Chapter 149

290 19 6
                                    

Kinabukasan ay pumasok kami nung umaga at saka kami umuwi nung lunch break para maghanda na sa event namin mamayang gabi.

Since mamayang 5:40pm pa ako susunduin ni Dominic, nakatulog pa ako mula ala-una hanggang 3:30. Nung magising naman ako ay si mama pa ang tila nai-stress para sa akin. Dapat daw gumalaw-galaw na ako para mamaya. Kaso nanood lang ako sa TV namin pagkagising ko. Hanggang sa pumatak na ang alas-kwatro, napapagalitan na ako. Kaya no choice ako kundi ang magsimula na ang pag-aayos sa sarili.

Tumawag pa si mama ng mag-aayos sa make-up ko raw at sa buhok ko. Isang beki na nakikita ko namang eksperto na talaga sa mga pag-aayos.

“Ikot ka nga,” sabi sa akin ng beki nang matapos niya akong ayosan.

Ginawa ko naman iyon. Napapalakpak siya.

“Perfect!” aniya. “Simple pretty. Pak na pak.”

Ngumiti lang ako. Nang kausapin siya ni mama, kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang oras. Malapit nang mag-5:40.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ngayon ng nirentahan naming gown. Kulay pink pero yung light lang. Simple lang ang design niya. Mala-off shoulder. Ang suot ko naman na heels ay sakto lang ang taas. Simple at hindi makapal ang make-up na linagay sa akin.

Umupo muna ako at nag-online sa Facebook. Wala pa namang chat si Dominic kaya tiningnan ko muna ang group chat namin sa section. Binasa ko ang mga chat ng kaklase ko. Hindi ko mapigilang mapangiti habang binabasa iyon.

“Trisha,” tawag sa akin ni mama. “Diba sabi mo susunduin ka ni Dominic?”

Tumango ako.

“Andito na ata.”

Napatayo ako bigla at napatingin sa labas ng pintuan namin. Andito na nga ang kotse nila Dominic. Nataranta ako. Teka lang. Kinuha ko ang purse at isinilid ang phone ko. Pagkatapos ay lumabas na ako ng bahay.

Sinalubong ako ni Dominic na nakatayo at naghihintay na sa akin. Nakangiti siya sa akin.

“Ay ang pogi naman ng partner mo,” biglang sabi ng nag-ayos sa akin.

Sandali akong napatitig kay Dominic. Mas lalo lang siyang naging gwapo ngayon na naka-tuxedo siya.

“Uhm… Tita, ihahatid ko na lang mamaya si Trisha pag-uwi,” sabi ni Dominic kay mama.

“Sige. Salamat.”

Tumingin ulit sa akin si Dominic. “Tara na?”

Nakangiti akong tumango. Pagkatapos ay nagpaalam na ako kay mama. Pinagbuksan ako ni Dominic ng pinto ng kotse at inalalayan na makasakay.

“Enjoy sa event niyo,” sabi pa ni mama sa amin bago isara ni Dominic ang pinto.

Andito ako sa bandang likod ng kotse nakaupo at sa katabi ng driver naman si Dominic. Tahimik lang kami hanggang sa umandar na ang engine ng kotse.

Since malapit lang ang paaralan sa amin, agad din naman kaming nakarating. Ngunit sa pagkakataong ito ay deritsong pumasok sa loob ng campus ang sasakyan. Napansin ko kasi na sa mga karaniwang araw ay wala naman akong nakikitang ipinapasok na mga kotse sa loob ng campus maliban sa kotse ng principal at mga bisitang supervisors.

Sa pagpasok ng kotse sa campus, nakita ko ang mangilang-ngilang mga junior high at Grade 12 siguro na papalabas pa lang ng campus upang umuwi. Mayroon din akong nakita na mga Grade 11 na nakabihis na at mukhang patungo na sa gymnasium.

Bigla akong na excite. Mukhang ngayon pa lang ako magiging excited para sa event na ito.

Huminto ang kotse sa isang part ng campus na ito na open space at malapit na sa gymnasium. May nakapark na rin ditong mga kotse.

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now