Chapter 174

191 14 9
                                    

"S-Sorry..."

"Oh yes! Goods 'yan!" Biglang sigaw ni Julie Ann.

"Shut up! Hindi pa tapos magsalita si Trisha!" Sigaw naman ni Caroline.

Nakita ko ang medyo pagbabago sa expression ni Dominic. Pero sinisikap niya na hindi ipakita sa akin ngunit nakikita ko.

"Sorry... I mean," huminga muna ako ng malalim bago magsalita ulit. "Sorry kasi hindi ko alam ang isasagot. P-Pwede mo ba akong bigyan ng time?"

Nginitian niya ako. "Sure. Kung hindi ka pa handa ngayon, hindi mo kailangang i-pressure ang sarili mo para sumagot agad... Willing akong maghintay para sa kung ano man ang iyong sagot."

Pagkatapos ay tumayo siya at tiningnan ako ng deritso.

Napayuko ako. "S-Sorry," sambit ko.

"Hindi mo kailangang mag-sorry. Take your time. Hihintayin ko sagot mo."

Napakagat ako sa ibaba kong labi. Shems.

"Horayt! Tama na 'yan!"

"Okay! Tapos na ang palabas! Kaya labas!"

Napalingon ako sa may pintuan. Nakatayo at hinayaan lang ng Special Section ang mga kaklase ko na itulak sila sa tabi at pumasok.

Ang mga kaklase ko naman, dumeritso sila kay Dominic at itinulak-tulak nila siya palabas ng classroom.

Kinuha ni Rose Ann ang hawak na bouquet ni Dominic. "Sus! Sayang 'to no? Buti nga sayo!" Sigaw ni Rose Ann kay Dominic sabay tapon sa bouquet sa basurahan.

"Hindi ka na sasagutin ni Trisha!"

"Oo nga! Kaya huwag ka nang maghintay!"

"Papaasahin ka lang ni Trisha!"

"Basted ka na! Bwahahaha!"

Marami pang pinagsasasabi ang mga kaklase ko kay Dominic habang pinagtutulakan siya palabas ng classroom namin ngunit tila hindi niya iyon naririnig. Nakatingin lang siya sa akin ng deritso. At sa huling pagtulak sa kaniya ng mga kaklase ko bago siya tuluyang makalabas ay nginitian niya ako.

Napaupo ako sa arm chair. Nanlalamig ang mga kamay ko at ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.

"Hoy kayo! Ano na tinitingin-tingin niyo? Labas!" Sigaw ni Rose Ann.

Napalingon ako sa kung sino man ang sinisigawan niya. Ngayon ko lang napansin na andoon pa rin sa may pintuan ang ibang Special Section. Nakatayo lang sila doon at tila nanlumo. Nakatingin pa sa akin si Megan.

"Hoy! Sabing lumabas na kayo. Binasted na ni Trisha ang Dominic ninyo!" Muling sigaw ni Rose Ann at akmang itutulak niya sila Megan.

"Heh! Wala pang sagot si Trisha!" Inirapan ni Megan si Rose Ann.

"Wala na 'yan. Basted na si Dominic!" Sigaw ni Mario at nagtawanan ang mga kaklase ko.

"Psh! Huwag nga kayong magsaya. Hindi pa tapos ang lahat. Hindi pa sumasagot si Trisha. May chance pa si Dominic," asar na sabi ni Jonel at saka inaya niya nang lumabas ang mga kaklase niya at bumalik sa classroom nila.

Patuloy na nagsaya at pinagkatuwaan ng mga kaklase ko ang Special Section.

"Uy, Trisha!" Tawag sa akin ni Nancy at lumapit sa akin. Lumapit na rin sa akin ang iba ko pang kaklase. "Tuturuan ka naming sagutin ang tanong ni Dominic sayo. Ganito sabihin mo... 'hin-di'."

Nagpalakpakan ang mga kaklase ko.

"Tama. Ganun dapat. Kaya ang sasabihin mo kay Dominic kapag nagkita kayo ulit ay 'HINDI'," sabi naman sa akin ni Rose Ann.

At nagtawanan na naman sila.

"Ano nga ulit si Dominic ng Special Section?" Malakas na tanong ni Mark sa mga kaklase ko.

"Basted!" Sagot ng karamihan.

"Sino ang nangbasted?"

"Si Trisha!"

"Ano ngayon si Trisha?"

"Good girl!"

"Yehey!"

Pagkatapos ay nagkasiyahan ulit sila at tila nasa isang party. Sobrang ingay nila ngayon.

Napasapo na lang ako sa mukha ko. Wala pa akong sagot kay Dominic pero ang reaction ng mga kaklase ko ay tila sumagot na ako ng 'hindi'. Argh.

Naguguluhan ako.

Naramdaman ko bigla ang isang kamay na biglang humawak sa balikat ko. Nilingon ko. Si Maria.

Hindi siya nagsalita at nginitian niya lang ako na tila pilit lang.

Napaiwas na lang ako ng tingin.

***

Sa bahay, kinagabihan, hindi ako nag-online. Wala akong lakas ng loob mag-online. Nakahiga lang ako at nakatingin sa kisame. Iniisip ko ang lahat ng mga nangyari kanina.

Ini-imagine ko mga possible na mangyayari if nagbigay ako ng sagot agad kanina.

What if nag-oo nga ako? Tapos?

What if nag-hindi ako? Ano na susunod?

Parang hindi pa ako ready. Pero ayokong makasakit ng damdamin. Alam ko na kapag sumagot ako ng 'hindi', malamang hindi iyon maganda sa pakiramdam sa side ni Dominic. Nakaka-down.

Parang 50 percent, oo. At 50 percent, hindi.

Ah basta. Naguguluhan ako ngayon.

*****

Okras and SpecialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon