Chapter 140

248 19 6
                                    

“Napapansin ko na parang parumi ng parumi lang palagi ang CR natin. Yung trashcan, punong-puno na. Tingnan niyo ngayon ang trashcan natin, puno. Tapos hindi pa naka-segregate,” ani Ma’am Herlinda sa amin ngayong umaga.

Napalingon naman kami sa trashcan namin sa likod. Hindi na nga nakasrado ng maayos ang takip nito dahil sa kapunuan.

“Baka nagsisimula na kayong maging tamad ha. Sa mga cleaners na nakatoka sa CR at sa pagpapanatiling maayos ang trashcan, dapat makita kong malinis at maayos ang area ninyo bukas ng umaga. Maglinis kayo mamayang hapon. Huwag tatamad-tamad. Maliwanag?”

Tumango kami at sumagot ng “yes, ma’am”.

Pagkatapos ay nagpaalam na si ma’am sa amin upang pumunta na sa kaniyang klase. Kami naman, naghintay sa aming guro na dumating. Lumipas ang ilang minuto pero hindi pa rin dumadating si ma’am kaya nag-iingay na naman ang mga kaklase ko.

Nag-online lang muna ako sa Facebook na puro scroll lang ginagawa ko. At habang tutok na tutok ako sa ginagawa ko, nag-iingay naman ang mga kaklase ko. Nabato pa nga ako ng crumpled paper dahil sa batohan ng mga kaklase ko. Pero binali wala ko lang iyon.

“Uy akin ‘to! Bigay ito ni ano sa akin e!”

“Akin! Agaw mo lang!”

“Sa akin! Sa akin talaga niya ibibigay ito. Akala mo lang sayo!”

“Akin!”

Napahinto ako sa ginagawa ko at napalingon sa maingay at malikot na mga kaklase ko. Sila Niño at Steven na naman. Malapit sila sa kinauupuan ko at may pinag-aagawan. Yung yakult na bukas na. Nang tuluyang maagaw iyon ni Niño, tumakbo siya papalayo sana ngunit nahawakan ni Steven ang uniform niya kaya nahinto sila. Sa katapat ko na mismo. Then nag-aagawan na naman silang dalawa.

Babalik na lang sana ako sa pagi-scroll sa Facebook nang biglang matapon ang laman ng yakult sa mukha ko. Natigilan ang dalawang nag-aagaw at ang ilan kong kaklase na nakakita. Napapikit ako ng aking mga mata. Ramdam na ramdam ko ang natapong inumin sa mukha ko. Mabuti na lang hindi ganoong marami ang natapon.

“Hala kayo!” Rinig kong sabi ng ilan kong kaklase at ramdam ko na natigilan naman ang iba pa.

“H-Hindi ako kasalanan,” agad na depensa ni Steven.

“Anong hindi! Kung hindi mo inaagaw ang yakult ko, hindi sana matatapon kay Trisha!” Sigaw sa kaniya ni Niño.

“Ano yakult mo? Akin yan!”

“Akin nga sabi!”

“Hoy!” Biglang sigaw ni Rose Ann kina Steven at Niño kaya natigilan ang dalawa. “Mag-aaway pa rin kayo kahit na natapunan na ninyo si Trisha? Mahiya nga kayo!”

Napadilat ako ng aking mata muli at napatingin sa dalawa. Humarap sila sa akin at agad naman na nag-sorry.

“Okay lang,” sabi ko at napatingin sa sarili ko. Mabuti na lang na hindi natapunan ang uniform ko.

Tumayo ako at nagtungo sa CR para maghilamos. Napatakip ako ng ilong nang pumasok na ako sa CR dahil sa medyo mapanghi at parang hindi nga nalinisan kahapon. Pero mabuti na lang na maayos pa ang gripo kaya nakapaghilamos ako. Pagkatapos ay bumalik ako sa upuan ko at ginamit ang panyo ko para gamitin sa mukha ko.

Balik na naman sa ingay ang lahat. Ako naman, umupo na at bumalik sa pag-Facebook.

Mayamaya naman ay biglang sumigaw si Mario na nasa pintuan. “Guys! Guys! 30 minutes na ang nakalipas, ibig sabihin, hindi na papasok si ma’am! Wala tayong klase ngayon! Yehey!”

Kaso pagkatapos niyang sabihin yun ay biglang sumulpot ang guro namin para sa subject naming Practical Research I.

“Sinong nagsabi na hindi na ako papasok after 30 minutes?” Biglang tanong ni ma’am mula sa likod ni Mario.

Nabigla naman si Mario at agad na napalingon kay ma’am. “Hala! Sorry po ma’am. Joke joke lang po yun.”

Tinaasan siya ng kilay ni ma’am. “Ikaw na maliit ka, pasaway ka,” ani ma’am at napatawa ang  buong klase.

Napakamot na lang sa kaniyang ulo si Mario. Pagkatapos ay pinabalik na ang lahat sa kani-kanilang seat.

“My goodness! Ang kalat ninyo! Pulutin niyo nga muna iyang mga nagkakalat na papel at i-arrange ninyo ang mga upuan niyo ng maayos.”

Agad naman naming ginawa iyon.

“Senior High na kayo pero parang elementary pa rin. Ang kalat, nag-iingay, palaging naka abang sa oras at iniisip na hindi na papasok si teacher. Yung kahit ang liit mo pero ang lakas maka-announce ng fake news.”

Natawa ang ilan kong kaklase habang si Mario ay nanahimik lang. Tila hiyang-hiya sa nangyari.

“Okay. Move on na tayo riyan. Kumusta ang research paper ninyo? Kumusta ang progress?” Biglang tanong sa amin ni ma’am.

Walang may sumagot. Maski ako ay hindi alam ang isasagot dahil hindi ko na rin naasikaso iyon.

“Hmm. Mukhang hindi maganda ang kutob ko,” nasabi na lang ni ma’am nang wala talagang may sumagot. “Sinasabi ko sa inyo, mahihirapan kayo kung gagawin ninyo iyan in late. Remember na may Research Congress na gaganapin para sa mga research ninyo. At sa gymnasium iyan magaganap. Kaya gawin niyo ang lahat na maayos ang result. Okay?”

Nagkatinginan na lang kaming mga magkakaklase sa isa’t isa.

“Huwag tatamad-tamad. Malapit na rin naman ang vacation kaya laban lang.”

***

Lumipas ang ilang araw. Wala naman masyadong ganap maliban sa mga quizzes, lectures, at paminsanang parinigan at bangayan ng mga kaklase ko at Special Section.

Minsan ay napapagalitan pa kami ng aming adviser dahil sa maruming CR, hindi na naaasikasong trashcan, at minsan ang sahig ng classroom na namumuti na raw dahil hindi na nalalagyan ng floorwax. Yep. Patamad nan g patamad ang karamihan sa amin at baka nga ay kasama na ako roon. Sakto lang kasi na nagwawalis ako sa lobby tuwing nagswe-sweep. Tapos minsan ay napapagalitan na rin kami ng guro namin sa pananaliksik at research I dahil sa wala na raw kaming ginagawang parts sa papel namin.

Sa araw, sa unang subject namin kaninang umaga wala pa ang guro namin. Bago umalis si Ma’am Herlinda para sa kaniyang unang klase, pinagalitan niya muna kami dahil sa hindi na naman malinis na CR at hindi maayos na pagkakalinis sa room.

Ngayong recess time naman, biglang nagtanong si Rose Ann kay Ma’am Herlinda na nasa kaniyang table sa likod.

“Ma’am, Valentine’s Day na next week pero wala pa po kaming balita sa prom. Matutuloy pa po ba?”

Agad iyong umagaw ng pansin sa aming lahat. Actually, nakakalimutan ko na ang tungkol sa prom na yan.

“Hmm. Huwag kayong mag-alala dahil tuloy na tuloy ang prom niyo,” sagot ni ma’am at agad naman na natuwa ang mga kaklase ko. “May naiisipan nang schedule diyan pero hindi pa siya yung official talaga kaya hindi lang muna sinasabi sa inyo. Don’t worry, kung ma-fix na talaga ang lahat about that, sasabihan ko naman kayo agad.”

“Hay salamat. Akala ko kasi hindi matutuloy.”

“Oo nga. Naka-ready na pa naman ang isusuot ko.”

“Excited na talaga ako.”

Rinig ko ang excitement ng mga kaklase ko pero parang hindi naman ako excited.

Napalingon ako kay Maria nang kalabitin niya ako. “O?”

“May isusuot ka na? Ready ka na sa prom?” Nakangiti niyang tanong sa akin.

Umiling ako. “Hindi ko pa nasabi kay mama.”

“Luh. Hindi k aba excited?”

Nagkibit-balikat lang ako.

“Alam mo, iba ka. Maski kasi ako ay excited para sa ganoong event tapos ikaw parang hindi naman interesado.”

Napangiti ako. “Hindi lang ata ako excited sa ngayon.”

Napabuntonhinga siya. “Mag-ready ka na. Baka mahirapan ka na kung malapit na ang event.”

Edi sana hindi makalimutan.

*****

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now