Chapter 172

225 14 4
                                    

"Psst, guys! Andito yung cards oh! Tingnan natin," yaya ni Mario sa amin.

Napalingon kami sa kaniya. Sa table ni ma'am sa likod. Pumunta agad doon ang mga kaklase ko at agad na pinagkumpolan ang mga cards daw namin.

"Hoy, hoy! Mga chismosa't mga pakialamera talaga kayo. Baka pagalitan tayo kapag nakita ni ma'am na pinapakialamanan niyo ang gamit diyan sa table niya," ani Claire.

"Hindi 'yan. Basta may look out lang tayo. Tsaka hindi naman namin kinakalat," sagot ni Mario.

Halos magkagulo sila para makita ang kani-kanilang card.

Nang lumapit sa kanila si Maria, saka ako lumapit din. Pero nakikitingin lang din ako sa ibang card. Ayoko makigulo.

"Ay luh. May ganito pala akong grade?" Tanong ni Julie Ann nang makita niya ang card niya. Nasa likod niya kasi ako.

"Ay may comment yung teacher. Okay naman daw ako sa klase. Kulang lang daw sa recitation," basa naman ni Kevin.

"Recite-recite daw kasi pag-may time," komento ni Angelica.

"Ang tanong: may irerecite ba ako? Wala naman e."

Nagtawanan ang mga kaklase ko at agree pa sila. Napangiti ako.

"Asan na yung iba?" Tanong ni Rose Ann.

"Andun pa sa loob ng envelop yung iba," sagot naman ni Joel.

Kukunin na sana nila ang envelop nang biglang sabihin ni Darwin na andito na si ma'am. Agad namang ibinalik sa ayos nila Mario ang mga kinuha nilang cards at saka bumalik kami sa kaniya-kaniyang seat.

Kaya nang dumating si Ma'am Herlinda, tila wala lang. Kunwaring hindi kami tumingin sa table ni ma'am at kunwaring busy sa kaniya-kaniyang mundo.

Mayamaya lang ay umalis ulit si ma'am ngunit dala niya ang mga cards. Nanhinayang naman ang mga kaklase ko dahil hindi pa raw nila nakita nga ibang cards.

Wala na kaming masyadong gawain ngayon maliban sa pumasok para sa attendance at kung may biglaang announcement ang teacher namin. Or baka biglang may ipagawa. Ilang weeks na lang din kasi at matatapos na ang school year na ito. At nafe-feel ko na nga. Gusto ko na rin kasi talaga na matapos ito. Gusto kong magpahinga.

Nakarinig kami ng tila kanta mula sa quadrangle kaya napatanong ang ilan kong kaklase kung anong meron.

"Ah! Yung Grade 10. May final activity sila ngayon. Yung cheerdance para sa PE nila. Kasama nga yung kapatid ko dun e," sagot ni Arnold.

"Ay talaga? Uy! Tara nood tayo," yaya ni Rose Ann.

"Sige sige. Boring dito sa room e." Sumang-ayon agad ang mga kaklase ko at agad na nagsilabasan.

At ngayon, naiwan na naman ako... at si Maria naman ay Wattpad na naman ang inatupag. Ayokong lumabas sa ngayon at wala pa ako sa mood para magbasa sa Wattpad.

Huminga ako ng malalim. Wala akong masyadong magawa ngayon.

Naalala ko tuloy bigla ang binasang comment sa card ni Kevin kanina---yung tungkol sa recitations.

Hindi ako mahilig sa recitation. Ganito kasi yun...

Elementary ako noon. Nagche-check kami sa sinagutan namin bilang review para sa National Achievement Test (NAT) at nasa kategorya na kami ng Mathematics (multiple choice). Mayroong items doon na nahihirapan ang mga kaklase ko dahil sa ginamit nilang formula at sa lumabas na result nito, wala raw ito sa choices. Nagtaka ako kaso nakuha ko naman.

Nag-solve ang isa kong kaklase sa blackboard at lumabas na result ay 68. Pero sa mga choices, wala ito.

a. 41
b. 7
c. 87
d. 6

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now