Chapter 78

511 21 1
                                    

"Gawa sa recyclable materials?" Pag-uulit ni mama.

Tumango ako. Sinabi ko kasi kay mama ang tungkol sa career modeling namin.

"Ah. Ako na bahala sa recycled na susuotin mo. May naiisip na ako kung ano ang gagawin," nakangiting sabi ni mama.

"Salamat, ma." Napangiti ako.

Nagpapasalamat talaga ako na mayroon akong magulang na kagaya ni mama. Sinusuportahan niya ako. Hindi na siya nagtatanong pa ng marami kapag tungkol na sa paaralan. Nagiging magaan ang ilang activity na minsan ay nahihirapan ako dahil nandiyan si mama na handang tumulong sa akin.

***

Nagdaan ang ilang araw. Tinotoo nga nila Rose Ann ang sinabi nila sa akin na bantay sarado ako. Palaging may nakasunod sa akin na kaklase ko kapag mag-isa akong pumupunta sa canteen. Sinisiguro nga nila na hindi ako malalapitan ni Dominic maski ang mga kaklase niya. Feeling ko tuloy para akong bata. Haaays.

Pero dahil palapit na ng palapit ang final exam namin sa first semester, naging busy na ang Special Section. Halos hindi na sila nagcha-chat sa akin. Maski kaming Okras ay busy na rin. Nagkakasabay-sabay na ang mga projects at long quizzes. Pero ang ilan kong kaklase, chill-chill lang. Hindi alintana ang maraming projects. Ginagawa na kasi nila ang project nila sa classroom kapag malapit na ang deadline.

Nagre-review na rin ako para sa nalalapit na exam. Sa tuwing binabasa ko ang notes ko, tinatamad ako. Alam ko na kasi ang mga nasa notes ko. Nakikinig naman kasi ako sa discussion ni ma'am. Kaya tinutulungan ko na lang si mama na gawin ang susuotin ko para sa career modeling. Hindi ko maiwasang kabahan para sa modeling. Hindi ko alam ang magmodel. Bahala na. Basta maglalakad ako sa stage.

Ang bilis ng oras. Namalayan ko na lang na exam day na namin. Masyado kasi akong nag-focus sa mga projects at ilang activities. Wala naman kasing masyadong nangyari. Medyo hindi na kasi nagkakasalubong ang mga kaklase ko at ang Special Section. Madalas ay wala sila sa classroom nila. Hindi ko alam kung saan sila nagpupupunta. Masyado silang busy. Pero mabuti na lang 'yon kasi naging payapa sa kahit papaano ang bangayan nila sa mga kaklase ko.

Wednesday to Friday ang exam days namin. Tapos next week---sa Monday, career modeling na namin.

During exam, mabilis ko na sinasagutan ang mga questions. Inuuna ko ang essay. Paborito kong part sa exam ang essay. Sa multiple choice, swerte ka kapag alam mo talaga ang answer, dahil kung hindi, siguradong malilito ka. Kapag identification, sarap sa feeling kung nasa multiple choice ang mga sagot. Kung wala, piga-piga muna ng utak.

Sa exam namin sa math, doon ako nahirapan. Hindi ko kabisado ang mga formula at hindi ako nag-review. Sa exam pa naman namin na ito ay dapat mag-solve para malaman ang sagot mula sa multiple choices. Wala akong choice kundi ang maghula-hula lang. Binasa ko muna lahat ng questions sa pagbabakasakaling may masagutan akong hindi kailangang mag-solve para malaman ang sagot. Mayroon nga akong nasagutan. Pero mas marami ang dapat i-solve. Nang wala na talaga akong pag-asa, nagsulat na lang ako ng kahit na ang letra sa mga numbers na blanko. Mabuti na lang talaga na multiple choice. Bahala na. Tsamba na lang ang kinakapitan ko ngayon.

Pagkatapos ng exam, nakahinga ng maluwag kaming lahat. Sa wakas ay tapos na! Maliban sa Personal Development.

At dahil tapos na ang exam namin sa ibang subject, po-problemahin na lang namin ang career modeling.

"Trisha," tawag sa akin ni Nancy.

"Hmm?"

"May susuotin ka na para sa Friday? Yung para sa future career," tanong niya sa akin.

Okras and SpecialsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum