Chapter 156

245 17 0
                                    

Kinabukasan, pumunta muna ako sa isang printing shop para ipa-print ang ang document na nagawa ko kagabi. Naka-uniform na rin ako at ready na nadumeritso sa paaralan. Kaso marami ang ipinaprint ng ilang nauna sa akin kaya inabot ako hanggang 8:00am. Late na ako. Kaya naka-online na naman ako sa Facebook para maka-chat ko ang nga kaklase ko. Mabuti na lang na wala pa si ma'am sa room.

Nang makuha ko na ang ipinaprint ko at nakabayad, halos tumakbo na ako patungo sa paaralan. Hindi na ako nag-abala pa na sumakay dahil nagtitipid ako. Ang dami ng pagkakagastusan namin sa paaralan. Lalong lalo na ang para sa cheerdance namin. Nahihiya na ako na humingi kina mama dahil sa ang laki na ng gastos ko.

Hingal na hingal na ako nang dumating ako sa gate ng school campus. Pero patuloy pa rin ako na tumakbo patungo sa room namin.

Pagkarating ko, mabuti na lang wala pa si ma'am. Pagkaupo ko sa seat ko, pinaypayan ako ni Maria.

"Tumakbo ka ba? Hingal na hingal at pawisan ka," Tanong niya.

Tumango lang ako habang hinahabol pa rin ang hininga ko.

Nakita niya naman ang laptop bag na dala ko. Halos yakapin ko ito kanina habang tumatakbo ako para lang hindi masyadong mapano.

"Laptop laman niyan?" Tanong niya pa sa akin.

Tumango ako ulit. "Kay Dominic," pabulong kong sabi.

Natigil siya bigla sa pagpapaypay sa akin. "Ha? Bakit nasa iyo?"

Lumapit ako sa kaniya para maibulong ko ang sagot ko. "Pinahiram niya sa akin."

"Woah! Talaga?"

Tumango ako at ikinwento ko ang mga nangyari kahapon. As usual. Kilig na kilig na naman siya. Mabuti na lang na busy sa kaniya-kaniyang gawain ang mga kaklase ko kaya walang may pakialam sa amin ngayon ni Maria.

Nang mapatanong naman ang ilan kong kaklase lalo na ang mga kagrupo ko tungkol sa laptop na dala ko, sinabi ko lang na ipinahiram ng isa kong kaibigan. Mabuti na lang na medyo marami ang iniisip ng mga kaklase ko kaya tila wala silang pakialam kung sino mang kaibigan ang mayroon ako. Basta ang mahalaga ay mayroon kaming laptop sa grupo.

Sa araw na ito, sinabihan na kami ng teachers namin tungkol sa exam namin. Nagbigay na sila agad ng pointers sa amin para mapaghandaan na namin ang exam. Sinabihan din kami ng research teacher namin sa magaganap na research congress na gaganapin after sa examination week. Ngunit gagawa kami ng illustration para sa kabuoan ng paper namin at gagawin siya bilang isang tarpaulin or tarpapel. Kami ang gagawa ng illustration at iyon ang iprepresenta sa congress day. Ngunit walang sinabi ang research teacher namin kung may exam ba kami o wala.

Ang cheerdance naman ay gaganapin within examination week. Since sa Thursday at Friday ang exact day sa exam, sa Lunes kami magpre-present. Ang Festival Dance naman ay gaganapin na lang after sa examination week. Sa Festival talaga ako kabado. Hindi pa kami nagpra-practice para riyan. At ang defense naman namin sa pananaliksik ay isasagawa sa Tuesday ng examination week. Huhu. Ang daming ganap.

***

1:30pm

Nandito kami ngayon malapit sa gate at naghahanda na mag-excuse sa guard. Halos buong klase kaming narito ngayon. Magpapa-print sana kami sa labas ng campus. Kahit na tapos na ako magpaprint kaninang umaga, kailangan pa rin ng grupo namin na magpaprint ngunit para naman sa pananaliksik. Ang iba ko namang kaklase ay ngayon lang din nila natapos ang mga gawain nila.

"Rose Ann, ikaw na kumausap sa guard. Ikaw president sa atin," sabi ni Kevin.

Labag man sa kalooban ni Rose Ann, pero pumayag siya. Lumapit siya sa guard at naiwan naman kaming mga kaklase niya sa dito at nagkukubli sa isang gusali. Para kaming tumatakas.

Okras and SpecialsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora