Chapter 113

476 23 1
                                    

Wednesday.

Excited na ang marami para sa Christmas Party bukas. Marami na ngang um-absent ngayon. Hindi na nga pumasok pa ang nga teachers namin sa kanilang mga klase.

"Ano na?! Wala na bang magbibigay ng ambag?" Galit ka tanong ni Rose Ann. "Iilan lang ang nagbigay ng pera. Kaya huwag kayong umasa na may spaghetti tayo bukas! Huwag din kayong umasa na may salad tayo bukas. At sa mga hindi umambag, huwag kayong kumain bukas!"

"Ano?! No way!" Ani Niño.

"At ano namang no way-no way?! May ambag ka? Diba wala?!" Pinandilatan ni Rose Ann si Niño.

"Oo. Wala nga akong ambag para sa spaghetti, salad, at kung ano-ano pang pinag-usapan ninyo. Pero baka nakakalimutan mong may cake at fried chicken si ma'am?"

Napatawa ang ilan kong mga kaklase.

"Naku, Rose Ann. Mukhang hindi mo malulusutan si Niño basta pagkain ang usapan," natatawang komento ni Kevin.

Nagtawanan ang mga kaklase ko.

Napairap na lang si Rose Ann. "I-ready niyo na rin ang mga gift niyo para sa exchange gift natin bukas," pag-iiba niya ng usapan.

"Aysus! Ready na ready na yung gift ko."

"Mamaya pa lang ako maghahanap."

"Ibabalot ko na lang mamaya."

Ilan lang 'yan sa mga komento na narinig ko.

"Sana iPhone yung ibigay na gift sa makakabunot sa akin," ani Mark.

"Wow ha. Ang taas ng pangarap mo," ani Joel.

"Malay natin, magkatotoo."

"Sus. Baka yung box lang ng iPhone. HAHAHA."

Napailing na lang ako.

***

Thursday na. Christmas party na!

"Ma, dapat hindi ka na nag-abala pa na bumili ng bagong dress. Meron pa naman akong dress diyan na minsan ko lang nasuot," sabi ko kay mama habang tinitingnan ko ang repleksiyon ko sa salamin na habang suot ko ang dress na binili ni mama last week.

"Aysus. Hayaan mo na, nak. Minsan lang naman eh. Tsaka nagandahan kasi ako sa dress na 'yan."

Hinarap ko siya. Napangiti si mama. "Oh diba? Ang ganda. Bagay na bagay sa 'yo."

Napangiti ako.

"Oh. Sige na, nak. Alas-diyes na. Punta ka na sa party niyo."

"Sige po, ma."

Kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam kay mama. Pagkatapos ay deritso na sa paaralan.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa gate, marami na akong nakitang mga estudyante na todo sa outfit. Party na party nga talaga.

"Woah! Ang ganda-ganda mo naman, Trisha," bungad sa akin ni Martina nang makarating na ako sa classroom.

"Ah. S-Salamat," nag-aalangan kong sambit.

"Bagay na bagay sa 'yo yang peach colored dress na simple lang tapos pinaresan mo ng peach colored na doll shoes. Yiee. Picture nga tayong dalawa," ani Nancy. Nagpicture nga kaming dalawa.

Pagkatapos ay deritso na ako sa isang bakanteng upuan. In-arrange nila ang upuan sa paligid para magkaroon ng maluwag na space sa gitna. Nag-arkila pala sila ng karaoke kaya todo sa pagkanta ngayon si Regine.

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now