Chapter 45

736 23 1
                                    

Papunta na kami ngayon sa classroom namin. Tapos na ang pag-a-announce ng mga nanalo sa mga activities at saktong alas-dose na ng hapon. Dahil tapos na ang event, magsisiuwi na kami. Kaya lang naman papunta sa classroom ang mga kaklase ko ay dahil kukunin lang nila ang mga bag nila na iniwan nila. Ako naman, nagbabakasakaling makita ko si Ashley sa classroom nila para kunin ko ang uniform ko. Hindi ko kasi siya nakita kanina sa quadrangle.

Habang naglalakad patungo sa classroom, inaasar ni Joel si Julie Ann dahil sa paos ito. Tuwang-tuwa naman ang ilan kong kaklase. Habang ako, nag-iisip na kong paano ko maa-approach si Ashley para makuha ko ang uniform ko.

Hanggang sa nakarating na kami sa classroom namin. Deritso sa loob ang mga kaklase ko para kunin ang mga bag nila sa loob. Samantala ako, nanatili lang sa lobby at palihim na nagmamasid sa may pinto ng Special Section. Nakasarado kasi ito. At saka baka nasa loob ang ilang taga-Special Section. Bigla kasing umalis kanina ang mga taga-Special Section nang i-announce ang panalo sa zumba. Syempre, talo kaming Grade 11.

Sinabi kasi kanina sa anunsyo na ang nakapag-patalo sa zumba naming Grade 11 ay dahil sa apat na babae na sumayaw na hindi na umayon sa zumba namin. At paniguradong ang tinutukoy nila ay sina Julie Ann, Rose Ann, Carolyn, at Megan iyon. Sila lang naman kasi ang sumayaw na hindi na ayon sa practice ng zumba namin. Aamin ako, nakakahiya talaga ang zumba namin.

"Asan bag mo, Trisha?"

Bigla akong napalingon sa nagsalita. Si Nancy pala. Dala-dala na niya ang bag niya.

"Ah. Wala akong dalang bag."

"Ganun ba? Oh sige. Tara na."

"Huh? Saan?" Taka kong tanong.

"Ano ka ba? Uuwi na tayo."

Aish. Ano ba naman 'tong sarili ko. Parang shunga.

"Ahm... ano... mauna na kayo," sabi ko.

"Huh? Bakit?" Tanong ni Nancy.

"Ano kasi... may hinihintay ako." Ayan na. Lumalakas na ang tibok ng puso ko! Feeling ko kasi nagsisinungaling na naman ako ngayon.

"Hinihintay?"

"O-oo. May hinihintay akong kaibigan."

"Pero sasarhan na ni Martina ang mga pinto ng classroom," sabay turo ni Nancy kay Martina na abala na sa pagsasara ng pinto.

"Ayos lang. Dito lang naman ako sa lobby eh."

"Sure?"

Tumango ako.

"Oh sige. Ingat ka."

Napangiti ako. "Ikaw rin."

Tila nakahinga ako nang hindi niya itinanong kung sinong kaibigan ang hinihintay ko. Paniguradong maloloko ako sa kakaisip ng pangalan. Paniguradong magkakagulo kapag malaman nila na may kakausapin akong taga-Special Section.

"Tapos ka na ba diyan, Martina?" Tanong ni Nancy.

"Yup. Tara na."

"Oh sige. Mauna na kami," paalam sa akin ni Nancy.

Tumango lang ako. At umalis na sila kasama ang iba naming kaklase.

Naiwan akong mag-isa rito. May nakikita naman akong ibang estudyante na pauwi na kaso kakaunti na lang.

Lumapit ako sa pinto ng Special Section. Hindi ko alam kung may tao ba sa loob ng room nila. Pero kailangan ko talagang makuha ang uniform ko! Lalo na ang school shoes ko! Wala akong maisusuot na school shoes sa Lunes kapag hindi ko nakuha ngayon.

Lakas loob akong kumatok sa pinto ng Special Section. Hinintay ko na bumukas ang pinto. Umulit ako sa pagkatok. Kaso ilang segundo ang lumipas, hindi bumukas ang pinto.

Okay. Mukhang walang tao. Malas ko. Hindi ko makukuha ang uniform ko nito.

Saktong tatalikod na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Pagkalingon ko kung sino ang nagbukas, si Dominic.

Shemay! Ba't siya? Ang awkward.

"Bakit?" Seryuso niyang tanong sa akin.

Hindi ako nakapagsalita. Nakatitig lang ako sa kaniya.

Tumikhim siya bigla. Doon na ako natauhan.

Hala! Bakit bigla lang akong nakatitig sa kaniya. Baka kung anong isipin niya! Kakahiya!

"A-ano... na-nandiyan ba si Ashley?" Utal kong tanong.

"Wala. Hindi siya pumasok ngayon."

Ano?! Malas! Malas! Malas!

"Pero may iniwan ba siya diyan na u-uniform? Sapatos?" Kinakabahan kong tanong kay Dominic.

"Wala," agad niyang sagot.

Talagang malas!! My gash!

Alam ko na kita na sa mukha ko ang kaba. Malas!

"Yung uniform mo ba na hiniram ni Ashley?"

Napatango ako.

Napalingon si Dominic sa loob bg classroom nila. "Wala siyang iniwan na uniform dito. Kaya malamang, dinala niya sa kanila."

Nakisilip ako sa loob ng classroom nila. Kapansin-pansin na walang ibang tao rito sa loob ng classroom nila maliban kay Dominic. Kaso walang may nahahagip na uniform ang mga mata ko.

Gusto ko umiyak!

Mabuti na lang at may isa pa akong pares ng uniform sa bahay. Kaso yung school shoes ko. Isang pares lang kasi ang meron ako at na kay Ashley pa. Gusto kong umiyak!

Umatras na lang ako pabalik sa labas ng classroom.

"Sige. Salamat na lang," nanlulumo kong sabi at nakayuko pa.

Medyo natagalan si Dominic na magsalita. Pero wala na akong pakialam kung magsasalita pa ba siya o hindi. Basta ang gusto ko ngayon ay ang uniform ko!

Aalis na sa sana ako nang marinig ko si Dominic na nagsalita.

"S'ya nga pala."

Bigla akong napatingin sa kaniya. Seryuso lang siyang nakatingin sa akin.

"Diba crush mo si----" bigla siyang natigilan sa pagsasalita.

Ako naman, nakatingin lang sa kaniya. Mga ilang segundo pa ang lumipas, para siyang natauhan.

"Nevermind," mabilis niyang sabi at sinarhan ako ng pinto.

Hala. Ano 'yun?

Nanatili muna akong nakatitig sa saradong pinto. Iniisip ko kung anong posibleng gustong sabihin ni Dominic. At ilang segundo pa, bigla akong napatampal sa noo ko nang may ma-realize ako.

Paniguradong ang gusto niyang sabihin ay ang 'crush ko si Enrico'. Naalala ko kasi na nabunggo ko siya noong nakaraang gabi sa quadrangle at naririnig niya ang sigaw ng mga kaklase ko na 'crush ko raw si Enrico'. Shemay! Naalala ni Dominic iyon!

Sobra-sobra ang malas ko ngayong araw! Sobra-sobra rin ang kahihiyan ko ngayong linggo!

Ayoko na!

Patakbo akong umalis sa tapat ng pinto ng Special Section. Argh!

Nakakahiya! Sobrang nakakahiya!

¤¤¤¤¤

Okras and SpecialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon