Chapter 28

786 30 0
                                    

Kasalukuyan kaming naghihintay kay Ma'am Bueno. Hindi pa kasi siya dumadating. Kaya ang mga kaklase ko, nag-iingay. Sana hindi naman pumunta rito ang mga taga-Special dahil sa ingay ng mga kaklase ko.

Wala akong magawa. Hindi ko naman masakyan ang usapan nila Pauline at Nancy dahil hindi ko relate. Puro crush-crush usapan nila. Si Maria naman, nagbabasa sa cellphone niya sa wattpad ng mga horror stories. Ako naman, lowbat ang cellphone ko. Kaya ang boring.

Kinuha ko na lang ang notes ko sa Earth and Life Science dahil may quiz kami mamaya. Mas mabuti pa ang mag-review na lang para may maisagot ako mamaya.

Habang nagbabasa, rinig na rinig ko ang ingay ng mga kaklase ko. Kaya halos nakakailang ulit ko munang babasahin ang isang sentence para lang maintindihan.

"Nandito na si ma'am!" Rinig kong biglang sigaw ni Mark.

Agad akong napalingon sa pintuan sa may harap. Mabulis na tumakbo si Mark galing sa pintuan patungong upuan niya. At agad siyang umupo. Nagsi-upo naman agad ng maayos ang mga kaklase ko kasama na ako.

Mga ilang segundo pa, may tatlong estudyanteng senior high ang dumating at mukhang galing sila sa kabilang room which is Special Section. Pumasok silang tatlo.

Nagtaka ako. Akala ko ba si ma'am?

"Mark, asan si ma'am?" Tanong ni Rose Ann.

"Ah. Hehe. Mali pala 'yung naisigaw ko kanina. Mga SSG officers pala. Sorry," at napa-peace sign pa si Mark kay Rose Ann.

Napasimangot naman si Rose Ann. "Eh kung sapakin kaya kita? Fake news pala."

"Haay. Parang love. Akala mo siya na, yun pala hindi. In short, paasa," biglabg hugot ni Jane.

Napatawa ang iba kong kaklase. Napangiti naman ako.

"Ano ba naman kayo? May SSG sa harap tapos maghuhugotan pa kayo," inis na sabi ni Claire.

"Wew. Bitter ka lang," ani Niño.

Napatawa naman ang mga kaklase ko.

"Uhm... Excuse me," nag-aalangang sabi ng babae na isa sa sinasabing SSG officers.

Dalawa kasi ang lalaki at isa ang babae. May hawak na mga papel at ballpen ang babae.

Mabuti na lang at nagsitahimik ang mga kaklase ko agad.

"Sino sa inyo rito ang nais na sumali sa Mr. & Ms. Granpaul NHS?" Tanong nung unang lalaking SSG officers.

Ah! Sila na ata yung sinasabi kanina sa announcement ng principal na mga maglilibot na mga SSG officers para sa paglilista kung sino-sino ang nais sumali sa Mr. & Ms. Granpaul NHS.

"Ah e. Pwede po bang magtanong?" Tanong ni Rose Ann.

"Yes po," magalang na sagot ng babaeng SSG officer.

"Sino-sino na po 'yung mga nagpalista na sa Grade 11? Pwede po bang makita?" Tanong ni Rose Ann.

"Sure," ani nung babaeng SSG officer. "Sino secretary niyo rito?"

"Si Trisha," agad na sagot ni Rose Ann.

"Asan siya?"

Nag-hands up ako.

"Ikaw na humawak. Kung may sakaling magpalista, isulat mo pangalan nila diyan," sabi nung babaeng SSG officer. "Heto ang list para sa Grade 11."

Tumayo ako. Lumapit ako doon sa babaeng SSG officers at kinuha ang list ng mga nagpalista na.

Agad namang nagsilapit sa akin ang mga kaklase ko upang makitingin sa list.

Isa lang ang nakalista sa mga babae para sa Ms. Granpaul NHS. Si Ashley Roxas. At nang makita namin ang section na nakasulat na nasa tabi ng pangalan, taga-Special siya.

Okras and SpecialsOnde histórias criam vida. Descubra agora