Chapter 112

450 24 0
                                    

Weekends.

"Hindi muna ako makakauwi riyan. Alam niyo naman na kung kailan mas gusto naming makauwi, eh mas kailangan naman kami rito," malungkot na sabi sa amin ni papa na ka-video call namin ngayon.

"Ayos lang 'yan, mahal. Basta ingat ka riyan palagi," ani mama.

Ngumiti si papa. "Kayo rin. Ingat kayo riyan. At ikaw naman, Trisha, kailan nga ulit yung Christmas party ninyo?"

"Ngayong paparating na Thursday po."

"Nabigay mo na ba yung ambag mong pera sa treasurer niyo?"

"Opo, pa."

"Mabuti naman kung ganun. Enjoy sa Christmas party niyo, nak."

Ngumiti ako. "Opo."

Nag-ready na rin ako ng i-e-exchange gift ko. Nahirapan nga akong mag-isip kong anong i-e-exchange gift. Tapos parang nag-aalangan naman ako ngayon sa nabili ko. Black T-shirt kasi ang napili ko. Sa size na kinuha ko, marami sa mga kaklase ko ang magkakasya. Pero pinoproblema ko ngayon ay kung paano kung si Niño pala ang mabunot na pagbibigyan ko? Panigurado rin kasi na hindi ito magkakasya. Aish!

***

Nagdaan ang araw ng Lunes na napaka-normal day lang. Hindi na rin kami nagbalak na mag-decorate ng classroom namin. Ayon pa kay Rose Ann, wala naman talagang interes ang karamihan sa amin at baka hindi pa maayos yang decorate-decorate na 'yan.

At ngayon naman ay araw ng Martes.

Recess time.

"Hep! Hep! Wala munang lalabas ng room," pigil ni Rose Ann sa mga kaklase naming papalabas na sana ng room dahil nag-ring na ang bell na hudyat na recess time na.

"Aish. Nagugutom na ako eh," reklamo ni Niño.

"Huwag ka munang mareklamo. Hindi ka pa naman papayat kung hindi ka kaagad makapag-recess," ani Rose Ann.

"Hmp!" Padabog na naupo sa kaniyang upuan si Niño.

"Ngayon ang deadline para sa ambag niyo para sa Christmas party. So, asan na?" Tanong ni Rose Ann.

Walang may nasalita.

"Hindi pa nangangalahati ang nag-bigay. So, asan na ang iba?"

"Pwedeng mamaya na lang after lunch? Nakalimutan ko kasi," ani Claire.

"Pwede. Pero siguruhin mong hindi mo makakalimutan mamaya," ani Rose Ann. "Tapos sa iba naman na hindi pa nakakapagbigay, pakiusap lang, magbigay na kayo mamaya."

Pagkatapos ay binasa niya ang listahan niya ng mga nagbigay na. At isa ako roon.

"Oh. Basta humabol kayo mamaya. Naku. Paghindi kayo magbigay, hindi kasali sa kainan sa araw ng party," ani Rose Ann. "Pwede na kayong mag-recess."

"Hindi na ako mag-re-recess. Nawalan na ako ng gana," patampong sabi ni Niño.

"Eh di 'wag. Pake ko." Tinarayan lang siya ni Rose Ann.

Inaya ko si Maria na pumuntang canteen dahil nakakaramdam na ako ng gutom. Kaso hindi muna niya ako masasamahan dahil babasahin niya muna yung bagong update sa isang story na inaabangan niya sa wattpad. Kaya mag-isa akong pumunta sa canteen. May ilan naman akong mga kaklase na pumunta sa canteen pero hindi ako sumabay sa kanila dahil ma-out of place lang ako sa kanila.

Pagkarating ko sa canteen, marami ng mga estudyante. Pero pumila pa rin ako. Nagugutom ako eh. Kumain naman ako kanina bago pumasok kaso talagang ginutom lang talaga ako ngayon.

Habang nakapila ako rito, nakita ko si Dominic na nasa unahan. Pumipila rin siya para makabili ng pagkain.

Nang makabili na siya at papalabas na ng canteen, hindi ako tumingin sa kaniya. Kunwari hindi ko siya nakita magmula kanina. Hinintay ko na lang na ako na akg sumunod sa counter.

At nang makabili na ako, deritso sa labas. Ngunit natigilan ako nang sumalubong sa akin si Dominic.

Shemay!

"Para kang nakakita ng multo," komento niya.

"A-ahm... M-May hinihintay ka?"

Tumango siya. "Ikaw."

Shems. Nakita niya talaga ako kanina.

"Ba-Bakit?"

"Hmm... Wala lang. Gusto lang kitang hintayin," aniya. "Tara na."

"Ha?"

"Sabay na tayong bumalik sa mga room natin."

Hindi ako nakapagsalita. Shems. Pa'no kung makita kami ng mga kaklase ko? Pagagalitan na naman ako ng mga nun.

Napangiti siya sa akin. "Iniisip mo ba na baka makita tayo ng mga kaklase mo?"

Napatango ako.

Nagpalinga-linga muna siya. "May nakita nga akong kaklase mo rito kanina. Pero mukhang bumalik na agad sa inyo. Tapos may isa pa akong nakita pero hindi ko alam kung saan na yun napunta."

Kinakabahan na tuloy ako. Huhuhu.

"Tara na. Ako na ang bahala kung makita man tayo ng mga kaklase mo," nakangiti niyang sabi.

Aish.

"S-Sige," napipilitan kong sabi.

At yun na nga. Nagkasabay nga kami. Pero syempre, kabadong-kabado ako. Baka nandiyan lang sa paligid ang mga kaklase ko.

Habang naglalakad, napalingon ako bigla kay Dominic. Naabutan ko siyang nakatingin sa akin. Nginitian niya ako. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kaniya. Parang naging awkward bigla.

Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad. Pero nararamdaman ko ang mga tingin niya sa akin. Kaya nagiging awkward dahil sa mga tingin niya eh.

Pero nang malapit na kami sa classroom, bigla siyang huminto sa paglalakad kaya napahinto rin ako.

"Mauna ka na," aniya.

Napakunot naman ako ng noo ko. Pero mayamaya lang ay naintindihan ko na kung bakit niya gustong mauna na ako. Ayaw niyang makita kami ng mga kaklase ko na magkasama.

Tumango na lang ako. "Sige. Mauna na ako."

Tumango siya. Saka na ako dumeritso sa classroom. Pagkaupo sa seat ko, saktong dumaan na siya sa lobby. Ngunit pasimple siyang lumingon sa gawi ko hanggang sa makalampas na siya.

Nilingon ko ang mga kaklase ko. Parang wala lang naman sila. Tila hindi nga nila napansin eh.

Bahagya akong napangiti nang maalala ko ang paglalakad namin ni Dominic. Para akong shunga kanina. Haays.

Kinain ko na lang ang binili kong pagkain na binili ko kanina sa canteen.

°°°°°

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now