Chapter 94

508 25 1
                                    

Nag-online ako kinagabihan. Chinat ko ang mga kagrupo ko sa report sa Practical Research 1. Pinaalala ko sa kanila na dapat i-review nila ang part nila.

Habang naka-online ako, nag-chat bigla si Dominic. Agad ko namang binasa ang chat niya.

----------------C H A T--------------

Dominic Michaels
[Trisha.]

Trisha Gonzaga
[Bakit?]

Dominic Michaels
[May practice tayo bukas.]

Trisha Gonzaga
[Ok. Kada-alas-kwatro diba?]

Dominic Michaels
[Oo. Pero maliban doon sa practice natin sa quadrangle, may practice din tayong dalawa sa room namin kada 12:30.]

Ha? Ano?! Bakit?!

Trisha Gonzaga
[Bakit may practice tayo sa room niyo?]

Dominic Michaels
[Ipra-practice tayo nila Caroline sa pagdadala ng suot natin sa Friday.]

[Saka tutulungan ka rin nila kung paano humarap sa maraming tao habang nasa stage ka. Napansin ko kanina sa practice natin na parang na-a-awkward ka. Parang nahihiya mga ganun.]

Hala. Napansin pala niya 'yon?

Trisha Gonzaga
[Ah. Sige.]

Dominic Michaels
[Okay. Bukas ng 12:30 until 1:00. Goodnight.]

Trisha Gonzaga
[Goodnight.]

At nang maisend ko na iyon, agad akong nag-offline at nahiga sa tulugan ko.

Mukhang kailangan ko nang sanayin ang sarili ko na nasa tabi ko si Dominic. Shemay! Ba't kasi may practice pa? Whole week na 'to ay talagang magkakasama kami.

***

"Good morning, classmates. Good morning, ma'am," bati ko bilang pagsisimula sa aming report. "Yesterday, Ma'am Ariela discussed about what is research or research paper which is gagawin natin para sa second semester. And there are two types of research that we will be having as a senior high student: the qualitative research and quantitative research. Qualitative research are more on words. Nagka-conduct ka rito ng interviews sa mga respondents ng iyong research. Dito napapag-usapan ang mga epekto sa pang-araw-araw na pamumuhay. While the quantitative research are more on numbers. I mean, this type of research tackles about the level or percentage of a particular issue or something. Pero ang quantitative research at ituturo na sa Practical Research 2 which is sa Grade 12 na."

Napatingin ako sa mga kagrupo ko sa pagre-report na nakatayo sa tabi ko. Pagkatingin ko sa kanila, hinamas-himas nila ang manila paper na ipinaskil ko kung saan naka-summarize ang report namin. Kunwari inaayos nila. Tapos nginitian lang nila ako.

Okay. Alam ko na 'yan.

"So, we are here in front of you to discuss about the Chapter 1: Introduction of a qualitative research. Chapter 1 contains the background of the study, statement of the problem, significance of the study, scope and delimitation, theoretical framework, conceptual framework, and definition of terms." Medyo napahinto muna ako dahil parang nabaligtad. Or baka feeling ko lang. Kaya tumingin ako sa visual aid namin at saka ko inisa-isang idiscuss ang bawat isa.

Okras and SpecialsKde žijí příběhy. Začni objevovat