Chapter 27

799 30 0
                                    

"Sino kaya 'yung napagalitan nitong nakaraang araw?" Parinig na tanong ni Megan.

"Eh sino naman kaya ang naasar nitong nakaraang araw?" Parinig naman na tanong ni Julie Ann.

"Eh sino ang nagmukhang Grade 1 na nag-sorry?"

"Eh sino naman kaya ang halos magmakaawa na para kami tumahimik?"

Hindi ko alam kung sasawayin o papabayaan ko na lang ang dalawang 'to. Actually, kahapon pa sila ganiyan.

Nandito kasi kami sa quadrangle at katatapos palang ng flag ceremony at naghihintay na lang kami ngayon sa principal na sabihin ang kaniyang announcement.

Umakyat na sa stage ang principal at hawak na niya ang microphone na nakakonekta sa mga speakers.

"Good morning, Grandpaul NHS students," rinig na rinig namin ang boses ng principal sa buong quadrangle dahil sa dalawang speakers na nasa stage. "July na naman bukas. Malapit na naman ang founding anniversary ng ating paaralan. Kaya magsisimula na naman ang ating paghahanda sa nalalapit na founding anniversary. Lalo na't ika-50th years na ang Granpaul NHS ngayong July."

May ilang estudyante ang pumalakpak. Nakipalakpak na rin ako.

"Dahil sa 50th anniversary na ang Granpaul NHS, magkakaroon tayo ng mga activities dito sa school grounds ng tatlong araw."

"Wow! Tatlong araw?"

"For real?"

Iba't iba na ang mga reaksyon ng mga estudyante na nandito sa quadrangle ngayon. Pero ako, wala lang.

"Totoo. Tatlong araw ang selebrasyon ng 50th anniversary ng Granpaul NHS. Marami tayong mga activity na gagawin sa tatlong araw na selebrasyon. May roon tayong sports, mga pagsulat ng mga tula, essay writing, zumba, mga pag-awit, sayaw at kung ano-ano pa. Kaya hinihikayat ko ang lahat ng mga estudyante mula Grade 7 to Grade 12 ng Granpaul NHS na sumali sa mga activities natin upang mas maging masaya ang pagdiriwang ng 50th founding anniversary.

"At syempre, kada-founding anniversary, may tinatawag tayong Mr. & Ms. Granpaul NHS. Kaya paniguradong mayroon tayong Mr. & Ms. Granpaul NHS sa ating selebrasyon ngayong taon. At alam ko na magugustuhan ninyo ang selebrasyon ngayon dahil ang competition natin sa Mr. & Ms. Granpaul NHS ay gaganapin sa gabi."

Napuno ng kasiyahan ang buong quadrangle.

"Yes! Makakalabas na rin sa wakas sa gabi!"

"Sana payagan akong lumabas sa gabi para makapanood ako."

"Paniguradong masaya 'to!"

Ilan lang iyon sa mga narinig ko mula sa mga kaklase ko. Habang ako, napapaisip kong papayagan kaya ako ni mama pumunta rito. Pero parang hindi eh. Saka hindi naman ako mahilig lumabas pa sa gabi.

"So, para sa bawat grade level mula junior high to senior high ay dapat may isang lalaki at isang babae na representative. Kung nais ninyong maging kalahok sa ating Mr. & Ms. Granpual NHS, maaari kayong magpalista sa ating SSG officers na maglilibot mamaya sa campus para mag-room to room kung sino ang nais maging kandidato sa Mr. & Ms. Granpaul NHS. Pagkatapos ay may isang araw naman sila sa pagpapakitang gilas sa may gymnasium. May mai-elimenate hanggang sa magkakaroon ng tig-isang lalaki at isang babae sa bawat grade level para maging representative.

"Para naman sa mga ibang activities, may mag-lilibot naman sa buong campus para mag-room to room din para mailista ang mga lalahok sa iba't ibang activity. Pero hindi pa ngayon ang pagpapalista para sa ibang activity. Maaaring sa mga susunod pang araw. At sa mga susunod araw ay may ipapaskil na sa bulletin boardng campus ang mga activity nagaganapin sa founding anniversary," huminto muna ang principal sa pagsasalita at napatingin sa kaniyang wrist watch. "Okay. 7:30am na. So, yun lang muna sa ngayon. You can now go back to your respective classroom," sabi ng principal.

Agad naman na nagkarambolan ang mga estudyante. Kung saan-saan na nagsisipunta.

Pero kaming section Okra, sabay-sabay kaming nagtungo sa aming classroom. Medyo nabigla ako ng biglang may pumulupot sa kanang braso ko na mga kamay habang naglalakad ako pabalik sa classroom. Si Nancy pala.

"Oh my gesh. Excited na ako sa founding anniversary, Trisha," aniya.

Ngumiti lang ako. Hindi naman kasi ako ganoon ka-excited sa founding anniversary. Wala lang. Hindi ko lang feel.

¤¤¤¤¤

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now