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now