Chapter 165

177 13 2
                                    

Nagsunod-sunod ang mga pagperform. May ilang performance din naman na medyo hindi ganun kabongga pero keri pa rin. Ewan ko na lang sa amin. Hanggang sa tinawag na kami.

"Hoy! Si Erika?" Tanong ni Nancy.

"Hayaan mo na siya. Ayaw niya diba?" Sabi ni Rose Ann.

At saka kami tumungo sa gitna ng quadrangle. Maraming mga manonood ang nagtataka sa hitsura namin. Nakakunot noo pa ang ilan at tila fini-figure out nila kung ano ang gagawin namin.

"Psst! Umayos kayo!" Saway ni Rose Ann sa mga kaklase kong nagtutulakan.

Pumwesto na kami habang ang mga manonood ay naghihintay na.

Sobra-sobra ang nararamdaman kong hiya ngayon. Pero kailangan na ituloy. Saka matatapos din naman ito. Makakalimutan din nila itong magiging performance namin pagkalipas ng ilang araw.

Nagsimula na ang musika at nagsimula na rin kaming sumayaw ayon sa napag-practisan namin. Ang tahimik lang ng mga manonood. Nagpatuloy lang kami na parang nagre-ritwal lang dito. Si Nancy nga ay awkward na awkward na sumasayaw sa gitna namin e.

Nang nasa kalagitnaan na kami, biglang pumunta sa harapan namin sila Niño, Mario, John Rey, at Joel. Baka gagawin na nila ang sinasabi nilang sasayaw sila.

Halos mahinto ako sa sinasayaw namin nang biglang kumembot ang apat. Napangiti ang mga manonood. Ngunit natawa na sila nang biglang um-acting si Niño na parang ginawang pinagbabawal na gamot ang hawak niyang mga dahon at sumayaw-sayaw na mala-ballerina. Nagpaikot-ikot siya ng ilang beses hanggang sa nawalan siya ng balanse at natumba.

Umarte naman sila Mario, John Rey, at Joel na pulis at naghabulan ang apat.

Uhm... Connected pa ba yan sa Festival Dance namin?

Nagpatentero ang ang apat at hindi nila mahuli si Niño. Todo sigaw naman ang mga manonood kung paano mahuhuli si Niño at mukhang enjoy naman nilang lahat. Tumawa ang lahat maski ang mga judge nang mahuli ni Mario si Niño ngunit natumba lang si Mario.

Pati kaming mga kaklase nila ay tumatawa na rin dito lalong lalo na ang mga kaklase naming nakatayo lang sa likod namin habang hawak ang mga malalaking dahon.

Saktong nagpahuli si Niño nang matapos na ang sayaw namin. Hindi ko inaasahan na magpapalakpakan ang mga manonood habang natatawa pa.

Naghawak kamay kaming magkakaklase at saka sabay-sabay na nag-bow. Sa pagkakataong ito, paulit-ulit na isinigaw ng mga manonood ang pangalan ng section namin.

"Okra! Okra! Okra!"

Hindi namin alam kung ano ang ibig sabihin nila.

Ngunit bumalik na kami sa gilid ng quadrangle kasama ang ilang nag-perform.

Nagsalita ulit si ma'am sa stage upang pasalamatan ang mga judge, manonood at para rin sa ibang anunsiyo. Habang nagsasalita si ma'am sa stage, ipinaliwanag naman ni Niño sa amin ang ginawa nila kanina. "Ganito kasi yun, ako yung drug addict. Tapos sila Mario yung pulis na ikukulong ako. Ang concept talaga namin ay: kapag ikaw ay nag-shabu paniguradong ikaw ay makukulong."

Natuwa naman ang nga kaklase ko sa sinabi niya.

"Connected iyon sa Festival natin?" Tanong ni Maria.

"Hindi namin alam. At least may meaning yung ginawa namin," sagot ni Joel at nag-ingay naman ang mga kaklase ko. Supportado nila ang ginawa ng apat.

Napangiti na lang ako kahit nakakahiya. Sana lang talaga ay hindi kami bagsak para sa subject na ito.

"Wait. Last na 'to diba?" Biglang tanong ni Martina.

"May Research Congress pa tayo sa Friday," sagot ko.

"Hala! Gagi hindi ko pa napapa-print ang papers namin!" Sigaw ni Jane.

Nang i-dismiss na kami ni ma'am, saka kami bumalik agad sa classroom at umuwi.

***

Kinagabihan, sinend ng mga kaklase ko ang mga larawan namin kanina sa event. May ilan ding videos na nakuha nila sa mga kaibigan nilang nag-video.

Tiningnan ko lahat ng mga iyon at hindi ko maiwasang makadama minsan ng hiya. Pero napapangiti rin naman ako dahil sa tuwa dahil kahit na naging ganoon ang performance namin ay at least nagkaisa ang karamihan sa amin.

Yung sampu nga kami pero dahil sa LQ ng mag-jowa ay naging siyam na lang. Well, mukhang magkabati na ang dalawa dahil nabasa ko sa group chat namin. Kaso galit na galit naman si Jane dahil kung kailan nagperform kami ay doon nagka-LQ ang dalawa at apektado ang grupo namin. Tapos nagkabati naman nung tapos na. Beast mode tuloy si Jane.

Basta okay na ako. Nakapag-perform na kami kahit hindi yung maganda. Ang mahalaga ay nakapag-perform.

*****

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now