Chapter 160

182 13 0
                                    

Palapit na ng palapit sa amin. Natapos na magperform ang section Upo at Sitaw. Kasalukuyang nagpeperform ang Section Sigarilyas kaya tumayo na kami mula sa aming pagkakaupo upang maghanda.

Kinakabahan na ako. Huminga ako ng malalim para kahit papaano ay mabawas-bawasan ang kaba ko.

Nagpalakpakan ang mga manonood nang matapos ang performance ng Section Sigarilyas.

"Relax lang tayo, guys. Relax," sabi sa amin ni Regine.

Nakikita ko na kinakabahan ang mga kaklase ko.

"At atin namang tunghayan ang HUMSS 5 Okra!"

"Uy tara na," sabi ni Rose Ann at saka kami pumunta sa gitna ng quadrangle.

Nasa amin na ang tingin ng lahat ng manonood at judges.

Pumwesto na kami para masimulan na ang aming sayaw. Nakita namin si Wilmar na nakatayo malapit sa mga judge. Isa siya sa mga manonood. Sumenyas siya sa amin na ngumiti raw kami. Nakita ko naman na ngumiti ang mga kaklase ko. Ako naman, pilit na ngumiti.

Mayamaya lang ay nagsimula nang tumugtog at nagsimula na rin kaming sumayaw. Sa una, with energy at feel na feel ko ang cheerdance namin. Ngunit napansin ko pagkatagal-tagal na parang naging wala lang sa mga kaklase ko ang pagsasayaw----yung parang sumasayaw lang pero walang masyadong energy at hindi feel. Tila nahawa rin ako sa kanila.

Tila hindi ko na kayang ngumiti. Parang wala na ako sa mood.

Bigla kong nabitawan ang isa kong pom-pom nang tumama ang tuhod ko sa isang maliit na bato nang lumuhod kami. May part kasi sa sayaw namin na lumuluhod ang ilan kung saan kasama ako. Pero hindi na ako nag-abala pa na kunin ang nahulog kong pom-pom. Medyo nahirapan nga lang ako sa pagtayo dahil ang sakit ng tuhod ko. Ngunit kailangan lang na magpatuloy at kunwaring walang nangyari.

Feeling ko ay nakayapak kami dahil wala kaming suot na sapatos at tanging medyas lang.

Hanggang sa tuluyang natapos ang cheerdance namin na walang energy. Kahit papaano ay may pumalakpak pa rin sa amin.

At doon na nagtapos ang program kaya agad na kaming bumalik sa classroom namin.

"Uy. Anong nangyari sa inyo? Ang seryoso niyo," bungad sa amin ni Wilmar sa classroom. Nauna na pala siyang dumating dito. "Maayos ang pagkaka-execute niyo sa mga itinuro kong steps pero hindi kayo ngumingiti. Wala ring energy. Anong nangyari?"

Nagkatinginan kaming magkakaklase. Tila hanggang ngayon ay wala pa rin kaming energy.

"Eh parang nawalan na kami ng gana. Hindi ko alam. Basta nalaman ko na lang na kailangan ko lang sumayaw," sagot ni Claire. Ganun din ang sinabi ng ilan pa naming kaklase.

Ako naman, nahawa lang ako sa kanila. Hindi ko kasi maiwasang mahawa sa kanila.

"Hay naku. Sinabihan ko na kayo na ngiti lang kayo," ani Wilmar.

"Hayaan mo na. Tapos na yun. Basta ang mahalaga ay naka-perform na kami," sabi ni Rose Ann at sinang-ayunan naman ng mga kaklase ko.

Nagpasalamat din kami kami kay Wilmar dahil sa pagtya-tyaga na turuan kami. May inabot kaming amount sa kaniya bilang bayad which is isa iyon sa pinag-ambag-ambagan namin. Pero tumanggi siya. Ang alam niya kasi ay tutulong lang siya sa amin. At ang tulong daw ay hindi nangangailangan ng kapalit na kahit na ano. Tsaka alam niya raw na marami kaming gastusin kaya gusto niya gamitin na lang muna namin iyon sa iba.

Hindi tuloy mapigilan ng ilan kong kaklase na maging emosyonal. Nagsisisi na nga kami dahil hindi namin inayos ang performance namin kanina. So, yun nga. Nasa huli ang pagsisisi.

Okras and SpecialsOnde histórias criam vida. Descubra agora