Chapter 121

290 15 0
                                    

Pagka-kinabukasan, medyo nagtataka ako dahil wala talagang ginawa ang mga kaklase ko against sa Special Section mula pa kahapon matapos maudlot ang plano nila. Although kanina sa flag ceremony ay nagpapalitan parin ng masasamang tingin ang nga kaklase ko at ang Special section, parang walang nagsasalita sa mga kaklase ko kagaya noon.

Napailing na lang ako. Baka nagbago na sila. New year naman ngayon kaya baka nagta-try na silang magbago.

Hays. Sana ganun na nga talaga para kahit papaano ay may "peace" na rin kahit papaano.

"Asan na pala si Trisha?" Biglang tanong ng teacher namin.

Nag-hands up naman ako agad.

"Pakisulat nito sa blackboard," nakangiting sabi ni teacher.

Agad naman ako na lumapit sa kaniya at saka nagbigay ng instruction sakin kung saan ang isusulat ko. Then, deritso na ako sa pagsusulat.

"Class, isulat niyo sa notebook niyo ang isusulat ni Trisha. Sa ngayon, puro muna kayo pagno-notes para deri-deritso na discussion ko hanggang sa mag-midterm na kayo," utos ni ma'am sa mga kaklase ko.

At yun na nga, puro na lang kami pagsusulat pati sa ibang subject. Yung iba ko ngang kaklase ay tinatamad kaya di na nagsusulat.

"Psst! Picturan mo na lang yung nakasulat sa blackboard ha. Malinaw kasi camera mo. Tapos pakisend na lang sa GC. Salamat," rinig kong sabi ni Pauline sa kung sino man.

Napabuntonghinga na lang ako habang nagsusulat sa blackboard.

Natapos ang araw na puro sulat sa blackboard. Kaya wala akong choice kundi ang kunan ng picture ang sulat ko sa blackboard para may notes ako. Saka ko na lang isusulat sa notebook ko.

***

Huwebes.

Ganun din. Sulat sulat sulat sulat dahil naghahabol daw ang mga teachers namin na ibigay ang mga lessons na cover ng midterm. Baka next week ay kunting review na lang since next week na ang midterm.

Pagkaupo ko sa seat ko, agad akong kumuha ng papel na may sulat na at hindi ko na ginagamit para linisin ang mga daliri kong puno ng chalk dust. Nangangawit na rin ang kanang braso ko sa kakasulat sa blackboard.

Argh. Ayoko na talagang maging secretary sa susunod.


Wala namang ganoon na nangyari pa sa araw na ito.

***

Pagkauwi ko ng hapon, agad akong nagpalit ng damit at saka nagsulat ng mga notes ko na kinunan ko na lang ng picture. Sa dami nang ipinasulat sa amin, sigurado akong hindi ko na makakayang isulat ang lahat kaya pinili ko na lang ang mga subject na isusulat ko. Yung mga subject na magchecheck ng notes.

Hanggang sa gumabi na nga.

Habang nagsusulat ako, narinig ko si mama na nagsasalita sa kusina. Paniguradong si papa ang kausap niya through video call.

Nagpatuloy ako sa pagsusulat ko ngunit mayamaya lamang ay tinawag ako ni mama.

"Nak, gusto kang kausapin ng papa mo," ani mama nang pumasok siya sa sala namin.

Huminto ako agad sa pagsusulat at kinuha ang cellphone ni mama na iniabot niya sa akin.

"Pa," banggit ko nang itapat ko na sa akin ang screen ng phone.

Ngumiti sa akin si papa. "Kumusta, anak?"

"Ayos lang naman po."

"Ah. Eh si Dominic?"

At boom! 'Di ako nakasagot. Parang bigla akong nablanko sa tanong ni papa.

Bigla namang natawa si papa. "Bakit hindi ka makasagot, nak? Diba nangliligaw siya sa 'yo?"

Nagpakurap-kurap lang ako at bumilis ang tibok ng puso ko. Shems.

Umupo si mama sa tabi ko.

Napalunok ako ng laway nang maisip ko na baka sinabi ni mama kay papa ang tungkol sa pangliligaw kuno ni Dominic sa akin.

"Kumusta nga si Dominic? Kumusta pangliligaw niya sa 'yo?" Nakangiting tanong sa 'kin ni papa.

Napasimangot na lang ako dahil sa hindi ako komportable. "Malayo ko sa 'yo, papa."

Tumawa ulit si papa. "Yiee. May manliligaw na ang anak ko~"

Shemay.

"Papuntahin mo diyan sa bahay 'yang si Dominic ha," ani papa.

Hindi ako sumagot. Hindi ko rin naman kasi alam ang isasagot.

"Mahal, kuwentuhan mo ko tungkol sa Dominic na 'yan pag pumunta diyan sa bahay ha," ani papa kay mama na nasa tabi ko lang.

Tumango si mama.

"Basta nak ha. 'Wag papabayaan pag-aaral," paalala ni papa.

Tumango ako.

"Ay naku. Mukhang naabala ang anak natin sa isinusulat niya. Sa susunod na lang kayo mag-usap ulit," ani mama nang mapansin niya ang mga notebook ko na medyo nakakalat sa mesa.

"Ay sige sige sige. Aral ka muna, nak. Basta papuntahin mo diyan manliligaw mo ha? Hehe," pahabol ni papa bago kunin ni mama ang phone mula sa akin.

Napakamot na lang ako sa ulo ko. Haay.

Nang tuluyan nang makuha ni mama ang phone niya, kinuha ko naman ang phone ko. In-open ko muna ang data connection at ang messenger ko. Titingnan ko lang ang group chat namin kung ano usapan ng mga kaklase ko.

Nabasa ko na parang nagpapalitan lang sila ng mga memes na ini-screenshot nila. Okay. Wala namang masyadong importante kaya pinindot ko ang "back".

Napatingin ako sa itaas na bahagi kung saan makikita ang mga active ngayon. Una kong nakita ang profile picture at pangalan ni Dominic. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

Shemay!

Agad kong ini-off ang data connection at ang messenger ko. Shems. Para akong may tinatakasan.

Luh. Para akong sira ulo. Aish. Bahala na nga.

Bumalik na lang ako sa pagsusulat.

•••••

Okras and SpecialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon