Chapter 48

692 22 0
                                    

"Haay. Easy-easy lang naman ang senior high. Hindi naman tayo ganoon ka busy gaya nung sinasabi nila na nakaka-stress daw ang pagiging senior high student," biglang saad ni Nancy habang nagse-selfie.

"Huwag tayong masyadong pakampante ngayon. Tandaan niyo na hindi pa nga tayo nag-e-exam para sa mid-term ngayong first semester. Malay niyo, sa second semester ang mas maraming activities ang mayroon tayo," sabi ko.

"Kung sa bagay," ani Nancy at patuloy lang sa pag-take ng selfie habang naglalakad.

"Tama na nga 'yang kaka-selfie mo. Hindi ka na ba nagsasawa sa kaka-take ng mga selfie mo? Saka tumingin ka nga sa dinadaanan mo. Puro ka selfie," inis na saway ni Pauline.

Napasimangot na lang si Nancy at ibinulsa ang cellphone niya.

Kasalukuyan kaming papunta sa canteen. Inutusan kasi ako ni Ma'am Herlinda na pumunta sa canteen para makahiram ng ilang kitchen utensils para sa activity ng strand ng cookery bukas dahil kulang daw ang kagamitan ng mga cookery students. Hindi naman cookery teacher si Ma'am Herlinda. Pero nakiusap ang dapat na teacher ng cookery kay Ma'am Herlinda na kung pwede ay ihiram na lamang siya ng ilang gamit sa canteen dahil hindi siya nakapasok ngayong araw. Kaya ako ang nautusan naman ni Ma'am Herlinda dahil may tinatrabaho naman siya sa classroom ngayon.

Kaya lang naman kasama ko ngayon sina Nancy at Pauline ay dahil kusa lang silang sumama sa akin. Pero sense ko na tumatakas lang silang dalawa sa pagswe-sweep ngayong hapon bago magsi-uwian. Psh.

Nang makarating na kami sa canteen, napansin ko na hindi na ganoon karami ang mga estudyante rito. May mga nakikita naman akong mga estudyante na narito pero hindi ganoon karami kagaya tuwing recess na punuan.

Biglang huminto sa paglalakad sina Nancy at Pauline nang nasa pintuan na kami ng canteen. Napahinto rin ako lalo na't nasa unahan ko silang dalawa.

"Bakit kayo biglang huminto? May problema ba?" Tanong ko sa dalawa.

Nagkatinginan lang ang dalawa. Mayamaya lang, halos sabay pa silang humarap sa akin.

"Dito ka lang, Trisha," biglang saad ni Nancy.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Ha? Bakit?"

"Basta. Dito ka lang. Okay? Kami ng bahala ni Nancy na kumausap sa staff ng canteen," sagot ni Pauline habang si Nancy ay napatango lang.

Napakurap lang ako hanggang sa napatango na rin lang ako.

Nagkatinginan naman ulit silang dalawa at napangiting pareho. "Tara," aya nila sa isa't isa at sabay na pumasok sa centeen deritso sa may kusina kung saan ipine-prepare ang mga pagkain dito sa canteen.

Psh. Ano naman kaya ang pumasok sa isipan ng dalawang iyon?

Medyo tumabi ako dahil may dumaan na isang estudyante palabas ng canteen. Inilibot ko na lang ang paningin ko sa loob ng canteen habang nasa may pintuan habang hinihintay ko ang dalawa.

Napunta ang paningin ko sa isang lalaki na biglang tumayo mula sa pagkakaupo mula sa isang sulok ng table. Nakatalikod siya sa gawi ko. Iniligpit niya muna ang ilang notebook niya sa kaniyang bag at naiwan na lamang sa mesa ang kaniyang napagkainan.

Actually, pamilyar siya sa akin.

Hanggang sa isinukbit na ng lalaki ang kaniyang backpack sa kaniyang kanang balikat at napaharap na siya sa gawi ko. Bigla akong natigilan nang makilala ko na si Enrico pala iyon---ang crush ko!

Naalala ko bigla sina Pauline at Nancy. Aish! Ngayon ko na naintindihan ang kanilang mga kilos nila kanina. Psh. Kainis! Sinadya nila akong iwan dito dahil nakilala agad nila si Enrico na nakaupo roon!

Naglakad na si Enrico patungo sa gawi ko. Paniguradong palabas na siya ng canteen. Napaatras ako ng kunti kaya halos dumikit na ako sa pintuan nang malapit na si Enrico. Yumuko pa ako para hindi ako mapansin ni Enrico. Kaso bigla siyang huminto sa harapan ko.

"Trisha?" Banggit niya.

Napataas naman ako ng ulo ko upang maharap ko siya ng maayos. At hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Shemay!

Ngumiti naman siya sa akin. "Ikaw nga. Bakit ka nandito sa may pintuan? May hinihintay ka?" Tanong niya sa akin.

Napatango ako. "O-oo. K-kaklase ko," nauutal kong sagot.

Aish! Bakit ba kasi nagtanong siya sa akin? At bakit ba kasi ako nauutal?

Pero hindi ko talaga mapigilan ang ngiti ko sa kaniya.

Napatango siya. "Ahh."

Bigla kong naalala ang Mr. & Ms. Granpaul NHS.

"Ah! Congratulations nga pala," bigla kong sabi.

"Hmm? Para sa'n?"

"Doon sa pagkapanalo mo bilang Mr. Granpaul NHS."

"Ahh. Thank you," nakangiti niyang sabi.

Mas lalo pa akong napangiti.

Bakit hindi ko mapigilang ngumiti? Baka mag-mukha akong shunga nito.

Napatingin siya bigla sa kaniyang wrist watch. "S'ya nga pala. Mauna na ako," paalam niya.

Tumango ako.

Nang umalis na siya, nakangiti pa rin ako na parang asong ulol. Kinikilig ako.

"Haay. Kilig-kilig ka na niyan?"

Napalingon ako bigla sa nagsalita. Biglang napawi ang ngiti ko nang makita ko si Nancy. Nakangiti siya sa akin.

"Sinadya niyong iwan ako rito, tama?" Seryuso kong tanong kay Nancy.

Tumango siya habang nakangiti. "Syempre. Kaibigan ka namin kaya tutulungan ka namin sa crush mo," aniya at nagtaas baba pa ang kaniyang mga kilay.

Psh.

"Hey!" Napalingon naman kaming pareho ni Nancy kay Pauline.

"Ang sabi nila, okay na okay raw dahil marami naman ang kagamitan nila rito. Papuntahin na lang bukas ang mga taga-cookery dito ng maaga pa para kunin ang mga kailangan nila," ani Pauline.

Napa-thumbs up lang si Nancy kay Pauline.

"Oh sige. Tara na. 'Wag na tayong magtagal dito," sabi ko at mabilis na umalis na roon habang ang dalawa ay sumunod lang sa akin.

"Eh? Nagmamadali ka, Trisha? May lakad? May lakad?" Rinig kong tanong ni Pauline.

"Kinikilig ka lang eh," rinig kong sabi naman ni Nancy.

Napa-irap na lang ako sa hangin habang naglalakad.

Pero hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing naaalala ko si Enrico.

¤¤¤¤¤

Okras and SpecialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon