Chapter 82

537 22 0
                                    

Kung kanina ay kabado ako, mas lumala pa ata ngayon. Halos mahirapan na ako sa paghinga dahil sa pagkakataong ito, naghihiyawan na ang mga audience. Alam ko na mas enjoy silang manood ngayon dahil mas may maiko-komento sila sa mga suot namin.

Sa sobra atang pagkakaba ko, namalayan ko na lang na section na namin ang ipinakilala ni Ma'am Nicky.

Kabadong-kabado na rin ang mga kaklase ko.

'Kaya ko 'to! Para sa grades! Matatapos din ito!' sabi ko sa sarili ko.

"Enacay, Nancy!" Pakilala ni Nancy sa labas.

Pagkababa niya, lumabas na ako ng stage at hinintay siya na umalis sa harapan ng nga judges. Habang naghihintay, hindi ako maka-ngiti. Parang hindi ko na kaya dahil sa sobrang kaba.

'Okay, self. Fierce na lang tayo. Hindi na natin kayang ngumiti,' sabi ko sa sarili ko.

Hindi ko talaga kayang ngumiti. Hooo. Okay. Kunwari fierce na lang.

Nang umalis na sa harapan ng judges si Nancy, nagpakilala na ako.

"Gonzaga, Trisha!"

Pagkabanggit ko sa pangalan ko, nagpalakpakan at naghiyawan ang mga manonood. Gusto kong ngumiti kaso sobrang kabado ako.

Bumaba na ako ng stage at naglakad na tungo sa harapan ng judges. Rinig ko ang palakpakan ng mga manonood habang naglalakad ako. Ngunit hindi ako ngumiti. Paninindigan ko na ang pag-fierce na 'to! Bahala na!

Habang naglalakad, napalingon ako sa kanang side ng quadrangle. Nakita ko ang maraming manonood na pumapalakpak sa akin. Ngunit agaw atensiyon sa akin ang isang grupo na nakasuot ng recycled. Ang Special Section. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanila.

Napunta naman sa kaliwang side ang mga tingin ko. Isa pang grupo ng mga nakasuot ng recycled. Hindi ko alam kung ang section sila. Pero nahagip ng mga mata ko si Enrico. Nakasuot pa rin siya ng kaniyang imenodel na recycled na tuxedo na kung titingnan mula sa malayo ay parang gawa sa tela. Pero agad akong umiwas ng tingin sa kaniya. Ayokong mapaghalataan na crush ko siya.

Nasa harapan na ako ng mga judges. Pero bago ako huminto sa paglalakad,  umikot muna ako at saka ako nag-pose na kunwari model.

Shemay! Nakakahiya! Hindi ko ma-imagine kung anong hitsura ko ngayon. Basta hindi ako nakangiti at seryusong nakatingin sa mga judges.

Ah! Bahala na! Basta matatapos din 'to. Matatapos din ito! Para sa grades! Para ito sa grades!

Mayamaya lang ay umalis na ako sa harapan ng mga judge at pumunta na sa side kung saan ko nakita ang mga kaklase kong nauna na.

"Trisha," nakangiting salubong sa akin ni Maria.

Napayakap ako sa kaniya at tila nakahinga na ako ng maluwag.

"Ang galing mo palang mag-model," aniya nang kumalas na kami sa pagkakayakap.

"Oo nga, Trisha. Bongga ang pagrampa mo. Pa-fierce!" Ani John Rey.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Para akong nanghina bigla dahil sa sobrang kabado ko kanina.

"Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Maria.

Tumango ako. "Sobra sobra lang ang kaba ko nung nasa quadrangle ako."

"Aysus! Pero hindi halata kanina nung rumarampa ka. Fierce na fierce tapos may pa-kaliwa't kanan ka pang look," ani Nancy.

Napangiti na lang ako habang naghahabol ng hininga ko. Grabe ang kaba ko kanina! Parang malalaglag na puso ko. Hooo!

Hinintay pa namin na matapos lahat ang aming mga kaklase. Nang matapos ang mga kaklase namin, nanood pa kami ng mga taga-STEM. Pero hindi namin tinapos ni Maria dahil pagabi na. Mabuti na lang na kaming HUMSS ang nauna. Talagang magagabihan talaga ang mga nasa bandang hulihan.

Okras and SpecialsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ