Chapter 73

602 20 1
                                    

"Ano yung narinig ko?!"

Biglang nanahimik ang mga taga-Special Section dahil sa sigaw na iyon. Naimulat ko agad ang mga mata ko at tiningnan ko ang sumigaw. Syempre, sino pa ba kundi si Rose Ann.

Nakapamewang siya habang masama ang mga tingin sa mga taga-Special Section. Nasa likod naman niya ang iba kong kaklase.

Wala na. Kataposan na.

Nang makita ni Rose Ann na nakayakap si Ashley at nakahawak sa braso ko si Megan, agad siyang lumapit at hinigit ako palayo sa mga taga-Special Section. Kaso bigla naman akong hinawakan sa kabilang kamay ni Megan.

"Hoy, pandak! Saan mo naman hahatakin si Trisha?" Pataray na tanong ni Megan kay Rose Ann.

"Malamang sa classroom namin! Kaya bitawan mo siya!" Agad na tinampal ni Rose Ann ang kamay ni Megan na nakahawak sa kamay ko. "Mabuti na lang talaga na tumingin ako rito nang mag-ingay kayo. Mga bwesit," galit na sabi ni Rose Ann.

Napatingin naman siya kay Dominic. "At ikaw naman, Dominic! Tigil-tigilan mo 'yang pagkakagusto mo kay Trisha dahil hindi kayo bagay!" Napaturo pa si Rose Ann kay Dominic.

"Ay aba!" Biglang singit ni Megan. "Makapagsabi ka naman na hindi sila bagay ni Trisha, akala mo naman may mas babagay pa para kay Trisha!"

Pinandilatan siya ng mata ni Rose Ann. "Oo! Meron! Meron pang mas babagay kay Trisha!"

Napakunot ang noo ni Megan. "Wait... Parang may naalala ako. Yung si Enrico ba ang tinutukoy mo? Yung tinutukso niyo kay Trisha?"

Napangisi si Rose Ann. "Hindi lang namin tinutukso kay Trisha dahil crush iyon ni Trisha!"

Shemay! Pwede bang bumalik na ng classroom?

"Well, may sasabihin lang ako," singit ni Caroline. Napatingin siya sa akin. "Sorry, Trisha, pero hindi kayo bagay ni Enrico. Mas bagay kayo ni Dominic."

Hindi ako kumibo. Natatakot ako na sa kunting galaw ko lang ay baka magalit si Rose Ann sa akin.

"Wala kayong taste! Hindi sila bagay! Si Enrico ang nararapat kay Trisha!" Sigaw ni Rose Ann.

"Duh! Ikaw ang walang taste! Hindi sila bagay! Mas bagay si Trisha kay Dominic!" Sigaw ni Lucy.

"Aish! Kahit na anong sabihin ninyo, crush naman ni Trisha si Enrico!" Sa pagkakataong ito, sumali na si John Rey sa bangayan.

"Tama. Tama," napatango pa si Rose Ann.

"Ngunit ang tanong: crush ba siya ni Enrico?" Tanong ni Eugene.

Hala. Oo nga no? Crush ba---aish! Pake ko kung crush ba ako o hindi ni Enrico? Basta crush ko siya. Yun ang alam ko.

Hindi nakasagot ang mga kaklase ko.

"Oh kita niyo na? Hindi kayo makasagot kasi hindi niyo alam kung crush din ba siya ni Enrico. Kaya Trisha, i-crushback mo na lang si Dominic. Baka masaktan ka lang diyan kay Enrico," ani Ashley.

Ay grabe sila.

"Ay! Iyan ang hindi mo pwedeng gawin, Trisha!" Tutol ni Julie Ann. "Huwag na huwag mong i-cru-crushback ang Dominic na 'yan!"

"At bakit naman?" Tanong ni Megan.

"Kasi nga hindi sila bagay!" Sigaw ni Joel. "Mas bagay sila ni Enrico!"

"Hay naku! Ang sabihin niyo, bitter kayo kasi walang may nagkaka-crush sa inyo!" Sigaw naman ng isang lalaki na taga-Special Section. Hindi ko pa alam pangalan niya.

"Excuse me? Gusto momg isampal ko sa mukha mo ang listahan ng mga nanliligaw sa akin?" Inis na tanong ni Claire.

Napatawa si Megan. "Ang yabang mo, girl!"

"Hoy, hindi ako nagyayabang! Slight lang."

Okay na sana. Sumabit lang tayo doon sa panghuli.

"Ah basta! Dominic and Trisha kami!" Ani Ashley.

"Enrico and Trisha lang kami!" Ani Rose Ann.

"DoSha!" Sigaw ng mga taga-Special Section.

"Ang pangit! EnSha dapat!" Sigaw ng mga kaklase ko.

"Mas pangit! TriNic!"

"Kapapangit! Dapat TriCo!"

"DomiSha!"

"EnriSha!"

"TriMinic!"

"TriRico!"

"Ahh! Basta bagay si Dominic at Trisha!"

"Mas bagay si Enrico at Trisha!"

"Dominic!"

"Enrico!"

"Si Dominic ang bagay kay Trisha!"

"Hindi sila bagay! Enrico at Trisha pa rin!"

Nagsisigawan na ang mga taga-Special Section at ang mga kaklase ko. Sigawan na parang mga elementary. Nakakahiya na.

Habang nagsisigawan ang mga kaklase ko at taga-Special Section, napatingin ako kay Dominic. Nakatingin din siya sa akin. Napangiti siya nang mapatingin ako sa kaniya.

Teka. Bakit nagagawa pa niyang ngumiti sa kabila ng sigawan ng mga kaklase namin?

Parang temang.

Napaiwas na lang ako ng tingin sa kaniya.

"Uhm.. ta-tama na," awat ko sa dalawang grupo na patuloy na nagsisigawan.

Kaso hindi nila ako pinansin.

"Dominic nga sabi!"

"Enrico!"

"Aah!" Hanggang sa tuluyan na ngang nagpataasan ng sigaw ang dalawang grupo.

Sa totoo lang, pasakit na ng pasakit ang ulo ko sa sigaw nila.

"Class! Ano bang ingay iyan?!"

Biglang natigilan ang lahat nang marinig namin ang boses ni Ma'am Herlinda.

Hindi kami sumagot.

"Sagot." May diing sabi ni ma'am.

"Wa-wala po, ma'am," sagot ni Rose Ann.

"Wala pero nagsisigawan kayo. Para kayong mga elementary. Akala niyo ba maganda ang ginagawa niyo?" Bakas sa boses ni ma'am ang galit. "Specials, pumasok kayo sa classroom niyo. Okras, pasok sa classroom.

Agad naman na nagsipasok kaming lahat sa aming classroom. Ngunit bago ako tuluyang makapasok, napalingon muna ako kay Dominic na papasok na sa classroom nila. Nagkatinginan kami.

Kaso biglang pumagitan sa amin si Rose Ann at sinamaan niya ng tingin si Dominic hanggang sa tuluyan na nga kaming nakapasok sa classroom.

Iniisip ko na ngayon kung anong sunod na mangyayari sa mga kaklase ko at sa Special Section.

°°°°°

Okras and SpecialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon