Chapter 104

558 31 9
                                    

Mga ilang araw na ang nakalipas.

(Author: Again. Parang gusto ko nang gawing 'ilang taon na ang nakalipas'. Hmm.)

Vacant time namin ngayong 2:00pm to 3:00pm. Kaya heto kami at kaniya-kaniya ng buhay.

Nag-inat-inat ako nang matapos ko na ang sinusulat ko. Sinulat ko kasi yung mga ilang notes na pinicturan ko lang sa board. Kinuha ko ang mga pinunit kong page mula sa notebook ko at nagtungo sa trashcan namin.

"Ay, Trisha," tawag sa akin ni Ma'am Herlinda nang itapon ko ang mga papel ko.

Agad akong lumapit sa kaniya. "Ma'am?"

"Uhm... Pwede mo bang ibalik 'tong plato at tinidor na 'to sa canteen? Kailangan ko pa kasing pumunta sa third floor ngayon," pakiusap ni ma'am.

Agad akong tumango. "Yes, ma'am."

"Salamat. Pakisabi na lang na 'yan yung nilagyan ng pancit na kinain ko."

"Yes, ma'am."

Nagmamadaling lumabas sa classroom namin si ma'am. Ako naman, kinuha ko na ang plato at ang tinidor na ginamit ni ma'am. Mabuti na lang na natapos na ako sa sinusulat ko.

Lumabas ako sa room nang hindi nagpapasama. Kaya ko naman eh. Saka busy yung mga kaklase ko sa kani-kanilang mundo. Nakakahiyang abalahin lalo na si Maria na tutok na tutok sa phone niya kakabasa ng wattpad.

Habang naglalakad patungong canteen, napatingala ako sandali sa kalangitan. Makulimlim at nagbabadya na umulan sa kahit na anong oras.

Nagmadali ako. Pagkarating ko sa canteen, lumapit ako agad sa isang staff dito.

"Excuse me po. Andito po yung plato na ginamit ni Ma'am Herlinda," sabi ko sa babaeng staff na may kinekwenta.

"Ah. Pakilagay na lang doon sa may lababo sa kusina."

Tumango. "Sige po."

Agad akong magtungo sa kusina rito sa canteen namin. In fairness, malinis ang kusina rito. Inilapag ko sa lababo ang plato at agad na lumabas doon.

"Sa lababo mo nilagay?" Tanong sa akin nung babaeng staff.

"Opo."

"Oh sige. Salamat."

Ngumiti na lang ako. Then nagtungo na ako sa pintuan. Kaso pagkalabas ko, biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya napilitan akong bumalik sa loob ng canteen.

"Aish. Hindi man lang ako pinabalik sa classroom namin," nasabi ko na lang.

Tumayo lang ako rito sa may pintuan habang malakas ang ulan. Siguro ay hindi pa naman matatapos ang time kaya hindi ako nag-aalala sa ngayon.

Napalingon ako sa mga estudyanteng narito sa canteen. Mas kaunti ang nandirito ngayon kesa sa recess time at lunch break. Pero hindi talaga mauubusan ng estudyante ang canteen na ito habang class hours.

Nadako ang mga tingin ko sa papalapit sa gawi kong dalawang estudyante. Si Enrico at si Sophia.

Umatras ako pa ako sa tabi nang huminto sila sa may pintuan. Binuksan ni Enrico ang payong na dala niya.

"Tara na," yaya ni Enrico kay Sophia.

Pagkatapos ay ayun. Umalis na sila. Inakbayan ni Enrico si Sophia para hindi mabasa sa ulan since magkasukob sila sa iisang payong.

Bagay silang dalawa.

Habang pinagmamasdan ko sila Enrico na papalayo, bigla namang may dumating sa pintuan kaya napunta sa kaniya ang atensiyon ko. Medyo nagulat ako nang makita ko na si Dominic pala ang dumating. Medyo nagulat naman siya nang makita niya ako rito. Pero nginitian niya rin ako. Ngumiti naman ako. Ayoko naman na masabihan na snob.

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now