Chapter 106

462 26 1
                                    

"May bagyo," ani mama nang mapanood namin sa telebisyon ang balita na may bagyong paparating----at magla-landfall na pala bukas nang umaga. Hindi na ako masyadong nakakapanood ngayon sa telebisyon kahit ng mga balita dahil minsan ay maaga akong natutulog.

Pagkatapos kong manood ay agad akong dumeritso sa kwarto ko. Bago ako matulog ay nag-online muna ako sandali sa Facebook. Nabasa ko sa group chat namin na nagsasaya ang mga kaklase ko dahil sa bagyong paparating.

----------------C H A T----------------

Mark Alticen
[Yehey! Paniguradong walang pasok bukas dahil may bagyo!]

Rose Ann Pablo
[Maghintay na lang tayo ng bukas ng announcement galing sa school at sa mayor natin.]

Tom Molina
[Excited na ako para sa suspended bukas. HAHAHA.]

Steven Yu
[Ako rin! Excited ako bukas wala klase.]

Rose Ann Pablo
[Ayos-ayusin mo pagta-tagalog mo, Steven. Nakakadugo minsan sa ilong.]

Nag-offline na lang ako agad at natulog. Wala namang ganoong importante sa group chat.

***

Kinabukasan, idineklara na ang lugar namin na nasa signal number 1 dulot ng bagyo. Nang mag-online ako aa Facebook bago pumasok, dismiyado ang mga kaklase ko dahil walang suspension of classes.

"Ma, papasok na ako," paalam ko kay mama.

"Oh sige. Ingat ka."

Maulan ngayon. Sa araw na ito, syempre makakapagdala na ako ng payong.

Nang makarating naman ako sa classroom namin, halos hindi pa kami nangalahati sa rami.

"Aish. Dapat suspended na klase natin ngayon kahit signal number 1 pa lang," rinig kong sabi ni Martina.

"Oo nga. Siguro kung wala talagang pasok ngayon, masarap pa ang tulog ko," ani Pauline.

"Ako naman, kumakain," singit naman ni Niño.

"Haay naku, Niño. Hindi ka niyan papayat kung puro pagkain lang inaatupag mo," ani Rose Ann.

"Pake mo. Masarap kumain eh."

Nagkukumpulan ang mga kaklase kong narito na at nag-uusap-usap ng kung ano-anong maisip na topic. Ako lang ata ang hindi nakikisali sa kanila.

Di bale na. May gagawin naman ako eh. Kailangan kong maisulat ang mga possible topics na i-re-research namin para maipasa kay ma'am. Si ma'am kasi ang pipili nang topic na i-re-reasearch namin mula sa mga naisip namin mismo.

Nagsidating din ang iba ko pang kaklase. Pero marami ang absent.

Pero kahit na ganoon, pumasok pa rin ang teacher namin sa Practical Research 1. Pero ipinasa lang namin ang mga topics naming by group.

Pagkatapos ay wala nang may pumasok sa amin na teacher. Maghapon. Kahit si Ma'am Herlinda ay nasa classroom lang namin at gumagawa ng lesson plan. Yung mga kaklase ko naman, naglatag sa sahig ng mga visual aids na hindi na ginagamit at saka nahiga para matulog habang bumubuhos ang ulan sa labas. Hindi naman sila sinisita ni ma'am. At least hindi raw lumalabas ng room since umuulan. Ako naman, nakakatulog na rin ako rito sa upuan ko.

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now