Chapter 166

229 16 3
                                    

Sa sumunod na araw, busy na naman kami. May mga laptop ang bawat grupo dahil gagawa kami ngayon ng illustration para sa tarpauline. Ang problema, kung ipapa-tarpauline namin ay hindi na aabot pa para sa Congress Day. Kaya gagawin na lang naming tarpapel.

Habang gumagawa ng illustrations kaming may hawak na laptop, kaniya-kaniya naman ng buhay ang ilan kong kaklase. May ilang balik na sa normal na tila wala nang problema, may ilang tulog, at may ilan naman na pinag-uusapan pa rin ang nangyari kahapon.

Naging focus lang ako buong umaga sa paggawa ng illustration. Pero kalahati pa lang nagawa ko hanggang sa mag-lunch break. Mabagal pa kasi ako gumawa dahil first time ko ito ngayon.

"Uuwi ka?" Tanong sa akin ni Maria nang makita niya na nakasukbit na sa likod ko ang backpack ko.

Tumango ako.

"Luh. Bakit?"

"Icha-charge ko itong laptop."

"Eh pwede mo namang i-charge iyan dito sa room. Ayun nga yung laptop sa grupo namin oh." Itinuro niya ang laptop na ginagamit nila na ngayon ay naka-charge sa harapan habang ginagamit ni Jane.

Pinayagan kasi kami ni Ma'am Herlinda na mag-charge since para sa research namin.

"Ah. Eh puno na mga saksakan ng mga naka-charge na cellphone. Tsaka deritso na rin ako mamaya sa pagpa-print pagkatapos ko."

Napasimangot siya. "Hays. Sige sige."

Pagkatapos ay umuwi na ako agad. Pagkatapos kong kumain ay bumalik ako agad sa paggawa ng illustration. Akala ko makakatapos na ako agad pero nang tanungin ako ni mama kung bakit hindi pa raw ako pumapasok ay alas-dos na kaya deri-deritso na lang ako sa ginagawa ko.

Medyo masakit na rin sa mata kakatitig sa laptop pero nagpapatuloy pa rin ako. Nang makita ko na 4:30pm na sa orasan namin, nag-online ako sa Facebook at nag-chat sa group chat ng grupo ko sa research kung nasaan na silang mga kagrupo ko. Pero wala pang nagse-seen kaya nagpatuloy lang muna ako sa ginagawa ko.

5:00pm na ako natapos sa ginagawa ko at wala pa ring nagse-seen. Agad akong kumuha ng pera sa bag ko at patakbong lumabas sa bahay deritso sa printing shop para ipa-print ang tarpapel namin. Pagkarating ko pa sa printing shop ay marami pang nakapila.

Habang nakapila ako, nag-chat ako ulit sa group chat ng mga kagrupo ko para itanong kung sino ang mga magpre-present sa research namin. Tatlo dapat sa bawat grupo ang magiging representative. Tatayo sila sa tabi ng aming tarpapel at hihintayin na may lumapit na teacher. Tatanongin sila ng teacher tungkol sa paper namin. May puntos bawat maisasagot ng representative at may puntos sa kung gaano ka informative at kaganda ang tartapapel.

Chineck ko kung mga online ba ang mga kagrupo ko dahil walang may nagse-seen. Nakita ko naman na online sila. Nag-chat ako sa group chat ng section namin.

--------------------C H A T---------------------

Trisha Gonzaga
[Hello. Andiyan pa ba kayo sa paaralan?]

Maria Agres
[Yung iba nasa paaralan pa. Yung iba naman ay nasa printing shop para ipa-print ang tarpapel.]

Napatingin ako sa mga taong narito sa shop. Pero wala akong kaklase. Nasa ibang printing shop ata sila.

Trisha Gonzaga
[Uhm... Andiyan ba sila Martina? Si Claire? Steven?]

Maria Agres
[Hindi ko sila nakita e.]

Trisha Gonzaga
[Aws. Ganun ba? Sige. Salamat.]

Then mayamaya ay nag-chat na ang ibang grupo at kaniya-kaniya rin ng hanap ng mga kagrupo nila. Ramdam ko ang tense naming lahat. Lalo na nang mag-chat si Rose Ann.

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now