Chapter 6

1K 44 0
                                    

Dumaan ang Sabado't Linggo ag heto na naman, Lunes na. May pasokan na naman.

Kasalukuyan kaming nasa quadrangle para sa flag ceremony. Pero bago magsimula ang ceremony, inayos muna kami. In-arrange na kung saang banda, kung sino ang mga katabi naming section sa line namin. Sinimulan ito sa Grade 7. Hanggang sa kami nang mga Grade 11.

"Ang makakatabi ng HUMSS 1 Kalabasa sa kanan ay HUMSS 2 Upo. Katabi naman ng HUMSS 2 Upo sa kanan ay HUMSS 3 Sitaw. Katabi naman ng HUMSS 3 Sitaw sa kanan ay HUMSS 4 Sigarilyas. Katabi naman ng HUMSS 4 Sigarilyas sa kanan ay HUMSS 5 Okra", anunsyo ng teacher sa stage.

Tumabi naman kami sa section sigarilyas. Mag-iba ang line ng babae at lalaki. Nasa kaliwa naming mga babae ang line ng lalaki.

"At ang makakatabi ng HUMSS 5 Okra sa kanan ay ang HUMSS Special."

"What?!", halos sabay-sabay ng mga kaklase ko kaya rinig na rinig sa buong quadrangle. Kita ko sa mga mukha nila na ayaw nila sa section na iyon. Pero para sakin, ayos lang. Wala naman akong atraso sa kanila.

"May problema ba HUMSS 5 Okra sa magiging katabi niyo?", tanong ng teacher sa stage.

Hindi na nakasagot ang mga kaklase ko. Lalo na't nasa tabi na namin ang special section. Halos lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa katabi naming section maliban sakin. Na-curious ako. Kaya napalingon ako sa kanan ko.

Laking gulat ko ng bumungad sa paningin ko ang mukha nung lalaki last Friday na naabutan ko sa room ng Special Section. At talagang magkatabi kami. Sakto pang nakatingin din siya sakin.

Pangatlo ako mula sa unahan. Ganun din siya sa line nila. Boys, girls, boys, girls, boys, girls kasi ang arrangement.

Napa-iwas na lang ako ng tingin.

"Aba. Talagang pinaglalapit tayo ng tadhana, okras", rinig naming sabi ng isang babae.

Kilala ko na ang boses na yan. Si Megan.

Napalingon ako sa gawi ng line ng mga babae ng special section. Nakita ko ang nakangiting si Megan habang nakatingin sa amin.

"Tss. Oo nga eh. Kakainis na! Pati ba naman dito, magkatabi tayo? Ewan ko lang hanggang sa katapusan ng klase kung hindi tayo magkasawaan sa pagkikita-kita", pagtataray ni Julie Ann--na nasa likod ko lang--kay Megan.

"Tss. Baka magkasakit pa nga ako niyan ng cancer ng dahil sa inyo", pagtataray rin ni Megan.

"Psh. Mabuti nga kahit sa susunod na buwan pa. At nang wala nang madaldal", rinig kong pabulong ni Julie Ann.

"Anong sabi mo?", tanong ni Megan kay Julie Ann.

"Sabi ko, manahimik na lang tayong dalawa. Magsisimula na ang flag ceremony."

"Psh."

Nang matapos na ang arrangement, nagsimula agad ang flag ceremony. Pagkatapos, ay deritso na kami sa mga classrooms namin. Pagkapasok namin sa classroom namin, napansin agad namin na may mga bagong nakapaskil sa pader dito sa loob ng classroom.

Napalapit kami ng mga kaklase ko roon at binasa namin ang nakapaskil. Yun pala, ito na pala ang class officers namin. At talagang umagaw sa atensiyon namin ay ang may nakasulat sa medyo malaki-laking letra na 'DAILY SWEEPERS'.

Okras and SpecialsOnde histórias criam vida. Descubra agora