Dominic Michaels
Ilang segundo ko itong tinitigan. Nadadalawang isip ako kung babasahin ko ang chat niya.
Ngunit sa huli, tinap ko ito at binasa ang chat niya.
------------------C H A T-----------------
Dominic Michaels
[👋][Hi]
Nag-aalangan akong nag-type ng ire-reply. Gusto ko sanang wag i-reply kaso na-seen ko na at active pa siya ngayon. Baka sabihin nito na seener ako.
------------------C H A T-----------------
Trisha Gonzaga
[Hi]Pagka-send ko, agad kong itinalikod ang screen sa akin. Ayokong makita na magse-seen siya.
Isang minuto ata akong parang shunga na nakaupo rito sa side ng higaan ko at hindi tinitingnan ang nakabukas na screen ng phone ko. Mayamaya, dahan-dahan kong sinilip ang screen ng phone ko para makita kung nag-reply siya.
At shems! Nag-reply na pala siya.
------------------C H A T-----------------
Dominic Michaels
[Good evening. Are you busy?]Trisha Gonzaga
[Hindi naman]Pagkatapos ay nag-seen lang siya. Hinintay ko na mag-reply siya. Kaso hindi na siya nag-reply sa loob ng halos dalawang minuto.
Okay. Mabuti na lang kung hindi na siya mag-reply.
Itatap ko na sana ang 'back' nang biglang nagreply. Susme! Sana hindi na siya nag-abalang nag-reply!
------------------C H A T-----------------
Dominic Michaels
[Alam ko na may sinabi na sila Ashley sa 'yo.]Naisip ko kaagad ang tungkol dun. Pero baka iba ang ibig sabihin niya. Ayokong magmukhang feelingera.
------------------C H A T-----------------
Trisha Gonzaga
[Sinabi tungkol sa'n?]Dominic Michaels
[Sabi nila sa 'kin na hindi ka raw naniniwala kaya kinukulit nila ako na ako na mismo magsabi sa 'yo.]Wow. Dedma yung tanong ko. Sana pala hindi na ako nag-reply.
------------------C H A T-----------------
Dominic Michaels
[Kanina pa nila ako kinukulit.][I have no choice.]
[E sa totoo naman kasi talaga.]
[Trisha]
[I like you.]
Agad kong nai-off ang screen ng phone ko at humiga. Ilang segundo akong nakatitig sa kisame. Mayamaya, binuksan ko ulit ang screen ng phone ko at binasa ang chat ni Dominic.
![](https://img.wattpad.com/cover/158286435-288-k954466.jpg)
YOU ARE READING
Okras and Specials
Teen Fiction«Prequel of Paminta and Special» Nang mag-transfer si Trisha Gonzaga sa isang pampublikong paaralan, nakilala niya ang maraming uri ng mga estudyante. Ang papasokan niyang pampublikong paaralan ay may SPECIAL sections bawat year level; at may last s...