Chapter 171

218 11 1
                                    

Lunes ngayong araw. Nasa harapan namin si Ma'am Herlinda dahil may i-a-anunsiyo siya sa amin.

"Gusto ko lang sabihin sa inyo na may tatlo mula sa klaseng ito ang dala sa mga honors," sabi ni ma'am.

"Wow," sabay-sabay na react ng mga kaklase ko.

"Congratulations kay Maria na nakakuha ng 90 na general average na grade; kay Rose Ann na 90 rin; at kay Trisha na 92," pagpapatuloy ni ma'am.

Nagpalakpakan ang mga kaklase ko at napangiti ako.

"Congrats!"

"The pride of Okra."

"Iwagayway ang bandila ng Okra."

Ilan lang iyon sa mga naririnig kong komento ng mga kaklase ko.

"Ang awarding para sa lahat mula junior high hanggang senior high ay gaganapin... eksaktong two weeks from now. Hapon. Then kinabukasan ng awarding day, iyon na ang graduation ng Grade 12. Sa ngayon ay sisimulan at focus ang paaralan sa pagpra-practice sa Grade 12. Sasabihan na lang kayong mga awardees kung kailan practice sa inyo."

Tumango kaming tatlo.

"Sa iba naman na hindi nadala sa honors, congratulations dahil pasado kayong lahat. Grade 12 na kayo sa susunod na school year. You did it. Congrats."

Napalakpak kaming lahat. Masaya kaming lahat sa narinig namin.

"Congrats sa atin," nakangiting sabi ni Maria nang matapos ang anunsiyo ni ma'am sa amin.

Ngumiti ako.

"First time ko na ma-honor ngayong highschool lalo na't hindi ako nagpaparticipate sa ilang activities noon. Alam mo ba na hindi ako nawawalan ng line of seven noon? Sa P.E. talaga ako noon palagi. Kaya sobrang saya ko ngayon," tuwang-tuwa niyang sabi pa sa akin. "Pwede ko bang malaman kung naging honors ka rin sa dati mong school?"

"Hmm. Hindi. Kamuntikan lang noong Grade 9 ako. Kaso huli na nang malaman nang teachers na nakapasa ang grades ko para maging with honors."

"Paanong huli?"

"Running for honors ako nun tapos akala ng teachers ko ay hindi aabot ang general average ko kaya hindi na lang muna itinuloy ang pag-compute nung sa akin. Medyo nagmamadali na rin kasi noon ang adviser namin. Tapos nung kinabukasan na ang awarding event, dun lang natapos ang pag-compute sa grades ng buong section namin. Doon lang din nalaman na umabot pala ang grades ko. Yun lang naman," kwento ko.

"Sa ibang grade level?"

Umiling ako. "Sa katunayan nga ay may tig-isang line of 7 ako noong Grade 7 at Grade 8 ako. Eh yung teachers ko kasi that time, requirement nila sa amin ay mag-recite. Eh hindi naman ako nagre-recite na simula nung may maranasan ak noong Grade 6."

Biglang inilapit ni Maria ang upuan niya sa akin. "Wait. Anong nangyari nung Grade 6 ka? Nakakatakot? Nakaka-trauma kung kaya hindi ka na nagre-recite?" Curious niyang tanong sa akin.

Natawa ako sa reaction niya. "Ah basta. Nagre-recite naman ako diba? Pero sa tuwing tinatawag lang ako ng teacher ko."

Tumango siya. "Kwento mo na sa akin ang nangyari nung Grade 6 ka."

"Wag na."

"Aish. Ikwento mo na lang sa akin kung gusto mo na. Para kung ano man iyan ay mabawasan ang bigat sa pakiramdam mo."

Ngumiti lang ako.

"Nung Grade 10 ka? Ano naman?" Tanong niya.

"Wala. Sakto lang na nagco-comply lang ako ng mga gawain ko at sakto lang na pumapasa. Wala pa sa isip ko na magseryoso sa pag-aaral. Basta. Parang wala lang sa akin noon ang pag-aaral. Iba ako noong junior high at ngayon. Ngayon lang naman ako nagka-interes talaga sa pag-i-study."

Napatango siya. "Ah. Baka dahil iyan kay Dominic? Yiee," pabulong niya sa akin.

"Psh. Hindi naman siguro."

Palihim pa niyang sinundot ang tagiliran ko gamit ang ballpen niya. "Yiee. Kwentohan mo naman ako tungkol sa inyo. Wag mo lang i-mention pangalan niya para hindi mahalata ng kaklase natin."

"Ano ka ba. Wala."

"Hindi pa kayo?"

Agad akong umiling.

"Aish. Kailan pa kasi magiging kayo? Matatapos na lang itong school year."

Napangiti na lang ako sa kaniya.

***

Kinagabihan, nagka-video call kami ni papa. Nag-aalangan nga ako nung una kung sasabihin ko kina mama't papa na with honors ako. Pero sinabi ko rin sa huli.

"Talaga, nak? Ang galing naman," nakangiting sabi ni papa sa kabilang linya at napapalakpak pa. "Ang galing ng unica hija natin, mahal. With honors para sa buong school year," aniya kay mama.

"Congratulatiuons, nak," sabi ni mama.

"Ano gusto mo, nak? Bagong cellphone? Damit?" Masayang tanong ni papa.

Nakangiti akong umiling. "Wala, pa."

"Ayts. Meron 'yan. Sabihin mo na. Proud ang papa mo e."

Umiling lang ulit ako.

Hindi ko man sabihin mismo sa mga bibig ko, sobrang saya ko na makita ang mga magulang ko na ganito kasaya. Yep. Deep inside, sobrang saya ko. Sobra. Hindi man nila hinihiling sa akin na maging with honors ako, nagawa ko pa rin.

Naaalala ko pa na sinabi ko kina mama noon na baka hindi ko ma-maintain ang grades ko.

*****

Okras and SpecialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon