Chapter 139

247 19 6
                                    

Natapos ang araw na iyon na parang walang nangyari nung lunch break. Nung makita ko naman ang mga taga-Special section nung uwian, parang wala lang din naman sa kanila. Tsaka mukhang mga busy—as usual.

Kinabukasan, normal na araw lang naman. Walang masyadong ganap. Nang mag-recess time, sabay na naman kami ni Maria na pumuntang canteen. Mukhang napa-wrong timing pa kami sa sobrang daming estudyante ngayon. Nagkakasiksikan na sa canteen.

“Uh. Ka-stress,” biglang sabi ni Maria habang nagkakasiksikan sa canteen.

Nakaka-stress naman talaga kasi. Nagkakasiksikan, ang init, at ang ingay. Bakit nga pala kasi ako dumeritso ako rito kahit alam ko na siksikan? Nakakainis kasi minsan itong sarili ko. Hindi nag-iisip.

“Psst. Ako na lang bibili ng makakain natin. Ako na bahala sumiksik. Hintayin mo na lang ako sa labas,” sabi sa akin ni Maria.

Napatango lang din ako at kukunin ko na ang pera ko mula sa bulsa ng palda ko. Kaso parang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig nang hindi ko makapa sa bulsa ko ang pera. Halos mailabas ko na ang bulsa mismo pero wala talaga ang pera ko. Hala shems! Nasaan na?

Nakahalata na si Maria na medyo nagpapanic na ako rito kaya tinanong na niya ako, “May problema ba?”

“Y-yung p-pera ko. Wala sa bulsa ko,” kabado kong sabi.

“H-Ha? T-Teka. Baka nahulog lang diyan,” aniya at halos sabay kaming napatingin sa sahig para mahanap ang pera ko.

Kaso wala kaming makitang pera lalo na’t medyo magulo rito dahil sa dami ng mga estudyante. Napagpasyahan muna namin ni Maria na lumabas saglit sa canteen.

“Sure ka talaga na wala sa bulsa mo?” mahinhing tanong sa akin ni Maria.

Inilabas ko na ang bulsa ko para makita niya na wala talaga sa bulsa ko. “Wala talaga. Bente na buo yun. Ibinulsa ko kanina bago tayo pumunta rito.”

“Hala na. Baka nung pagkuha mo na sana kanina ay nahulog sa sahig. Tapos may pumulot. Malas lang kung nagkagaoon kasi hindi honest yung nakapulot,” aniya.

Mga ilang sandali muna ang inilaan pa namin upang maghanap sa daan. Kaso wala talaga. Argh! Ang malas naman.

“Hayaan na nga lang,” agad kong pagsuko.

“Luh. Bente yun. Hahayaan mo lang?”

“Parang hindi na natin mahahanap yun. Sa dami nang tao at ilang sandali na tayong nasa lobo kanina sa canteen. Malamang may nakapulot na.”

“Sayang yun. Malaking halaga yun,” panghihinayang niya.

Kabado pa rin naman ako. Pero nawalan na ako ng pag-asa e. Hindi ko na lang sabihin kay mama ito. Huhu.

Napabuntonghinga na lang ako. “May pera pa ako sa bag. Kunin ko na lang tapos babalik na lang ako. Total ay maraming tao pa ang nasa loob ng canteen.”

“Ey? Nakakapagod naman nun. Pabalik-balik ka pa.” Napatingin siya sa perang dala niya. “Wrong timing pa na sakto lang ang pera na dala ko.”

Napangiti ako. “Ano ka ba. Ayos lang. Mabilis lang naman ako.”

“Sige. Pipila na lang ako dun,” aniya.

Tumango ako at agad na naglakad pabalik sa classroom habnag si Maria ay pumasok ulit sa canteen. Habang naglalakad pabalik nakita ko sila Ashley, Megan, Jonel, at Dominic na makakasalubong ko. Nagkunwari akong hindi sila nakita habang patuloy ako sa paglalakad. Kaso bigla akong tinawag ni Ashley. Pero nagbingibingihan muna ako sa unang tawag niya. Then nung ikalawang tawag na niya, nasa harapan ko na sila kaya no choice. Kunwari ngayon ko palang sila napansin.

Mapagkunwari na ba ako nito? Pfft.

“Hi, Trisha! Pabalik ka na sa room niyo?” Tanong sa akin ni Ashley.

Ngumiti at tumango ako.

“Ah. Sige.” Nginitian ako ni Ashley. Then parang pasimple siyang lumingon kay Dominic. “Andito pala si Dominic,” aniya sa akin.

Napatingin ako ngayon kay Dominic. Nakangiti lang siya sa akin kaya ngumiti lang din ako.

‘O ano naman ngayon?’ tanong ko sa isip ko.

“Yiee,” pasimpleng react nila Jonel at Megan.

“Hindi lang ba kayo mag-uusap? Mag-ngingitian lang ba kayong dalawa?” Tanong sa amin ni Ashley.

Shemay naman. Nakakaramdam ako ngayon ng pagka-awkward e.

Magsasalita na sana si Dominic nang unahan ko siya. Kailangan kong maka-excuse agad. “Sorry. Mauna na ako ha. M-May gagawin pa pala ako para sa susunod na klase namin.”

Pero sa totoo lang ay wala naman talaga. Palusot lang yun.

“Ah ganun ba. Sige-sige.” Syempre wala silang magagawa kundi ang hayaan ako na makaalis agad dahil sa idinahilan ko.

Agad akong naglakad palayo sa kanila. Nang parang malayo-layo na ako, napalingon ako saglit sa kanila. Medyo nabigla lang ako nang makita ko si Domininc na nakalingon din sa akin at dahil doon ay biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Nagmadali na lang ako na makabalik sa room.

Nang nasa room na ako at kumukuha ng pera, parang bigla akong tinamad na bumalik. Parang wala naman akong ganang kumain. Kaso si Maria. Maghihintay yun sa akin. Pero ayoko na talagang bumalik. Nawalan na ako ng gana. Tsaka sayang na itong natitirang pera ko.

Naalala ko na dala niya ang phone niya kaya agad kong kinuha ang phone ko mula sa bag ko at nag-online sa Facebook. Nakita ko na online siya. Pero hindi ako sure kung naka-tambay siya ngayon sa Facebook or baka naka on lang ang data tapos busy sa Wattpad. Nag-try akong i-chat siya. Mabuti na lang at nagreply siya agad. Hay salamat.

Sinabi ko agad sa kaniya na hindi na ako babalik ngayon sa canteen. Medyo nagtampo pa nga siya pero wala naman siyang magawa. Hindi na siya nagreply. Baka bumibili na siya ng makakakain niya. Itinago ko na lang ulit ang natitirang pera ko at umupo na lang sa seat ko. Nagbasa-basa na lang ako ng mga notes ko habang nag-iingay ang mga kaklase ko.

Makalipas ang ilang minuto, biglang may nag-abot ng pagkain sa akin kaya natigil ako sa pagbabasa ng notes ko at napatingin sa kung sino man ang nag-aabot nito. Si Maria. Umiinom pa nga siya ng juice niya.

“A-ano ‘to?” Tanong ko sa kaniya.

“Pagkain.”

“I mean, para ba sa akin yan? Diba hindi naman ako nagpabili.”

Bumulong siya sa akin. “Si Dominic bumili nito para sa ‘yo.”

Natigilan ako ng ilang sandal at tiningnan ko lang si Maria.

Inilapag niya muna ang pagkain na inaabot niya sa akin at saka umupo siya sa kaniyang seat at ngumiti sa akin. “Nasabi ko kasi sa kanila na nawalan ka ng pera.”

Napakurap ako. “H-Ha? Paanong nasabi mo?”

Napalingon muna siya sa mga kaklase kong busy sa pag-iingay bago mag-kwento. “Nandoon kasi sila Dominic kasama niya yung tatlo niyang kaklase. Tapos nakita ako nung Ashley at kinausap ako. Naaalala niya kasi ako na palagi mong kasama. Tapos yun na nga. Tinanong niya ako kung bakit nga pala tayo hindi magkasama at nauna ka raw na bumalik rito kasi nagkita raw kayo.”

“Tapos?”

“Nasabi ko kung bakit ka bumalik. Syempre narinig ni Dominic. Nung una, wala lang. Hanggang sa nag-chat ka at nakabili na ako ng pagkain. Nung nakalabas na ako, humabol si Dominic sa akin para ibigay iyang pagkain na ‘yan at ibigay ko raw sa ‘yo. Libre niya raw sayo. Hindi ko nga alam kung paano siya nakabili agad e. Kung sabagay, Special Section nga naman.”

Napabuntonghinga ako at napatingin sa pagkain. May isang slice ng cake at juice. Yep. May cake sa canteen pero di ako masyadong interesado dahil sa presyo. Titipid ako e.

“Yiee. Kikiligin ka na niyan,” ani Maria.

“Nakakahiya kaya,” sabi ko sa kaniya.

“Nangliligaw siya sayo kaya hindi ‘yan. Kaya kainin mo na,” aniya sabay kagat sa binili niyang tinapay at nginitian ako.

Kahit nag-aalangan  ako, kinain ko pa rin. Sayang din naman.


***


Kinagabihan, pagkatapos kong kumain, naalala ko ulit ang mag-online sa Facebook at saktong nakita ko na online si Dominic kaya agad ko siyang chinat.


------------------C H A T-------------------


Trisha Gonzaga
[Hello. Salamat nga pala sa pagkain kaninang recess. Sorry hindi ako nakapag-pasalamat kanina in person]


Dominic Michaels
[You’re welcome]


Trisha Gozaga
[Sorry hindi kita napasalamatan kanina in person. Dapat nga hindi ka na nag-aksaya pa na bigyan ako ng pagkain. Nakakahiya tuloy.]


Dominic Michaels
[Don’t worry about it. Tsaka wag ka na mahiya sa akin, okay?]


Trisha Gonzaga
[Sige. Try ko.]
Pagbibiro ko rito.


Dominic Michaels
[Haha. Anong “try”?]

[By the way, nalaman ko na hindi pala nagkasundo mga kaklase natin kahapon.]


Trisha Gonzaga
[Ah. Oo. Ikaw raw nagsabi sa mga kaklase mo na mag-sorry sila sa amin]


Dominic Michaels
[Yup. Dapat nga sinamahan ko pa sila kaso busy ako. Then, sabi nila sa akin nung una na okay na raw. Nalaman ko lang na hindi talaga nagkasundo ang mga kaklase natin nung umamin na si Megan kanina.]


Trisha Gonzaga
[Nagkabangayan lang kasi kahapon.]


Dominic Michaels
[Pasaway talaga]

[Sorry but I have to go. Kailangan ko nang mag-offline. May gagawin pa akong mga activities para sa mga subjects namin.]


Trisha Gonzaga
[Sige]


Dominic Michaels
[Advance goodnight.]


*****

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now