Chapter 186

278 16 1
                                    

Nagpalakpakan kaming lahat ng matapos namin ang kanta. Dito na tuluyang natapos ang event at free na ang lahat kung uuwi na ba sila o ano. Kaya kaniya-kaniya na ng buhay ang lahat.

"Trisha," tawag sa akin ni Dominic.

"Oh. Ang bilis mo naman," natatawa kong sabi. Ang bilis niya kasing makalapit sa akin.

Ngumiti lang siya.

"Tara," yaya ko sa kaniya.

"Saan?"

"Kina mama."

"Ow." Napahawak siya sa kaniyang dibdib.

Natawa ako. Hindi lang siya ang kinakabahan. Nagsimula na rin akong kabahan dito.

"Tara na." Saka ako nagtungo kina mama't papa na naghihintay sa akin. Nakasunod lang sa akin si Dominic.

"Ma, pa," kabado kong banggit.

"Oh?"

Napatingin si papa kay Dominic. Shemay. Kaya ko 'to.

"Ma, pa, si Dominic pala...." pakilala ko kay Dominic sa mga magulang ko.

"Hello po, tita, tito," nakangiting bati ni Dominic.

Ngumiti si papa. "Ah. Ngayon ay nakita ko na rin sa wakas sa personal ang manliligaw ni Trisha. Mas gwapo sa personal kaysa picture."

Huminga ako ng malalim at saka nagsalita. Heto na yun. "Boyfriend ko po."

Ahh! Shemay!

"Ha?" Halos sabay na react nila mama.

Pasimpleng mahigpit na hinawakan ako sa kamay ni Dominic.

"Boyfriend ko na po si Dominic. Sinagot ko po siya last week, nitong Miyerkules."

"Ah," napatango silang dalawa. "Mag-jowa na pala kayong dalawa."

Shemay. Huhu.

Ngumiti muli si papa. "Okay. Wala namang masama sa pagkakaroon ng boyfriend/girlfriend basta alam niyo limitasyon niyo."

Nagkatinginan kami ni Dominic at napangiti sa isa't isa.

"May tiwala naman ako sayo, Trisha, at sayo na rin Dominic. Nakailang beses na rin kitang nakita at pumunta sa bahay," sabi naman ni mama.

"Salamat po."

Medyo kumalma na ako. Sa wakas ay nasabi ko na rin.

"Excuse lang po. May pupuntahan lang ako saglit," excuse ni Dominic at saka umalis.

Lumapit ako sa mga magulang ko.

"May boyfriend na ang unica iha namin," ani papa.

Nahihiya akong ngumiti lang.

"Basta wag kakalimutan ang priority: pag-aaral," paalala ni mama.

"Opo, ma."

Mayamaya ay bumalik si Dominic ngunit sa pagkakataong ito, kasama niya mga magulang niya. Kinabahan na naman ako.

Shemay.

"Trisha, tita, tito, they are my parents," pakilala ni Dominic sa mga magulang niya.

Ngumiti ako habang ang lakas ng tibok ng puso ko. Sila mama at papa naman, ngumiti sila pareho.

Lumapit at tumayo sa tabi ko si Dominic at hinawakan ako sa kamay ko. "Mom, dad, this is Trisha---my girlfriend and they are her parents," pakilala naman niya sa amin sa kaniyang mga magulang.

Sa pagkakataong ito, ako naman ang napahigpit ng hawak sa kamay ni Dominic.

"Hello po," bati ko. Ginaya ko lang si Dominic.

Okras and SpecialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon