Chapter 98

477 24 4
                                    

Nanatili muna kaming top 15 dito sa quadrangle habang nagkaroon muna ng maikling message ang isang teacher.

"From our top 15, we will now announce the top 5," anunsiyo ng emcee.

Top 5 na. Siguradong-sigurado na ako rito na hindi ako madadala. Pagbabasehan kasi nila yung dami ng plastic bottles na nalikom ng section para sa part na 'to. Wala nga kaming naipasang plastic bottles kahit tatlong piraso lang.

"Kung kanina ay ang ating mga boys ang nauna, ngayon naman ay una nating i-a-announce ang girls."

Wala na akong nararamdamang kaba kahit kaunti. Alam ko naman na hindi ako madadala sa Top 5. Pero proud ako kasi nadala ako kahit sa Top 15.

Nagsimula na sa pagbanggit ng mga top 5. Binanggit na ang una, pangalawa, pangatlo, at ang pang-apat.

"At sino sa tingin ninyo ang bubuo sa Top 5?"

Kaniya-kaniya ng sigaw ng kanilang gusto ang mga manonood. Hanggang sa mayamaya lamang ay tila naging isa ang naging sigaw nila.

"Korea!"

"South Korea!"

Napangiti ako sa naririnig ko. Kaso madidismaya ko sila dahil hindi naman ako madadala.

"Spain," banggit ng emcee.

Tila natahimik muna ng ilang sandali ang mga manonood pero agad naman silang nakabawi at pumalakpak.

Pagkatapos makumpirma ang Top 5 sa amin, umalis na kami sa center at nagkaniya-kaniya na kung saan kami pupunta.

"Psst! Trisha!"

Napalingon ako sa tumatawag sa akin. At doon ko lang sila nakita. Ang mga kaklase ko at ang Special Section. Magkakasama sila?

Agad akong lumapit sa kanila.

"Trisha! My gosh!" Agad akong yinakap ni Ashley pagkalapit ko sa kanila. "Sayang! Hindi ka nadala sa Top 5! Ikaw pa naman bet ng mga manonood!" Aniya nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

"Oo nga! Bobo kasi mga kaklase niya. Hindi nagdala ng mga plastic bottles," ani Megan. Bakas sa boses niya ang pagkairita.

"Tss. Bobo na kami kung bobo. Wala ka nang magagawa dahil tapos na," ani Rose Ann.

Pagkatapos ay nagkatinginan silang dalawa. Masasamang tinginan.

"Jonel, si Trisha ang paupuin mo diyan," ani Ashley.

"Ay sorry," tumayo si Jonel mula sa pagkakaupo sa isang monobloc chair. "Upo ka rito, Trisha."

"Salamat." Saka ako umupo roon.

Nasa pagitan ako ng mga kaklase ko at sa Special Section. Medyo awkward dahil patuloy pa rin ang palitan ng masamang tingin sila Megan at Rose Ann.

"And now, the Top 5 for the boys are..."

Naging tahimik ang mga manonood.

"South Korea"

"My gosh!"

"Wooooh!"

Tuwang-tuwa ang buong Special Section nang mag-step forward na si Dominic. Napangiti ako. Kaso naalala ko bigla ang mga kaklase ko. Kaya pasimple akong napalingon sa kanila. At sumalubong sa akin ang masamang tingin ni Rose Ann. Napawi ang ngiti ko at simpleng pumalakpak na lamang.

"Kita niyo na, mga Okra? Kung nag-effort kayo nagmadala ng mga plastic bottles para kay Trisha, baka dalawa pa sila Dominic ang nasa Top 5 ngayon!" Sisi bigla ni Eugene sa mga kaklase ko.

Okras and Specialsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें