Chapter 25

807 27 0
                                    

Hapon na. Second period na ngayon. 21st Century Literature na ang subject namin ngayon.

'Yung kanina sa canteen? Matapos namin kumain doon, eh di balik agad dito sa classroom namin.

"Okay. Bago ako magpa-dismiss sa inyo, may ibibigay akongassignment sa inyo," sabi ni Ma'am Joy Bueno na nakatayo sa aming harapan. "Kailangan niyo lang maipakilala ang mga magulang ninyo--- I mean, ilalahad ninyo bukas kung anong trabaho ng nanay at tatay niyo, aalamin kung paano ang pamumuhay nila noong mga bata pa sila, mga ganun. So, kailangan niyo silang makausap mamaya."

"Eh? Bakit pa kailangan ng ganoon, Ma'am Bueno?" Takang tanong ni Arnold.

"Dahil gusto ko na maikumpara kung paano namumuhay ang mga magulang niyo noong kabataan nila at kung ano ang pamumuhay niyo ngayon," ani ma'am.

"Eh kung research na lang namin ma'am kung paano sila namumuhay noon. Kesa naman sa kakausapin ko pa si papa. Hindi kami close papa," sabi naman ni John Rey na may pa hand gestures pa na kalimitang hobby ng mga bakla.

"Yun nga ang point ko," mabilis na sabi ni Ma'am Bueno. "Kaya ko gusto na makausap niyo ang mga magulang niyo sa assignment na ito dahil gusto ko na magkaroon din kayo ng time na makausap ang mga magulang niyo. Alam ko na may mga estudyante rito na hindi close sa mga magulang nila. May ilan naman na sadyang nawawalan ng oras na maka-bonding ang mga magulang kasi busy dito sa school. Kaya sa pamamagitan ng assignment na ito, magkakaroon kayo ng time na makakwentohan ang mga magulang ninyo at maka-bonding. Alam niyo kasi class, nakakapawi ng pagod kapag nakaka-bonding niyo magulang niyo. Saka gusto ko na kahit medyo busy man kayo sa school, dapat may time rin kayo na makakwentohan magulang ninyo," paliwanag ni ma'am.

"Eh paano, ma'am kung hindi po lumaki sa totoong magulang. Tapos hindi rin po kasama mga magulang? Sa lola ko lang po ako lumaki eh. Hindi ko na masyadong nakilala mga magulang ko," ani Angelica.

"Hmm... Pwedeng ang lola mo na lang ang ipakilala mo bukas---i-di-discuss mo lang kung paano ang pamumuhay nila noong bata pa siya tapos ikukumpara mo sa kung paano ka namumuhay ngayon."

Napatango si Angelica. "Sige po, ma'am."

"Oh. May tanong pa ba kayo?" Tanong ni ma'am sa amin.

Nag-hands up naman si Rose Ann. "Ma'am, isusulat pa po ba namin 'yang assignment namin?"

"Hindi na kailangan. Ire-recite niyo lang bukas dito sa harap. Tapos ako na magbibigay ng points sa inyo."

Tunango si Rose Ann.

"May tanong pa ba kayo?"

"Wala na po, ma'am," halos sabay-sabay naming sagot.

"Kung ganoon, sige. That's all for today. May next subject pa ba kayo?"

"Meron po, ma'am," sagot ni Rose Ann.

"Ah. Okay. Huwag kayong maingay. Hintayin niyo na lang ang teacher niyo sa next subject," bilin ni ma'am at lumabas na ng classroom.

Isinilid ko na ang notebook ko sa 21st Century Literature sa bag ko.

"Hindi naman gaano kabigat ang mga homeworks natin sa mga subject no?" Rinig kong saad ni Pauline.

"Oo nga. Sabi nila, nakaka-stress ang pagiging senior high. Pero parang hindi naman," pagsang-ayon naman ni Nancy.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko sa bulsa ko. Binuksan ko ang data connection ng cellphone ko para makapag-Facebook ako. Wala pa naman si Ma'am Jenn na teacher namin sa Earth and Life Science na sunod naming subject.

Mga ilang minuto pa lang akong nag-e-scroll sa Facebook nang biglang magsalita si Nancy.

"Uy. Si Enrico."

Okras and SpecialsМесто, где живут истории. Откройте их для себя