Chapter 35

755 24 0
                                    

"Ilagay mo lang yang bag mo diyan. Ayaw ng principal na may mga dala kayong bag sa parade dahil baka hindi na bumalik ang ilan sa inyo rito," ani Ma'am Herlinda.

"Yes, ma'am," sagot ko.

Agad kong inilagay sa upuan ang bag ko. Pagkatapos ay patakbo akong tumungo sa quadrangle. Dahil nasa quadrangle na ang mga estudyante ngayon kasama na ang mga kaklase ko. Tanging si Ma'am Herlinda na lang ang nasa classroom namin at mukhang isasara na niya ang mga pintuan para ma-secure ang mga gamit namin na nasa classroom.

Pagkarating ko sa quadrangle, naghahanda na ang mga band members para sa parade. Ang mga estudyante naman ay na pila na kagaya sa flag ceremony. Kaya agad akong naglakad tungo sa kung saan ang line ng section namin.

Medyo nakakalito kung asan na ang mga kaklase ko dahil sa dami ng estudyante. Lalo na't puro naka-blue lahat. Pero nakita rin naman sila. Agad akong lumapit sa kanila at pumunta sa hulihan.

"Wow! Ganda Trisha ngayon araw ah," komento ni Steven kaya napalingon ako agad sa kaniya.

Napalingon sa akin ang nga kaklase ko kaya nailang ako.

"Kahit simple lang ang suot mo, bagay na bagay sa 'yo. Ang cool mong tingnan," nakangiting komento ni Nancy na s'yang nasa unahan ko.

"S-salamat," halos pabulong kong sabi.

Ang suot ko lang naman ay blue t-shirt at high-waist jeans. Itinuck-in ko ang suot kong blue t-shirt sa jeans ko at nagsuot na rin ako ng belt na light color. Pinaresan na lang ng white na rubber shoes dahil yun lang naman ang meron ako. Tapos ay ini-lugay ko ang mahaba kong buhok.

"Magaya ko nga 'yang tuck-in style ni Trisha. Baka ma-appreciate ninyo ang beauty ko," ani John Rey.

Ita-tuck-in na sana ni John Rey ang blue t-shirt niya sa suot niyang denim pants nang bigla siyang hinampas sa braso ni Maria gamit ang mga palad nito.

"Ouch!" daing ni John Rey.

"Tumigil ka ngang bading ka. Beauty-beauty ka pang nalalaman," ani Mario.

"Eh bakit? Maganda naman ako ah? Mas maganda at sexy pa kesa kay Trisha."

Bigla akong napahawak sa bewang ko. Hindi ko alam kung bakit. Basta pagkarinig ko ng word na 'sexy' parang automatic na napahawak ako sa bewang ko.

"Oh sige. Maganda ka at sexy kung ihahambing ka sa unggoy!" Pang-aasar ni Mario kay John Rey.

Napatawa ang ilan kong kaklase.

"Ay aba! Tumahimik kang pandak ka! Pandak! Pandak!" Inis na sabi ni John Rey kay Mario.

Nagtawanan ang mga kaklase ko dahil sa naasar na rin si Mario. Napapatawa na rin ako habang pinagmamasdan sila John Rey at Mario na nag-aasaran.

Habang nakangiti dahil sa asaran nila John Rey at Mario, ini-ipit ko ang ilang buhok ko na napupunta sa may mukha ko at humaharang sa paningin ko sa likod ng aking tenga. Hanggang sa aksidente akong napatingin sa deriksyon ng mga taga-special.

Parang nag-slow motion ang paligid nang makita ko si Dominic. At ang malala, nakatingin siya sa akin ng seryuso. Nagkatagpo ang aming mga mata. Unti-unting nawala ang mga ngiti na nasa aking mga labi.

Naka-blue polo-shirt siya at naka-denim pants. Pinarisan niya naman ito ng white rubber shoes. Bagay sa kaniya ang suot niya.

Parang sobrang tagal naming nagkatitigan. At habang nakatingin ako sa kaniya, parang blangko ang isip ko.

"Picture nga tayo, Trishan."

Agad akong napaiwas ng tingin kay Dominic nang marinig ko ang boses ni Nancy. Napalingon na lang ako kay Nancy na nasa tabi ko na pala.

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now