Chapter 3

1.3K 52 2
                                    

Wednesday. The first third day of class.

Nadagdagan na ang section namin ng dalawa. Isa kahapon-Mario Solamo at isa ngayon-Steven Yu. Kaya 23 na kaming lahat.

Maayos naman ang pagtuturo sa amin ng mga teachers namin. Naiintindihan naman namin ang mga itinuturo ng guro namin. Well, madali lang naman siya. Pero baka ngayon lang yan madali dahil pagsisimula pa lang ng klase.

"Okay class, it's already time. That's all for the day. Goodbye", paalam ni Ma'am Leny Dagawin na teacher namin sa Empowerment Technology.

Nang makalabas na si ma'am sa classroom, agad na nagkanya-kanya na ang mga kaklase ko. May ilang pagkatapos na mailigpit ang kanilang mga gamit ay lumabas na ng classroom at ang ilan naman ay lumabas para bumili ng ulam nila.

Lunch break na kasi.

"Trisha, saan ka kakain?"

Napalingon ako bigla kay Maria na katabi ko sa right side ko.

"Dito lang sa room", sagot ko.

"Ganun ba? Dito na lang din ako kakain para sabay na tayo", aniya.

Tumango ako. Marami na ang naging kaibigan ko rito. Isa na dun si Maria. Mahinhin lang siya. Bagay na bagay sa pangalan niya.

Sabay na kaming kumain ni Maria. Medyo awkward pa para sakin ang makasabay ang classmate ko. Siguro dahil ilang araw pa lang kaming nagkakasama.

Pagkatapos naming kumain, nanatili lang kami sa classroom. Hanggang sa nagsidating ang ilan naming kaklase, nagsimula na kaming mag-sweep para maging presentable ang classroom namin sa mga susunod na subject namin ngayong araw. Kami na ni Maria ang nag-presenta na mag-walis habang ang iba naman ay mag-a-arrange ng upuan.

Abala ako sa pagwa-walis ng bigla na lang ako nakarinig ng nabasag na kung ano man.

"Oh my gosh!", sigaw ng isang boses babae.

Napatigil ako sa pagwawalis ganun din si Maria at napalingon pa kaming pareho sa may bintana-sa labas.

Nakita ko ang isang babaeng kasing edad ko na kung i-de-describe ko ang expression niya ngayon, na-shock siya. At nakatingin siya sa baba.

Kaharap niya ang isa kong kaklase. Kung hindi ako nagkakamali, siya si Julie Ann Lorzano. Shock din ang expression niya at tila nakatingin din siya sa tinitingnan nung isang babae.

Hanggang sa biglang napalitan ang expression nung babae ng tila galit. Ang talim ng mga tingin niya kay Julie Ann.

"Hoy babae!", biglang sigaw nung babae kay Julie Ann. "Tanga ka ba?! Ha?! Kailangan namin yan!", sigaw nung babae at may itinuro sa baba.

Automatic akong naglakad palabas ng classroom para makita ko kung ano ang tinutukoy nung babae. At nang makalabas na ako, nakita ko ang nagkalat na bubog sa sahig at may likido rin na kulay pula na nagkalat na rin sa sahig.

"Sorry. Hindi ko sinasadya", pag-so-sorry ni Julie Ann.

Napa-irap naman bigla yung babae. "Duh! Anong sorry?! Para yan sa experiment namin!"

Grabe naman siya. Pasalamat nga siya na nagsorry si Julie Ann eh. Magsasalita sana ako ng maunahan naman ako ng isa ko pang kaklase na lalaki.

Okras and SpecialsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin