Chapter 93

456 23 0
                                    

Nagdaan ang Sabado't Linggo at Heto na naman ang Lunes. Naging busy ako sa araw na ito. Pinaghahandaan ko na kasi ang report namin sa Practical Research 1. Dahil kami ang nasa chapter 1 at tapos na kaninang umaga si Ma'am Ariela sa paunang discussion ukol sa subject, kami na ang susunod. Kaya kailangan kong paghandaan. Maaaring bukas na kami mag-report. Mabuti na lang na nagsulat na ako sa manila paper ng report namin nitong weekends.

Search. Search. Search sa Google about sa report namin kung may vacant time kami. Lalo na ngayong 3:00pm to 4:00pm dahil hindi pumasok ang teacher namin.

Nag-inat-inat ako. Magswe-sweep na kami at saktong natapos ko nang i-review ang buong report namin. Kahit na binigyan ko na ng part ang mga kasamahan ko sa report na ito, ni-review ko na lang lahat, just in case, at matutulungan ko sila.

"Uy, uy, uy! Magswe-sweep pa tayo! Wala munang uuwi! Ang umuwi nang hindi nagswe-sweep ay hahampasin ko ng walis!" Banta ni Rose Ann sa mga kaklase ko na nakasukbit na ang kanilang bag sa kanilang likod.

Wala namang nagawa ang mga kaklase ko kundi ang tumulong.

Iniligpit ko muna ang mga gamit ko sa aking bag bago ako magsweep. Parang nakakapagod ang ginawa kong pagre-review sa report namin. Gusto ko na tuloy umuwi agad.

"Oh? Ba't ka andito?" Rinig kong tanong ni Rose Ann sa kung sino man.

"Si Trisha."

Biglang bumilis ang tibok nang puso ko nang marinig ko ang boses. Boses lalaki. Napalingon ako sa may pintuan. Nakita ko si Dominic. Kaharap niya si Rose Ann.

Bigla namang lumapit sa kanila si John Rey at sabay pa itong nakapamewang. "Bakit? Lalandiin mo siya?" Pataray na tanong nito kay Dominic.

Ay grabe siya.

Lumapit ako agad sa kanila. Kaya napatingin sa akin si Dominic.

"Tara na," yaya niya bigla.

Napa-"Huh?" ako.

"Anong 'tara na'?!" Sabay na tanong nila Rose Ann at John Rey kay Dominic.

Hindi sila pinansin ni Dominic. "Nakalimutan mo na? May practice tayo ngayon para sa Mr. & Ms. UN sa Friday," aniya habang nakatingin lang sa akin ng deritso.

Napakurap ako saglit habang pina-process ko ang sinabi niya. Hanggang sa naalala ko ang announcement last week na may practice nga kami. Shemay! Nakakalimutan ko na!

"T-Teka. A-anong oras na ba?" Tanong ko sa kaniya. Sa pagkakaalala ko, alas-kwatro ang practice namin.

Napatingin si Dominic sa kaniyang wrist watch. "4:07pm," aniya at napatingin ulit sa akin. "Late na tayo ng seven minutes."

Agad akong napalingon kay Rose Ann.

"Ahm... Pupunta na kami sa practice," paalam ko sa kaniya.

Sinamaan niya muna ng tingin si Dominic bago tumango sa akin.

"Tara na. Mapapagalitan na tayo," yaya ni Dominic at naglakad na palayo.

Napalingon muna ako kay Rose Ann at kay John Rey na ngayon ay masamang nakatingin sa akin. Wala naman silang magagawa dahil inanunsyo na last week na may practice kami. Tapos late na rin kami.

Humabol ako kay Dominic na medyo nakakalayo na at iniwan sila Rose Ann.

Habang naglalakad kami patungong quadrangle, nakita ko na dala na niya ang bag niya. Naalala ko ang bag ko. Naiwan ko sa classroom. Pero paniguradong dadalhin naman nila Rose Ann o ni Maria ang bag ko sa quadrangle kung umuwi na sila. O baka maabutan ko pa sila sa room mamaya kung agad na matatapos ang practice namin.

Nang malapit na kami sa qudrangle, hindi pa nagpra-practice. Nagsisidating pa lang ang ibang estudyante na siguro ay sila ang representative ng kani-kanilang section. Nasa stage ang isang teacher na siguro ay naghihintay sa amin.

"Mabuti na lang hindi pa nagsisimula ang practice," sabi ko habang naglalakad kami.

Napalingon ako kay Dominic na tila nagpipigil na ngumiti or tumawa.

Napahinto ako sa paglalakad nang nasa gitna na kami ng quadrangle. Napahinto naman siya sa paglalakad.

"May nakakatawa ba?" Taka kong tanong sa kaniya.

Sa pagkakataong ito, tuluyan siyang napangiti. "Okay. Nagsinungaling ako kanina," aniya.

Napakunot ang noo ko.

Lumapit siya sa akin at ipinakita sa akin ang wrist watch niya.

"3:54?" Patanong kong basa.

Tumango siya. "Sinabi ko lang na 4:07 kanina para agad na makaalis tayo. Kapag sinabi ko kanina ang totoong oras, paniguradong marami pa silang sasabihin. Mabuti na lang na hindi nila naisipang tumingin sa oras kanina."

Sinungaling pala 'tong si Dominic.

"At kaya nag-advance ako na pumunta sa classroom niyo ng sampung minuto bago ang alas-kwatro ay para kung sakali man na marami pa silang sasabihin, may matitira pa tayong oras na makapunta ng eksaktong alas-kwatro at hindi tayo mapapagalitan. Pero mabuti na lang na nagtanong ka ng oras kanina," paliwanag pa niya at nginitian ako.

Napangiti na lang din ako. Okay na rin ang ginawa niya. Magaling ang naisip niya para malusutan ang mga kaklase ko.

Nang makompleto na kami, nagsimula agad ang practice. Prinactice lang naman namin kung ano-ano ang pagkakasunod-sunod ng aming paglabas sa stage, yung arrangement namin sa quadrangle, at sinabi pa sa amin na may kaunting sayaw daw kaming lahat pagkatapos naming magpakilala lahat. Pero bukas pa kami tuturuan since napakadali lang naman daw ang sayaw.

Sa buong practice ngayong araw, medyo nakakaramdam ako ng pagka-awkward kay Dominic lalo na kung malapit siya sa akin. Nahihiya rin ako kahit practice pa lang.

Nang matapos ang practice, nakita ko sila Rose Ann, Pauline, Nancy, John Rey at Maria na naghihintay sa akin sa may bench. Yakap-yakap ni Maria ang bag ko.

"Uhm... Dominic," tawag ko sa kaniya. "Andiyan na sila Rose Ann. Mauna na ako."

Tumango siya. "Sige. Ingat ka pauwi."

"I-ikaw rin."

Ngumiti lang siya sa akin.

Pagkatapos ay agad akong lumapit kina Maria. Agad na inabot sa akin ni Maria ang bag ko.

"Bwesit," biglang sambit ni Rose Ann nang makuha ko na ang bag ko. Hindi siya nakatingin sa akin. Sinundan ko kung saan siya nakatingin.

Nakatingin siya kay Dominic na nakatayo sa kalayuan habang tila nagta-type sa kaniyang phone.

"Uhm... Tara na?" Yaya ko.

Tumango naman sila.

°°°°°

Author: Ang boring no? HAHAHA. Matutulog na lang ako.

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now